(Third Person's POV)
"Magpapaalam ako kay daddy kung pwede akong sumama sa work niya." masayang sinabi ni Ing o Samantha.
Papunta na si Samantha sa work room o small house office ni Master Henry.
"Daddy? Daddy? Da-" hindi natuloy ang pagtawag ni Samantha dahil napansin niyang may kausap ang daddy niya.
"Any news about her?.. No.. Hindi niyo pa ba siya nakikita? Hssss.. Nagaalala na ako sa kaniya. Sige tatawag na lang ulit ako sa susunod. Bye."
Binaba na ni Master Henry ang cellphone niya. Si Samantha o Ing naman ay nagtatago sa likod ng pinto.
"Yung tunay na Samantha kaya yung hinahanap niya? Siguro siya nga." napayuko si Samantha o Ing at huminga siya ng malalim bago ngumiti ng pilit.
"Hi daddy!"
"O-oh! Samantha! Hello! *hug*"
"Daddy, pwede po bang sumama sa work mo? Maglibot lang po?"
"Uhmm..."
"Please please.. Pretty please!"
Sabi ni Ing sabay beautiful eyes."Ok,pero baka mabored ka doon. Ipapasundo na lang sa driver natin pag uuwi ka na ha?"
"Sure daddy ^_^"
"Sabay ka na sa akin papunta. May kunin lang ako sa shelf"
Sabi ni Master Henry."Ok po" tapos biglang napalingon si Ing sa table at nakita ang cellphone ni Master Henry.
"Cellphone ni daddy." tapos lumingon siya sa daddy niya. Nang mapansin niyang hindi pa tapos doon si Master Henry agad niyang kinuha yung cellphone at nilagay sa bag niya. Papalapit na si Master Henry.
"Nakuha ko na!" sabi ni Master Henry kay Ing habang nakangiti at pinapakita yung folder na kinuha niya.
"Uhm.. Tara na po daddy!" sabi niya sabay hila sa braso ni Master Henry. Hindi rin makapaniwala si Ing sa ginawa niya pero umarte pa rin siya na parang walang nangyari.....
Dumating na sila sa company nila.
"Wow daddy! Ang lawak naman dito. Ang ganda pa. Gusto ko malaman kung paano ito i-manage daddy."
"Ahahaha! Thanks Samantha. Pwede naman, pero baka hindi mo kayanin. Hahaha! Si Kuya Sedrick mo na lang."Nagpamewang si Ing.
"*pout* eh di step by step! Hahaha!"
Tapos umakbay siya kay Master Henry."Bigat mo anak! Haha! May vendo machine doon kung gusto mo daan tayo."
"Later po daddy."
"Ok. Pupunta na ako sa office kung gusto mo maglibot ka muna. Papasamahan kita sa secretary ko.""Uhm wag na po daddy kaya ko ng magisa. Sige po maglilibot lang po ako."
Nagwave si Ing kay Master Henry at tumakbo paalis. Ngumiti lang si Master Henry.
Nakarating sa roof deck si Ing. Parang garden itsura niya. May mga halaman,tables at chairs. Parang dito pumupunta yung mga office workers kapag coffeebreak.
May vendo sa gilid at agad kumuha ng ice coffee si Ing. Umupo siya sa labas ng roof deck hindi sa may silong."*Drink* Ngayon.. Ano na gagawin ko?...sigh.."
Tapos kinuha ni Ing yung cellphone ni Master Henry mula sa bag niya."Hmm... Grabe,bakit ko naman nagawa iyon kanina? Sigh... Pero ayaw kong ibalik cellphone niya."
Napasapo si Ing sa mukha niya. Nagstay doon si Ing hanggang maubos ang coffee niya. Pagkaubos agad siyang tumayo,kinuha yung cellphone at nilagay sa bag niya at bumaba na."Sa lawak nito pwede pa akong mawala.." sabi ni Ing habang tumitingin sa paligid at sa malayuan may nakita siyang familiar face.
"Si Sedrick yun ah." bulong niya.
Nang magkalapit na sila."Kuya!" tawag ni Ing. Tumingin naman si Sedrick pero hindi siya umimik.
"B-bakit ka nandito kuya Sedrick?"
"May binigay akong important paper kay daddy. Ikaw nga dapat ang tanungin ko ng ba-kit ka nan-di-to?"
Sabi ni Sedrick."Uh ano.. Gusto ko lang maglibot at magtingin sa buildings at companies natin"
Napa sigh si Sedrick pagkatapos ay may sinabi siya.
"By the way, nakita mo ba cellphone ni daddy? Pagkadating ko sa office niya eh hinahanap niya iyon."
Napahawak ng mahigpit si Ing sa shoulder bag niya.
"H-ha? Hindi eh. Baka naiwan niya sa bahay. Di bale...babalik din sa kaniya yon."
"Hmm? Paano mo naman na sabi na babalik din iyon?"Nagulat si Ing sa tinanong ni Sedrick buti na lang nakaisip agad siya ng sasabihin.
"S-syempre! Hahaha! Babalik din siya dahil may magbabalik. Kung sa bahay man niya naiwan ibabalik ng mga maids or guards yon noh! Ikaw talaga kuya." sabi niya sabay pasimpleng punas ng pawis.
"Ok..." tipid na sagot ni Sedrick at nilagpasan na lang si Ing. Nang lumayo na si Sedrick nagwalling si Ing habang nageemote ng 'Sa wakas! Nakalusot din' sabay hingang malalim at tumayo na.
"Masilip nga si Daddy kung ano ginagawa niya."
marahan siyang sumilip sa office ni Master Henry at nakita niyang problemado ito habang nagaayos ng papeles sa table niya. Na awa siya pero mas namuno ang damdamin niya na wag ibalik yung cellphone.
Dahil sa takot na baka mawalan ulit siya ng pamilya pag nahanap na yung tunay na Samantha. Ayaw niyang bumalik sa dati niyang buhay na magisa lang. Ayaw niyang maramdaman ulit na mapalitan,mapagiwanan o hindi na mapansin. Malungkot na lumayo sa pinto si Ing at ipinasawalang bahala na lang ang nakita.
"Sorry po talaga. Sorry sorry sorry sorry." sabi niya habang naglalakad palayo.
"Uuwi na lang ako." sabi niya. Agad niyang tinawag yung driver sa labas lang entrance ng building.
"Manong, uuwi na po ako."
"Ok Lady Samantha. Sakay na po." pinagbuksanan siya ng pinto at sumakay na siya.
Habang biyahe pauwi."Itetext ko na lang si daddy na umuwi na ako."
Pagkasend ng text may nagring na ibang ringtone at bigla niyang naalala."Tanga! Tsss! Nasa akin pala cellphone niya!" bulong ni Ing. At nalungkot siya ulit habang tinitignan yung cp na hindi sa kaniya.
Vote and comment ^^
Tama kaya ginawa ni Ing?
Kaya lang naman nagawa ni Ing yun dahil sa takot na maging magisa ulit.Pero dahil sa ginawa niya may isang taong sobrang nagaalala.
Si Ing ay may karapatang makahanap ng pagmamahal ng pamilya. Gayun din si Master Henry may karapatan din siyang mahanap ang taong mahal niya. So tama kaya ginawa ni Ing? Sa tingin niyo? Waaaaah! XD
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...