(Ing)
Umalis na ako sa mall. Nakita daw kasi ni Luis yung kotse namin na nakapark kaya napatawag siya sa akin at tinanong kung nasaan ako.
Nasa isang CD/Album store daw siya. Sabi niya punta raw ako doon. Pero bago ako pumunta doon pumunta ako sa driver namin at sinabing umuwi na siya mauna. Sabi din kasi ni Luis ihahatid na lang niya ako pauwi.
Naglakad na ako kung nasaan siya. Nasa labas lang naman ng mall yung store at malapit lang. Nang malapit na ako nakita ko si Luis sa labas. Napaka gara talaga niyang manamit! Kumaway siya sa akin kaya kumaway na rin ako habang tumatakbo papalapit sa kaniya.
"Hi Luis!" sabi ko ng makalapit na ako.
"Nakita ko kasi yung kotse niyo kaya napatawag ako at tama ang hinala kong ikaw ang nandoon. Hahaha! Ikaw pa Sam-sam! Parang 2nd house mo na yang mall eh. Hahahaha!" sabi ni Luis. Binuksan na niya yung pinto ng store.
"Lets go." sabi niya. Una niya akong pinapasok sa store at sumunod siya.
Marami ring tao sa loob at ang lamig din dahil sa aircon. Syempre puro CD's at albums ang nandoon.
"Sam-sam,ditong side lang ako. Nagpapabili kasi si Mommy ng bossanova CD's eh."
Sabi niya ng may ngiti."Sure! Dito naman akong side." sabi ko.
Patuloy ako naglakad. Ang una kong pinuntahan ay yung sa mga albums. Andaming tao sa stand na iyon. Bakit anong meron? .Kpop albums wow!!! Ang dami! Yes, Kpopper ako,ang first fandom ko ay b2uty (b2st) Grabe!! Meron sila yung time album! Wow! At may B.I.G. album na sila huwwwwaaaaw!!
"Bibili ako *q*." actually andaming kpop album sa kinatatayuan ko! Halos lahat ng alam kong kpop group ay may album dito! 2ne1,SuJu,SNSD,4minute,BTS,Apink,Nu'est.
Sa sobrang dami,hindi ko alam ang bibilihin. Pero hawak ko na ang album ng B.I.G. kaya ito na lang. Naglakad na ako papunta sa counter. Tapos napansin ko yung ibang fangirls naka tingin sa hawak kong album at halatang nanghihinayang sila. Mga Beginning siguro sila XD
Pagkatingin ko nagbabayad na si Luis. Saktong napatingin siya sa gawi ko.
"Sam-sam! Nakabili na ako. Tara na?" sabi niya.
"Uhm,mauna ka na sa labas may titignan at gagawin lang ako."
"Ok. I'll wait you outside."
Sabi niya sabay labas sa store.
Agad na akong nagbayad. Nilabas ko na yung wallet ko at nagbayad ng halos isang libo mahigit. Grabe! Pinikit ko na lang mata ko habang inaabot ang pera. Ngayon lang naman ako makakabili ng album. Ngayon lang.Natauhan ako ng magsalita yung cashier.
"Thank you ma'am. Come again."
"O-ok. Salamat din."Nilagay ko na sa bag ko yung binili ko at nakita ko si Luis nakasandal sa kotse niya.
"Ok ka na?" sabi niya ng may ngiti at humawak na sa may pinto ng kotse.
"Yup ^_^"
"Then lets go." sabi niya sabay bukas ng pinto. At sumakay na ako. Sinilip ko ulit yung album na binili ko. Grabe! Kinikilig ako hahaha!Mas siniksik ko pa sa bag ko yung album ng biglang nagpakita yung cellphone ni daddy.. At nagring??!!
"Waaaah!" sigaw ko. Agad kong nakuha attensyon ni Luis.
"Oh bakit?... Ano nangyari?"
"Ah ano.. Wala."
Niyakap ko bag ko nang mahigpit para hindi niya marinig yung tawag."Sam-sam may tumatawag ata sa phone mo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Luis.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...