Chapter 35

132 7 2
                                    

(Ing)

Naka uwi na si Daddy! Yehey! Agad ko na siyang sasalubungin.

"Manang, asan po si Daddy?" tanong ko

"Pumunta na po sa kwarto niya."

"Sige po salamat."

Masaya akong tumayo sa pinto ng kwarto niya. Dahan-dahan akong sumilip at parang may hinahanap siya sa table niya. Pumasok ako sa kwarto niya kaunti sabay sabi ng..

"Welcome home da--...."

Pinutol ni daddy ang sasabihin ko.

"M-mamaya na Ing. Medyo busy pa ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ing?? Halata pa sa hitsura at boses niya na medyo nairita siya, galit ata siya.

Nalungkot ako at naluha.

"S-sige po."

Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at naglakad papuntang kwarto.

"Bakit kaya galit si Daddy?......... N-nalaman na niya kaya na ako kumuha ng phone niya? !!!! Nako po kung ganoon nga."

Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa palda ko.

"Parang sobrang galit kasi siya. T-tapos... Tinawag niya akong Ing."

Nakaramdam ulit ako ng matinding lungkot. Napatingin na lang ako sa sahig. Habang nakatingin bigla na lang may pumatak na luha ko sa sahig.

"A-ano ba iyan Samantha. Tss.. Hehe. Wag kang umiyak baka makita ka nila." sabi ko sabay punas sa luha ko.

Tapos biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Si Tita Ellein..Uhurm.. Hello po?"

"Hi sweetie! Kamusta?"

"Ayos lang po ako Tita. Kayo po? Wala na po ba kayong sakit?"

"Ay wala na ahahaha! Salamat sa kahapon."

"W-walang anuman po."

"Ayos ka lang ba iha?"

"P-po?

"Parang nanginginig kasi boses mo para bang naiiyak."

Huh? Halata ba sa boses ko?

"*uhurm* ay ayos lang po ako. Medyo namalat lang ang boses ko kaunti. Tubig lang katapat nito."
Sabi ko

"Ganoon ba. Ay! Meron may gustong makipag usap sa iyo. Hahaha!" sabi ni Tita na halata sa boses ang pagka excite

"Sino po?"

"Si Luis!"

"Si Luis po? Ay umuwi na po siya?"

"Hind pa. Naka skype kami, naguusap kami tapos nakwento kong inalagaan mo ako ng isang araw ng magkasakit ako."

"Ahh.. Pwede po ba? Phone tapos laptop?"

"Oo! Ahahaha! Nakaloudspeaker naman eh,pareho kayo."

"O-okay sige po."

Tapos nagsalita na si Luis.

"Hi Sam-sam! Kamusta?"

"Hello Luis. Ayos lang ako. Kayo ah,kamusta na kayo ni Kuya diyan?"

"Ayos lang kami dito. Nasa Bathroom si Kuya Sese mo naliligo."

"Ah,so nasa condo niyo kayo?"

"Oo Sam-sam. Uy,salamat pala sa pag-alaga kay mama ha? Na abala ka tuloy."

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon