Chapter 7 Spa day

168 12 1
                                    

(Ing)

Ganoon pa rin, hindi ko maiwasan na mabigla pagnagigising ako dito sa malaking kwarto. Parang panaginip lahat ng nangyayari sa akin.

Nakita ko ang maliit na bell sa tabi ko. Inalog ko lang ito kaunti at nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto

"Good morning Lady Samantha. Nandito na po ang breakfast niyo. Papasok na po ba ako?"
"S-sige!"

Agad naman siyang pumasok at binigay sa akin ang breakfast. Ngayon pancakes naman.

Habang kumakain ako lumapit sa akin yung maid at magtanong kung may kailangan pa ba ako at ang sinabi ko ay wala tsaka siya umalis.

Pagkatapos kong kumain,naligo na ako sa napakagandang banyo. Nagsuot ng dress na lagi ko namang hinihila pababa kahit alam kong hindi na ito hahaba. At flat shoes sa paa,ayaw ko pa ng heels.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na..

Nakita ko si Master Henry at Sir Sedrick sa Dining room kumakain..Ako lang ba ang kumakain sa kwarto??

"G-good morning po" bati ko sa kanila.
"Oh! Good morning too Samantha! How was your sleep?"

Samantha nanaman..

"Ok lang po. Uhm, dito ba kayo palaging kumaikain?" tanong ko
"Uhm,ako oo..Si Sedrick minsan lang.."

Tapos biglang napatingin sa akin si Sedrick kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko, naalala ko kasi yung nangyari kahapon..

"Lalabas po muna ako. Umm,doon ko na lang hihintayin si Teacher Wilma"

"Ok,magtawag ka lang ng maid kung may kailangan ka.." -Master Henry

Tumango na lang ako at lumabas na..

Dala ko din yung papel na binigay ni Sir Sedrick. Binabasa ko ito habang wala pa yung teacher ko.

"Ah,kaya pala pinigilan ako ni Sir Sedrick kahapon. Allergic pala yung tunay na Samantha sa hipon. Nakalimutan niya siguro na hindi ako ang tunay na Samantha"

Patuloy lang ako sa pagbasa
"Halos mga branded na gamit at imported ang hilig niya. Mga brand na never ko pang nabili o nahawakan man..."

Habang binabasa ko ito, napagtanto ko na magkaibang-magkaiba kami ng tunay na Samantha. Hindi lang sa estado ng buhay pati sa mga ayaw at gusto niya.

Well, ganoon talaga paglaki sa luho at yaman at ikaw eh sa simpleng buhay lang.

Sa tingin ko nagkasundo lang kami dito,pareho kaming mahilig sa chocolates.

"Lady Samantha,handa ka na po ba?"

Biglang may nagsalita sa harap ko na agad ko namang tinignan
"Teacher! Opo handa na ako sa practice"

Pagkasabi ko niyon agad na namin sinumulan.

Ngayon tungkol naman sa table manners at kung paano gamitin yung iba't ibang klase ng spoon ang fork.

"Oops! Kapag kakain ka or iinom, huwag mong isasabay ang ulo mo. Dapat yung spoon o baso ang ilalapit mo hindi ang ulo mo..And dont slouch.."
"O-ok"
"Raise you pinky kapag iinom ka..Ayan,not too high,yung normal lang,relax your finger..."

Andami palang arte no? Kakain ka lang eh. Basta ako noon subo lang nang subo.

"Yung table napkin sa lap mo,iyan ang gagamitin mong pang punas sa kamay or lips after mong kumain. Dont wipe too hard baka magsmudge ang lipstick or makeup mo.. Lightly lang"

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon