(Sedrick)
Papasok na ako sa office ko nang may tumawag sa pangalan ko.
"Sir Sedrick!"
Agad akong lumingon.
"Bakit Jerome?"
"Ah sir, report po about sa sales natin. Pinapaabot ni ma'am Quesa."
Inabot niya sa akin ang isang white folder na naglalaman ng report.
"Okay, salamat."
Papasok na sana ako ng tawagin na naman ako ni Jerome.
"Sir, naka slippers kayo? Nakalimutan niyo bang magpalit ng sapatos?"
"Ah, hindi. May sugat kasi ako sa paa. Sige na Jerome. Balik na sa trabaho."
"Ah, okay sir. Sorry din sir."
Naglakad na siya ng mabilis at pumasok naman ako sa office ko.
Nilapag ko ang white folder sa table at umupo na ako sa aking upuan. Napansin ko na nakakalat ang pens at highlighter ko kaya nilagay ko sa pen holder. Napaka handy ng pen holder na ito. Palagi kasi akong nawawalan ng pen o highlighter, di ko alam kung saan ko nailalapag. Mabuti may lalagyan na talaga ako.Binuksan ko ang drawer ng table na nasa may gawing kaliwa ko. Kukunin ko na yung ibang sales report at ikukumpara sa latest report. Pero ang maling drawer pala nabuksan ko, ang bumungad sa akin ay ang bio ni Ing.
"Nandito pa pala ito."
Kinuha ko iyon at binuklat.
"Sabagay, hindi kasi ito pwedeng itapon sa trashcan ng basta-basta lang..."
......
Napatingin ako sa wall clock. Ilang minuto na pala ako nakatitig sa bio ni Ing!!! Ilang beses ko na ata ito paulit-ulit na binasa. Tsk tsk tsk!
Napasapo na lang ako.Sinara ko na yung bio at tinago ulit.
"Grabe ka naman Sedrick."
Sabi ko sa sarili ko."Ays, minsan iniisip ko na sana matapos na ito agad. O kaya naman di na lang sana nangyari ito."
Sinandal ko ang likod ko sa upuan at nagpaikot-ikot.
"Ang gulo. Ang gulo talaga ng mga pangyayari. Inaabangan mo na lang kung ano ang susunod na mangyayari sa bawat araw na darating. At bahala na kung anoman iyon."
.....
Lunch break
Kinuha ko ang iced coffee ko na mula sa vendo. Habang iniinom ang coffee nakita ko si Ing sa may corridor. Papunta na siya sa may elevator. Biglang kumilos ang mga paa ko para habulin siya. Ano ba 'tong ginagawa ko??
Nakasakay na siya. Pinigilan ko ang pagsara sa pinto ng elevator at hinila siya palabas doon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Hindi siya umimik kaya nagtanong ulit ako.
"Saan ka pupunta?"
"Ibibigay ko kay daddy itong pagkain niya. Umalis ka na nga. Baka nagugutom na si daddy."
"... Ako na magbibigay sa kaniya."
Pagkuha sa pagkain ay nahawakan ko ang kamay ni Ing.Pareho kaming napatingin sa isa't isa.
"A-ako na! Ako naman nagsabi na magdadala eh!"
"Ako na nga. Umuwi ka na!"
Pinag-aagawan namin yung pagkain. Napalakas ang hila ko kaya napatumba kami sa sahig. Ang awkward ng hitsura namin.
"O-oy teka Samantha!" sabi ko ng mapansin kong naiiyak na siya. Bakit??
"Uwaaaaaaaaah! Uwaaaah! Luis luis luis!! Uwaaaah!"
"O-oy! Sandali lang. W-wag ka ng umiyak!!"
"Samantha!!!"
Napalingon ako kung sino tumawag sa kaniya. Si Luis??!! Pinaglololoko niyo ba ako??
Agad na tinayo ni Luis si Samantha.
"Ano ba ginagawa mo Sedrick?" galit na tanong ni Luis.
"T-teka lang!! Accident yon! Gusto ko lang tulungan si Samantha! Kaya nga ako na magdadala nung pagkain ni dad eh!"
"Napakaselfish mo!! Di mo man lang naisip ang kalagayan ni Ing! Napakaselan kaya ng kalagayan niya ngayon! Pati pamangkin mo ilalagay mo sa panganib!"
Pamangkin?? Itong si Ing naman eh nakayakap kay Luis.
"Pamangkin?? Wala akong pamangkin!" sabi ko
"Oo meron. Buntis si Ing. Magkakaroon na kami ng anak."
Nabitawan ko ang aking iced coffee at bumuhos sa paanan ko. Nabasa ang leather shoes ko. Agad kong dinampot yung lata pero laging nahuhulog. Hanggang sa may malaking butas sa ilalim ko at nahulog ako.
"Waaaaaaaaaaaaaaaah!"
Nagising ako... Nasa canteen ng building namin. Nakahiga sa mesa, at may tumatapon na iced coffee sa slippers ko.
"Argh." sabi ko sabay tayo sa lata.
"It was just a dream. Phew."
Nag-unat ako, pagkatapos ay kumuha ng tissue para punasan ang paa ko.
Ang nangyari kasi, pumunta ako dito para mag meryenda. 5:45 pm na din eh. Nakatulog pala ako. Hindi ko rin nakain yung meryenda ko. Tsss...Sa lahat ng pwedeng mapanaginipan iyon pa talaga?? Aish. Ang sakit na ng ulo ko. Dahil ba sa panaginip na iyon o sa pagkabigla ng gising??
"Uuuhh, ayaw ko na atang matulog ulit."
"At marami pa pala akong gagawin sa itaas. Makabalik na nga sa office."
Minsan ka na nga makatakas ng tulog sa trabaho, ganoon pa ang panaginip mo. > . < aiiiiish. Lagi ko na lang naaalala!
"FOCUS SEDRIIIICK!"
Sigaw ko."S-sir??"
Nagulat ako ng may tao pala sa may pinto, nakatingin sa akin.
"Miss Lo. Ano kailangan mo?"
Sabi ko sabay ayos sa buhok at damit ko. Di na kasi ako mukhang presentableng tao.
"Wala naman sir. Pero kasi naririnig namin sa ibaba na padyak po kayo ng padyak at parang... Nagdadabog po.....ummm.. Tinitignan lang po kung ayos lang kayo rito."
"A eh, salamat sa pagaalala sa akin. Pero ayos lang ako dito. May umm.. Ipis kasi..di ko mahanap."
"Sir, tawagin ko na ba si Jerome para tulungan kayo?"
"Hindi na, bumalik ka na sa trabaho."
"Yes sir." umalis na siya
Aish, ano ba pinag gagagawa ko.
Dibale, normal lang naman madistract sa trabaho minsan. Lahat ng tao nakakaranas ng ganyan. For sure kahit si daddy ganyan din minsan. Kalmado lang ako. Kalmado.
"Welcome back po Sir Sedrick. Heto po ang towel niyo. Eh sir, bakit po kayo nagpark sa may gate pa eh umuulan po hindi pa kayo nagpayong?"
Sabi ng matanda na naming maid.Oo nga puwede naman ako magpark sa mismong harap na ng bahay di pa ako mababasa ng ulan.
"Ah eh, pasensya na manang medyo nagmamadali lang."
Sabi ko sabay kuha sa towel at tumakas. Di naman halatang distracted ako eh. =_= kung ano ano kasi iniisip nawawala tuloy sa sarili.
Kaagad na akong umakyat sa kwarto ko para makapagpalit na ng damit. Pagkatapos dumiretso na ako sa dining room para kumain. Kumpleto kami ngayong gabi.
Kagaya ng dati o dapat ko bang sabihin gaya ng unang-una pa lang na nagkasama kami ni Ing sa hapunan ay hindi kami nagpapansinan. Wala namang bago. Lalo lang kami lumayo sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...