(3rd person)
Galing sa kwarto si Ing at pababa na siya ng hagdan. Pumunta siya sa kusina para kumuha at uminom ng tubig.
"Itong bote na lang ng tubig kesa magbaso pa ako."
Sabi niya.Umiinom siya ng tubig habang papalabas ng kusina ng makasalubong niya ang isa sa mga maid nila.
"Lady Samantha, hinahanap po kayo kanina ni Sir Sedrick."
Naubos na ni Ing yung iniinom niya.
"Oh? Bakit daw?"
"Um, hindi ko po alam Lady."
"Ah sige ayos lang. Saan po ba siya pumunta?"
Tanong ni Ing habang nagtatali ng buhok."Sorry Lady, hindi ko po alam ulit."
"Ayos lang, ano ka ba. Haha! Sige itatapon ko lang ito."
"Ako na po magtatapon Lady Samantha." sabi nung maid sabay kuha sa bote.
"H-ha? Sige salamat po."
Naglakad na si Ing para hanapin si Sedrick. Napapaisip siya kung bakit daw siya hinahanap ni Sedrick. Wala sa loob ng mansion si Sedrick kaya lumabas na lang siya.
"Bakit ba niya ako hinahanap?"
Maglalakad pakaliwa na sana si Ing nang may tumawag sa pangalan niya.
"Samantha!"
Lumingon siya agad at nakita niya ang kaniyang kuya na papalapit. Mukhang paalis na sana para pumunta sa work.
"Kuya Sedrick, hinahanap mo daw ako?"
"A, oo.. Iabot mo nga yang isang kamay mo."
"Ha?"
"Tsss..."
Si Sedrick na mismo ang umabot ng kamay ni Ing.
"Teka! Kuya,bakit mo tinatanggal yung bracelet na binigay ni Luis?"
Nagulat si Ing sa ginawa ng kuya niya. Hindi naman siya sinagot nito. Pagkatapos alisin, may nilagay na bagong bracelet si Sedrick sa kamay ni Ing.
"Sabi ko na nga ba, bagay sa kamay mo ang bracelet na binili ko."
"O- okay, sige. Aalisin ko na."
"Wag!" sabi ni Sedrick sabay hawak sa kamay ni Ing
"Binili ko iyan para sa iyo.
"A-ah?"
"Tss.. Aalis na ako."
Tumalikod na si Sedrick at naglakad.
"T-teka kuya!"
Agad lumingon si Sedrick."S-salamat. At akin na yung bracelet na binigay ni Luis."
Napabuntong hininga si Sedrick. Hinagis niya papunta kay Ing yung bracelet. At nasalo naman ni Ing.
"Mabuti na lang nasalo ko."
"Wag mong susuotan ng ibang bracelet iyang kamay mo na nilagyan ko! Wag mo ding huhubarin iyang bracelet."
Pagkasabi ni Sedrick niyon ay umalis na siya. Medyo nagulat naman si Ing sa nangyari at napatango na lang siya.
Lumipas ang ilang oras hindi mapigilan ni Ing na tignan yung bracelet na binigay ng kaniyang kuya.
"Ang ganda ng bracelet na binigay niya. Kapag tinopak nga naman yung taong iyon, eh napaka bait."
Tinaas niya ng bahagya ang kamay niya para tignan yung bracelet sa malayuan at binaba rin agad.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...