(Ing)
7:51 am
Bumangon ako sa isang malaki at malambot na kama...Inilobot ko ang tingin ko at ibang-iba ito sa dati kong tinitirahan.
"Yup, dito na pala ako titira..." lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Akalain niyo iyon,nahanap ko agad. May 12 maids sa loob na nagaayos doon at nagluluto.. Lumapit ako sa ref,binuksan ito at tinignan kung ano ang pwedeng inumin at nakita ako ng tubig na malamig. Kinuha ko ito at kumuha na rin ng baso. Magbubuhos na sana ako ng tubig nang may pumigil sa akin.
"Lady Samantha,hindi ka po pwede dito. Baka masugatan kayo."
Napatigil ako ng limang segundo bago makasagot. Hindi pa kasi ako sanay na tawaging Lady Samantha.
"Hindi,kukuha lang ako ng tubig....at isang tinapay" sabi ko sabay kuha.
"Hindi po talaga"
Tapos may 3 maids na ang nakahawak sa akin. Isa sa may kamay,may nakaalalay sa likod at yung isa hawak yung baso at tinapay...
"Hi-hindi Ok la-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may nagsalita mula sa pasukan ng kusina.
"Anong nangyayari dito?"
Lahat ng 12 maids ay biglang napaharap at nagbow. Agad akong napalingon at nakita si Sedrick.
"Good morning sir Sedrick" sabi ng isang katulong habang nakabow. Syempre ako lang ang nakatayo kaya napayuko na rin ako.
"G-good morning,ssss-sir Sedrick" sambit ko...
"Tssss....Bakit ka nakayuko?" sabi niya
"A-ako?" tanong ko..Tapos biglang may 2 maids na tumayo sa akin. Talagang napatingin ako sa kanilang dalawa,bumalik sila sa kanilang pwestong nakayuko..
"Good morning din" bati ni Sedrick sa maids,tapos tumayo na sila.
"Anong ginagawa ni Samantha dito?"
Samantha.....Ako pala iyon
"Kukuha daw po siya ng tubig at tinapay. Pinagsabihan na po namin siya na bawal siya rito at baka masugatan siya"
Sagot ng isang maid
Seryoso talaga ang tingin ni Sedrick,at napatingin siya sa akin
"Wala ka pa talagang alam sa buhay-mayaman...Kaya darating ang teacher mo mamaya. Hindi ka dapat yumuko kapag nakakasalubong mo kami. Dahil ikaw si Samantha Craig. Ang mga kasambahay lang ang yumuyuko sa amo. At hindi sir ang tawag mo sa akin,its either sedrick o kuya....Dapat nasa kwarto ka pa ganitong oras. Sila ang magdadala ng breakfast mo sa kwarto"
Breakfast in bed ang eksena??
"Teka gus-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko may 2 maids na magaang humawak sa braso at kamay ko.
"Tara na po sa kwarto niyo Lady Samantha"
"Ihahatid na lang po namin breakfast mo"Pagkarating sa kwarto may iniabot yung isang maid sa akin.
"Lady,ito po gamitin niyo kung may kailangan kayo"
Pagkatapos niyon ay yumuko siya
"Maliit na bell??"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumayo siya, ngumiti at marahang umalis sa kwarto ko...
"Ang liit nito? Paano nila maririnig..."
Sinilip ko sa loob yung bell..Wala namang bakal sa loob..
"Papaano ito gumagana?"
Inalog ko ito kaunti at tumunog naman..
"May kailangan po kayo Lady Samantha?"
Nabigla ako dahil may biglang nagsalita mula sa labas kaya nahulog ko yung bell
"Ah eeh..W-wala..Pasensya na" sabi ko sabay pulot..
"Sige po Lady,paparating na din po yung pagkain mo."
Makalipas ang 1 minuto dumating na ang pagkain ko.
Sa isang tray may isang plato, 2 platito sa tabi merong knife at fork.
Ang pagkain ko ay egg,bacon at may orange sa gilid. Hot chocolate naman ang drink ko na nakalagay sa babasaging baso at nakapatong sa platito.
"Enjoy your breakfast Lady Samantha..."
Napahinto ako ng 5 segundo bago makasagot.
"O-ok! Salamat ha? Ummm...nagbreakfast na kayo?"Habol ko,parang hesitate pang sumagot yung isa...
"Uhmm...Lady, hindi pa po.."
"Sa inyo na 'to"
"AY HINDI PO!"Sabay nilang dalawang sinabi na umiling pa sila.
"Hindi po pwede!"
"Hindi po ba masarap?? Sorry po" dagdag ng isa."Ah! Hindi! Masarap siya (kahit hindi ko pa natikman) busog pa kasi ako..umm.. Kaya sa inyo na..dito niyo na kainin...S-sige na,ut-utos ko iyon"
Medyo nahirapan akong sabihin yong huli. Busog pa talaga kasi ako. Kinain naman nila. Pagkatapos nilang kumain,
"Salamat Lady Samantha"
"Yup,pwede na kayong lumabbbas"Phu! Di talaga ako sanay magutos-donia..
"Nnnn! (unat) oras na para maligo"
Pagkapasok ko sa banyo
"Wooooow! *°* ang gandaaaaaaa!"Napakalaki ng banyo! Kasing laki niya yung kwarto ko sa apartment ko noon. May malaking bathtub sa gitna na kulay gold ang lining at faucet. Pati yung inodoro! Ang kintab! Nakakahinayang gamitin. Tapos sa taas ng sink may pa-oblong na mirror,may design na floral sa gilid nito..
Napasarap ang pagbabad ko sa tub kaya wrinkly na yung paa at kamay ko pagahon. Nagsuot ako ng T-shirt,pants at black rubber shoes. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas. Nakita ko doon si Master Henry..
(next chap na lang po)
°°°°°°°°°°°°°
Comment and vote po ^^
You can also ask questions kung may hindi kayo naintindihang part ng chapter na ito ^^
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
Ngẫu nhiênAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...