Chapter 43

76 4 0
                                    

(3rd person)

Nasa kanilang mansion si Luis.
Papunta na siya sa kwarto niya at nagkasalubong sila ng mommy niya.
Nagngitian sila at pinagpatuloy ang kani-kanilang gawain.

Pero biglang napatigil si Luis.

"Mom... What if..."

"Yes, anak?"

"Ay umm...Kung may nalaman ka tapos hindi pala 'yon totoo. Ano, anong reaction mo?"

"Hmm? Depende Luis. Kung gaano ba kahalaga o ka-grabe ba yung situation or yung nalaman mo."

"Depende?? Paano kung, parang mas naging okay ka pa nung nalaman mong hindi totoo. I mean... Urrrr..."

"Can't express it Luis. Hahaha! Nasasaiyo yan kung paano ka magrereact. Ano ba kasi iyon??"

"Eh kasi... Nothing mom.. Thanks anyway haha!"

Pinagpatuloy niya ang pag punta sa kwarto niya.

"Wag muna. Baka mabigla si mom. Baka kung ano pang hindi maganda mangyari."

Pagkarating sa kwarto, humiga agad si Luis sa sofa niya at kinuha ang cellphone sa bulsa. Agad siyang nagtext kay Ing.

Hi Samantha! How's your day?

Ayos lang Luis :') Sa iyo, kamusta?

Good :) . Medyo madami lang ginawa sa office kanina pero done ko na lahat.

Wow naman! Galing ha? Hindi ka ba pagod? Magrest ka muna kaya.

Medyo. Kung makita sana kita wala na lahat ng pagod ko. Haha!

Bolero! Haha! Pero magpahinga ka na. Usap na lang tayo later ha? Ayaw ko naman maudlot pagpapahinga mo dahil sa akin. Haha!

Pinagtatabuyan ako? :(
Just kidding,haha. Sige,later na lang. Take care Sam.

Bye! Take care too,Luis. :D

Si Luis medyo namomroblema dahil kay mommy niya. Hindi niya alam anv maaring mangyari pag nalaman na niya ang totoo.

Si Ing naman ay nasa living room. Tinawag na siya ng isang maid dahil kakain na daw ng dinner.
Agad namang sumunod si Ing.

Pagkaupo ay agad na siyang pinagsilbihan ng mga maids. Ang nandoon lang ay si Master Henry.

Napa isip din siya kung nasaan si Sedrick. Kinalawit niya ang kaniyang buhok sa tenga at huminga ng malalim bago magtanong kay Master Henry.

"Dad...Asan po si kuya?"

"Ah, kakain daw siya sa labas kasama ang mga officemates niya."

"

Okay po."

"Sinong naghahanap sa akin?"

Lahat sila ay napatingin sa nagsalita at nakita si Sedrick, nakasandal sa pinto.

"Lasing ka Sedrick." sabi ng daddy niya.

"Medyo lang dad. Hehe. Nagkatuwaan lang kaming magkakatrabaho."

"Tsk tsk tsk! Alam mo na ayaw ko ng ganyan Sedrick! Wag mo ng uulitin yan."

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon