Chapter 9 Luis Martin Hughes

192 11 5
                                    

(Ing)

Pagkagising ko may bagong shoe rack sa kwarto ko. Nilapitan ko ito..

"Heels..Shoes w/ high killer heels...Not my style..hfff.."

Kinuha ko yung phone ko at nagsend ng text sa isang maid na gising na ako. Pero in a nice way ha? Kasi kapag bell parang masyadong sosyal,basta parang sobrang tamad tignan atleast ang pagtext may ginawa ka.

Maya-maya pa ay dumating na ang breakfast ko.

"Lady Samantha nandito na po ang- !!! Ah! Ano po ang nangyari sa iyo? May nakausling spring sa kama niyo? Matigas po ba ang unan niyo? Ayaw mo na po ba ang punda niyo?" tanong sa akin nung maid.

"...A e,hindi hindi! Ano lang..May iniisip lang ako..Sige salamat sa pagdala ng food ko. Pwede ka ng bumaba."
"Sige po.."

Pagkatapos niyon ay naligo na ako. Bago ako lumabas ng banyo tumingin ako sa mirror.

"Laki ng eyebags ko~ Ugh! I look so stress!"

Pagkalabas ko ng banyo may nakahanda ng damit sa kwarto ko,isang floral dress at..Sapatos na may 4 inches na heels..

Bumaba ako ng kwarto na nakapaa lang at buhat ang sapatos ko.

Pumunta ako sa Dining room.

"Good morning Samantha! Hows- oh my! Are you sick,dear?" tanong sa akin ni D-daddy
"..No daddy,Umm...May nabasa lang kasi akong book na maganda and hindi ko na namalayan yung oras."

Tumingin lang sa akin si Kuya Sedrick na umiinom ng coffee. As usual seryoso pa rin mukha niya.

"U-ummm" hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya umupo na lang ako sa isang chair at sinuot ang sapatos ko.

Tumayo ako nang dahan-dahan.

"Whoo..S-sigeeee po llabas muna ako" nahihirapan talaga akong bumalanse...

"P-para akong robot maglakad. Hindi ko man lang mai-bend paa ko.."

Inalis ko muli yung shoes at naglakad ng naka paa papunta sa garden. Pagkarating,sumilong ako sa isang puno at humiga sa damo.

"Haaaay! Ito ang tinatawag ko na relaxing!"

Pagkapikit ng mata ko. May narinig akong sigaw ng isang babae

Dumating na si Sir Luis!!

Napabangon ako! Agad kong kinuha ang shoes ko at tumakbo ng hindi iniisip kung saan ako papunta.

Nakarating ako  sa labas ng green house at napatigil ako.

"Teka,bakit nga ba ako tumatakbo? Baka guni-guni ko lang ang narinig ko at duh! Maaga pa para bumisita siya. Hahahahaha!"

Pumasok ako sa green house. Napaka presko sa loob at marami ding klase ng halaman. At sa gitna ay may table at dalawang chairs.

"Magandang magtea sa ganitong lugar."

Umupo ako sa isang chair at mula doon tumingin ako sa malaking puno sa tabi ko na nagmimistulang shade ng biglang may nagsalita.

"Sam!! I missed you so much!"

Tumaas ang balahibo ko at unti-unti akong lumingon at tumayo.

"L-luis Martin Hughes?"
"Yes its me!" tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang gulat hindi ako makaimik.

"Ha-hi Luis Martin Hughes" sabi ko

Kumalas na mula sa pagkakayakap si Luis

"Why so formal? Haha!"
"Ow,yeah hehehe. Hi Luis! I-I missed you..too!"

"Hahaha! Na-mimiss ko na yung pagtawag mo sa akin ng Lulu ^^"

Ah? Yun ba ang tawag ni Samantha kay Luis??

"A e..hehehe.. Syempre ano..Hindi naman na tayo bata para magtawagan ng ganoon" palusot ko

"Well,you are right. But I still like to call you Sam or Sam-sam. Is it fine with you to call you in that name?"

Tanong niya. Grabe napaka lambing niya magsalita at palagi pa siyang nakangiti.

"yeah,sure. Ok lang sa akin" sabi ko.
"By the way,I would like to give you something. Upo muna tayo"

Agad naman akong umupo.
"Ito o! This is for you Sam..Sam??..Sam-sam??"
"..Oh! U-uh ano yon?"
"Ito o! Buksan mo."
"S-sure"

Pagkabukas ko tumambad sa akin ang bracelet na may 5 diamonds sa gitna nito.

"Huh!!!" sabi ko
"Umm..That's my apology gift for leaving you for almost 11 years. I know it's  not that much.."

Not that much??!!
"Kase naman yung price niyan eh $120,000 lang at ang alam ko mas gusto mo lang ang jewelry na $150,000 above ang price sana tanggapin mo" sabi niya sabay suot sa akin nung bracelet.

"No! Sobra-sobra na ito! H-hindi mo naman kailangang magbigay ng ganito kamahal na regalo para mapatawad kita. Saying sorry is already fine with me" sabi ko,hindi ko namalayan na nakahawak na pala ko sa kamay niya. Tumingin siya ssa akin sabay ngiti.

"S-sorry! Hindi ko sinasadya" sabi ko sabay bitaw
"Its okay ^^"
"So umm...Alam na ba ni Ma- Daddy na nandito ka?"
"Nope. Sinabi ko sa mga maids niyo na wag sabihin. Gusto ko kasing masurprise ka."

Oo nga. Nasurprise ako ng sobra.
"Sige,puntahan na natin si D-daddy."

Nakaheels nga pala ako kaya pagtayo ko na-out of balance ako pero agad akong nasalo ni Luis

"Oh! Are you alright?"
"Y-yeah.."
"Good,be careful ha.."

Tapos inabot niya sa akin ang kamay niya na para bang sinasabi niya na 'gusto kitang alalayan maglakad,is it okay for you?'

Napatingin ako sa kaniya. Kahit ilang ako inabot ko ang kamay niya.
"T-thank you L-luis" sabi ko.

Naglakad kami pabalik sa mansion.

Pumunta kami kay D-daddy.

"Luis! Ang laki mo na! Lalo kang gumwapo!"
"Ahahaha! Thank you Sir Henry,ikaw din po. Gwapo pa rin!" sabi ni Luis
"Hahahaha! Just call me uncle. So kamusta ang muli ninyong pagkikita ni Samantha?"

"Great!" tumingin si Luis sa akin
"Lalo siyang gumanda Uncle. At medyo nagbago siya ha? Nagulat ako,dahil tinanggap niya ang regalo ko na worth $120,000 lang. Expected ko eh ihahagis lang niya ang regalo ko...Hahaha!"
"Ahaha! Dalaga na kasi siya. Nagbabago talaga ang lahat habang nagma-mature."

"hehehe!" iyon lang ang nasabi ko
"So, why dont you take a walk outside para makapagkwentuhan pa kayo" suggest ni Daddy. Oh no!

"Sure! Ok lang ba sa iyo Sam?..Sam??"
"..U? Oo naman Luis"
"Sige po uncle"
"Ok..Bye!"

Pagkatapos niyon ay naglakad na kami palabas.





Vote,comment and ask questions ^^

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon