(Ing)
"Anak ko!" bungad niya, nakiliti ang mga tenga ko sa sinabi niya
"Mas-master Henry, I mean daddy,good morning po"
"Bakit ganyan ang suot mo?"
"B-bakit po? Pangit po ba?" kabadong tanong ko
"Hindi sa ganoon,may bisita ka mamaya.. Dapat mas maganda pa ang suot mo. Maraming dress sa closet mo,di bale papatulungan na lang kita"Pumalakpak siya ng tatlong beses at may dumating na 3 maids
"Tulungan niyo siyang makapili ng damit.."Nagbow sila para ipakitang sumasangayon sila.
"Tara na po my lady.."
Sabi ng isa. Hindi na ako pumiglas pa at nagpaasikaso na lang kahit medyo ilang ako.
Mula ulo hanggang paa inayusan nila ako at sila na rin ang pinapili ko ng damit.
"Uhmmm,ilan ba ang katulong dito?" tanong ko
"12 lang po kami.."12 lang?! 12 LANG?!! NILA-LANG NILA ANG DOSE??!!
"All around po kami dito.. Pero may kaniya-kaniya kaming task. Pero kung may ipapautos si Master,Si Sir o ikaw Lady, kung sino ang available sila po ang gagawa niyon"
Dagdag niya
"Ahh... Kamusta kayo dito?" tanong ko ulit. Ang sumagot naman ay yung katulong na nagaayos ng buhok ko.
"Ok lang kami dito. Nag-eenjoy din kami. Sumesweldo ng tama,mabait naman po sila. Ang mahirap lang po talaga pakisamahan lalo na kapag tinopak ay si La-" hindi natapos ang sasabihin niya kasi siniko siya ng isang maid"Sorry po Lady" apologize nung maid na nagaayos sa hair ko
"Ok lang.." sabi ko ng may ngiti
"Tapos na po Lady Samantha" sabay nilang sinabi. Natigilan nanaman ako ng limang segundo
"Salamat ^^..Ano pala names niyo?"
"Rosette"
"Violeta"
"Jing"
"Ahhh..ok salamat Rosette,Violeta at Jing"Nalaman ko nga names nila,nalimutan ko naman hitsura. Lumabas na ako pagkatapos niyon. Pagkarating ko sa garden may lumapit guard sa akin.
"Lady Samantha..Lady Samantha? Lady??"
"A-ahh! Yes?"Hindi pa talaga ako sanay na tawaging Lady Samantha
"Hinihintay ka po ni Master Henry at Sir Sedrick sa fountain garden. Dumating na rin po ang teacher mo.."
Fountain garden? Soooo,hindi lang ito ang garden nila. Hinatid na ako ng guard sa garden na iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Ang daming fountain sa area na ito! May angel,swan,ship,mermaid,pot of money at madami pang design ng fountain!! Masyado akong igno,tama,wala talaga akong alam sa pagiging buhay-mayaman,sa tingin ko nga ang pamilyang ito ay hindi buhay-mayaman kundi buhay-bilyonaryo
Agad akong lumapit ng makita ko silang tatlo.
"Salamat kuya guard" sabi ko at tuluyan na akong lumapit doon"Oh she's here!" sabi ni Master, I mean daddy. Si K-kuya Sedrick naman seryoso pa rin ang mukha. Tumabi ako kay d-daddy.
"Wilma,siya ang sinasabi ko na kailangan mong turuan or train..Samantha,Teacher Wilma.."
Sabi ni Daddy
".....A e..Nice to meet you po" sabi ko
"Nice to meet you,too" sabi niya ng may ngiti. Mukhang mabait naman siya eh.. Pwede na.."You're aware that your training will start today,right?" sabi ni Sedrick. Napakaseryoso talaga ng facial expression niya. Paralyzed ba mukha niya kaya iyon palagi expression niya?
"Op..Oo kuya"
"Sige,Wilma nakapagusap naman na tayo about her sched. Iiwan na namin kayo ok? Be a good girl sweetie.." sabi ni Master Henry sabay halik sa noo ko. Sobrang nagulat ako at agad na tumalikod
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...