Chapter 45

51 2 0
                                    

(R. Samantha)

"Ayaw ko na! We are over Denmark!  Ayaw ko na sa iyo, ayaw ko na sa lugar niyo, ayaw ko na sa bahay mo, ayaw ko na sa klase ng buhay na meron ka dito. Basically, I don't like everything around here and everything about you!!"

Sigaw ko. Sawang-sawa na ako dito.

"Samantha! Sandali!"
Sigaw ni Denmark. Baka magmamakaawa siya na huwag ko siyang iwan. Pwes, nakahanda na ang sagot ko doon. Kaya humarap ako sa kaniya.

"Denmark, pwede ba tig'---!!!"

Hindi ko natapos sasabihin ko dahil binato niya ako ng isang damit. Nang tignan ko...

"Oh my gosh!"  sabi ko

"Nakalimutan mo yang panty mo! AHAHAHA! Hindi ako magmamakaawa. Ayaw ko na din sayo! Sawang-sawa na ako sa ugali mong matapobre! Wag ka ng babalik~"

Aba! Nakangiti pa itong palaka na ito!! Abdkrnckwkds!!

"HINDI NA TALAGA AKO BABALIK! PWE!!"

Oh my gosh. Huhuhu. Feel ko pati ugali ko kasing baba na ng sa kanila. Kasing squatter na nila. Oh my!

"Ang bigat pa ng bags ko. Babalik na ako sa amin. Para gumanda na ulit ang buhay ko at para mawala na ang impostora sa bahay namin!"

Pero waaaait! Dapat may beauty rest muna ako at magkapag ready ako para sa bonggang entrada ko sa aking pagbabalik!

-----------------

(3rd Person)

Nagmamadaling bumaba sa hagdan mula sa kwarto si Ing.

"Manang, nandyan na po ba yung driver?"

"Opo, Lady Samantha."

"Okay, Salamat...*calling Master Henry*... Hello daddy? Daddy kakain lang kami ni Luis sa labas... Opo.. Okay po, thanks dad. Bye!"

Nilagay na ni Ing yung phone sa kaniyang bag. Pagtingin niya sa harapan nandoon si Sedrick, nakatayo lang. Hindi pinansin ni Ing at naglakad diretso palabas.

"Aalis na naman siya. Pwede naman na dito na lang sila kumain ah." sabi ni Sedrick.

Hinabol ni Sedrick si Ing at hinawakan sa kamay.

"Ako na maghahatid sa iyo." Sedrick.

"Ano! Bitawan mo nga ako! Manong, sa lugar na po ito."
Sabi ni Ing at inaabot yung papel na may address ng pupuntahan nila.

Agad iyon hinablot ni Sedrick.

"Ako na maghahatid sa iyo."
Hinila ni Sedrick si Ing sa kamay papunta sa kotse niya.

"ANO BA! Bitawan mo nga ako! Hindi ko naman sinabi na ihatid mo ako eh! Ano ba Kuya! Bitawan mo ako! Bitawan mo kamay ko!"
Sigaw niya

Pero patuloy lang si Sedrick sa pagpunta sa kotse, sinakay niya si Ing sa may harapan. Mabilis si Sedrick kumilos kaya di nakababa si Ing sa kotse dahil umaandar na.

"Alam mo kuya! Lagi ka na lang nakikialam! Ano ba problema mo ha? Kontrabida ka!"

"Anong Kontrabida?! Ihahatid nga kita o!"

"Di naman ikaw ang sinabihan na ihatid ako. At may ibang motibo ka kaya ihahatid mo ako! Nagpupumulit ka na ihatid ako! Bakit kasi! Ha!"

Nagaaway at nagsisigawan sila. Galit na galit si Ing. Tama naman siya sa naisip niya, may ibang motibo si Sedrick kaya niya ihahatid si Ing.

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon