(Ing)
Tahimik lang kami sa biyahe. Pagkatapos din ng ilang minuto nakarating na din kami doon sa bahay ng kaibigan niya at whoah! RK din pala ito eh. Mansion ang bahay! Pero to be honest mas malaki bahay namin. Haha!
Pinark agad ni Luis yung kotse pagkarating namin.
"*turns off the car engine* nandito na tayo guys." Sabi ni Luis.
"Tara." Kuya Sedrick, sabay bukas nh pinto at bumaba na.
"Oookey!" Sabi ko naman at bumaba na rin. Bumaba na kaming lahat.
Si Luis ang nanguna sa amin. Siya na din ang nagbukas ng pinto. Sumalubong sa amin ang napakalakas na music.
Napatakip pa akong tenga at napangiwi.
"Bakit Samantha?" Tanong ni kuya. Poker face pa rin siyempre.
"A-ah ano lang. Nalalakasan lang ako sa music. Pero masasanay din ako hehe."
"Pasok na tayo guys." Sabi ni Luis ng may ngiti.
Nang makapasok na kami ng tuluyan sa bahay isang salita lang ang nasabi ko.
"WOW."
Ang engrande! May malaking chandelier! Parang 3 layers ata iyon tapos may parang disco ball pa silang gamit kaya parang nasa bar ka. Bar ng mga elite. Tapos may mga kurtina sa gilid ng mga kisame. Mayroon ding balloons.
May 4 na long tables sa right ko. Madaming food, may mga punch or cocktails at juices. May mga lamesa at upuan din. Buti nagkakaintindihan pa mga tao dito sa lakas ng music. May mga sumasayaw na din sa gitna, nakakaindak din kasi yung loud music eh. Mga young adults talaga pagdating sa party, super ready. Grabe kung makasalita ako, parang hindi ako kabilang doon ah. Ahaha!
"Sedrick! Samantha! Magikot! Muna! Kayo!" Parang sumisigaw na si Luis ah.
"O-key!! Saan! Ka! Ba! Pupunta!" Sigaw ni kuya Sedrick.
"Diyan lang! Sa mga! Iba kong! Kaibigan!"
"Sige!!"
Ako naman hindi na ako nakisabay sa mga sigawan nila at nag thumbs up na lang.
Siyempre sumusunod lang ako kay Kuya Sedrick. Tumigil kami sa isang table at pinaupo niya ako. Good thing sa side na ito hindi masyadong malakas yung music. Pwede ng magsalita ng hindi pasigaw.
"Umupo ka muna diyan."
Sabi niya at agad ko namang ginawa."Bakit kuya? Ayaw mong maglibot?"
"Ayaw ko. Kung gusto mo maglibot ka. Ako, ayaw ko. Uupo muna ako rito."
On the bright side ayos na rin ito, atleast wala masyadong makakakita sa akin.
"Sige,hindi na rin kuya. Sasamahan na lang kita dito."
Tapos medyo nagbago expression sa mukha niya medyo ngumiwi siya pero agad ding bumalik sa pagka poker face. Hindi ko alam kung ngiwi ba iyon na natatawa, nandidiri, nagulat o nagtataka. Malay ko ba! Hindi ko naman kayang basahin ang expression niya sa mukha.
So,ito. Kaming dalawa nakaupo lang at walang ginagawa. Nilalaro ko na lang yung tissue. Si Kuya Sedrick tingin nang tingin sa relo niya.
"Umm...Kuya? Bakit ka tingin nang tingin sa relo mo?"
Wala eh nagtataka lang ako. Gusto na niya bang umuwi? May gagawin pa ba siya sa bahay?
"Gusto ko lang."
Sagot niya pero sa relo pa rin siya nakatingin. Aist! Malay ko ba!
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...