Chapter 26 Surprise Visit

131 9 4
                                    

(Ing)

Pababa na ako mula sa kwarto. Di ko alam kung bakit pero dahan-dahan akong bumababa para bang may tinataguan.

"Feeling agent huh?"
biglang may nagsalita sa likod kaya muntikan akong gumulong sa hagdan. Nilingon ko kung sino.

"K-kuya! Good mor-ning.." sabi ko
"Kung magiging agent ka man ano itatawag sa iyo. Agent bird brain? Tssss..." poker face pa rin siya syempre =_= at nilagpasan ako.

"B-bird brain daw ako??!! Excuse me! Kahit hindi mataas na school ang pinagaralan ko alam ko ang ibig sabihin ng bird brain.. Ano ata eh...uhm.. Bobo o maliit ang utak! Hmp!"

Nagpatuloy na ako sa pagbaba at nasa lubong ko si daddy. Oh no!

"Samantha,umuwi ka ng maaga kahapon. Bakit? Sumama ba pakiramdam mo?"

"Ah,hindi po..."
Aalis na sana ako ng magsalita ulit si dad.

"Samantha,hindi mo ba talaga nakita phone ko. Kasi doon ko lang sa table ng office nilagay yon."

Sorry po.

"Uhm... Hindi po talaga eh...uhmm."
Must change topic.

"Uhm daddy,look. Bagay ba sa akin itong dress na nakita ko sa closet?" sabi ko sabay ikot.
> .

"Yes sweetie,bagay na bagay *smile*"
"Talaga po? *.* Yey!" sobrang tuwa ko ng marinig ko iyon.

"Tara daddy! Kain na po tayo."
Agad ko siyang hinila papuntang kainan. Hinatid ko siya sa chair niya. Si Kuya Sedrick nandoon na siya at tahimik lang.

Hinanda na breakfast namin. Binigyan kami ng maids ng juice at nilagyan ng pagkain sa plato.

"Thank you ^^" sabi ko
Nagsimula na kaming kumain. Ang tahimik namin,masakit sa tenga kaya naisip kong magsalita.

"Di ba po mas masaya ang ganito." sabi ko. Natigilan sila. Tumingin sila sa akin.

"Yung ganito po. Sabay-sabay tayong kumakain ^^. Mas enjoy pong kumain na magkakasama ang pamilya ^^"
Tapos walang umiimik sa kanila. Natahimik ako at yumuko na lang....

"Oo tama ka. Mas gusto ko na din ng ganito." nabuhayan ako sa nagsabi non. At si daddy pala nagsabi! XD

"Talaga po daddy??!! *big smile* Kahit po tahimik tayong kumain basta sama-sama ayos po iyon!" sabi ko

"Oo oo Samantha haha! Di ba Sedrick mas masaya nga?"
"Huh?.... Oo..."
Parang hindi siya masaya =_=. Nah! Never mind. Basta si daddy masaya, ok lang ^^

*****
Pagkatapos kumain, umalis na sila kuya Sedrick at daddy at pumunta sa work.

Dito ako sa bahay,mag isa..Punta kaya ako ni Luis?

Oo pupunta ako! Tatawagin ko na si Manong.

Pagkatawag agad ko ng sinabi kung saan ako pupunta.

"Sa mansion nila Luis Hughes."
"Opo Lady."

At nagbiyahe na nga kami. Tapos nakakita ako ng pastry shop kaya nagisip ko na tumigil muna at bumili ng creampuffs *q*. Agad din ako bumalik.

At sa wakas nakarating na ako sa mansion nila.

"Manong pasok ka na lang sa mansion kung may kailangan ka."
"Opo Lady Samantha ^^"

Pagkapasok sa mansion nasalubong ko ang maid nila. Ay oo nga pala hindi nila alam na nandito ako kaya surprise visit na lang ito.

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon