Chapter 24 Small Tea Party

132 8 3
                                    

(Ing)

"Ate,paki abot nga po yung plate na iyon." sabi ko sabay alis ng apron na suot ko.

"Sam-sam!!"

Agad akong lumingon sa tumawag sa pangalan ko.

"Oh hi Luis! You are too early!" sabi ko habang kinukuha yung plato sa maid.

Nagplano kasi si Tita Elleine ng isang small tea party. Kami-kami lang at dito sa bahay ang venue.

"Yeah I know! Hahaha! Excited kasi si mommy. Maaga pa siyang nagising para magluto at gumawa ng cookies at tea."

Sabi niya sabay sandal sa pintuan.

Binuhat ko na yung ginawa kong mga caramel tarts at puddings.

"Ahahaha! Ganoon ba? Tara na nga, punta na tayo sa greenhouse."

"Let me help you Sam." sabi ni Luis sabay kuha nung isang tray.

"Thank you." At naglakad na kami papunta sa greenhouse. Pagkarating doon ay nandoon na si Daddy, kuya Sedrick at Tita Ellein.

"C'mon guys! Can't you walk any fastser? Hahahaha!" pabirong sinabi ni Tita.

"Okay mom!" sabi naman ni Luis. Nilapag na namin yung dala naming food sa table.

"Hello sweetie!" sabi ni Tita Ellein sabay kiss sa cheeks ko

"Hello din po tita. Thank you po sa pagsali sa amin dito hehe!"

"Sure sure."

Tapos,umupo na kami ni Luis. Katabi ko sa left side si Kuya Sedrick at sa right ko si daddy. Kaharap namin sina Luis at Tita Ellein.

"Okay,I'll serve the tea! I made this muself!" sabi ni tita na halatang excited.

"Thank you po" sabi namin nila Luis,Sedrick at ako.

"Salamat Ellein." daddy.

"Lets eat! Tikman natin ang ginawang pasteries ni Samantha." Tita

Syempre na tuwa ako sa sinabi ni Tita Ellein at napangiti. Isa-isa na silang kumuha.

"Its good!" sabi ni daddy

"Thank you po" sabi ko. Nakangiti naman sa akin si Luis habang kumakain. Si Sedrick nakatingin sa malayo habang kumakain.

Biglang nagsalita si Luis.

"I did not really expect na mahihilig ka sa pagluluto Sam-sam. Noong bata tayo puro fashion iniisip mo at puro fashion channels pinapanood mo hahaha!" sabi ni Luis.

"Ahahaha oo nga! Nakakagulat Samantha" sabi ni Tita. Tapos yung feeling na kayong tatlong Craigs eh nakakaramdam ng awkwardness. Kami ni daddy ay nagkatinginan at ngumiti. Si Sedrick,mas lalong tumingin sa malayo.

"I-is there something wrong?" Tita

"A-ah! Wala,wala Ellein. May iniisip lang ako" sabi ni daddy.

Kumuha ako ng cookies na binake ni Tita at kinain ito.

"Mag-outing kaya tayo minsan?" sabi ni Luis.

"Sure. Saan?" sabi ni daddy

"Ay gusto ko yan!" sabi ni Tita na excited ulit.

Si Sedrick uminom lang nga tsa at tinaas lang ang dalawang kilay. Hindi muna ako umimik.

"How about swimming?"

Nagulat ako sa sinabi ni Tita Ellein.

"Yes! Swimming. Sa dagat!"

Biglang nanghina tuhod ko ng marinig ko iyon kay Daddy.

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon