(Third Person)
Naka uwi na sila sa kani-kanilang bahay. Si Carl naman pinahatid na sa driver. Si Ing naman ay dinala agad sa kwarto. Sabihin na lang natin na silang lahat ay dumiretso sa kanilang kwarto.
Mayroon pang kaunting shock si Ing dahil sa pangyayari. Kapag naaalala niya ay bigla siyang nagugulat at napapayakap sa sarili. Medyo nahihirapan siyang makatulog. Dahil tuwing pipikit siya naaalala niya yung dilim ng dagat.
Hanggang sa hindi na niya namalayan nakatulog rin siya dahil na rin siguro sa sobrang pagod.
"Tulong! Tulungan niyo ako!.... Hindi ako maru---nong l-lumangoy..... M-may kung ano sa tubig. Tulong!! Y-yung mga paa ko hindi ko mmmagalaw. Tulong!"
"Sam!! Samantha!! Sam!!"
"Kuya Sedrick? Bakit ka nandito? Asan si Luis?"
"Sam!! Samantha!! Sam, gumising ka! Samantha!!! Sa-man-tha!!!"
Bigla na lang napamulat ng mata si Ing at una niyang nakita si Sedrick sa harap niya at hawak siya sa magkabilang braso.
"K-kuya?"
"Tss. Mabuti naman at nagising ka na."
Napahinga ng malalim si Sedrick at umupo sa kama ni Ing."You were having a bad dream. I saw it in your face."
Sabi ni Sedrick sabay padaan ng kamay niya sa kaniyang buhok. Halata na kinabahan siya sa nangyari kay Ing."H-ha?.... Ah, oo.. Nalulunod nanaman daw ako. T-tapos ang dilim.. Ang d-dilim talaga."
Naiiyak na sinabi ni Ing.
Matindi talaga ang phobia niya."Don't worry. You are safe now. Nasa land ka na, wala na sa dagat... And..... I'm here...."
Napatingin si Ing kay Sedrick at ngumiti.
"Thank you Kuya Sedrick." hinawakan ni Ing ang kamay ni Sedrick habang nagpapasalamat.
Pero si Sedrick bigla niya inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ing at bigla niya siyang niyakap.
Nagulat si Ing sa ginawa ni Sedrick.
Hindi niya malaman kung paano siya magre-react.Kakalas na sana si Ing ng biglang magsalita si Sedrick.
"Sandali, let us stay like this for awhile."
Nabibigla talaga si Ing kaya napatango na lang siya.Pagkalipas ng ilang segundo si Sedrick na ang unang kumalas.
"Sige, it looks like you're okay now. Ready na rin siguro yung breakfast, baba ka na lang kung gusto mo."
Napatango na naman si Ing at speechless. Umalis na si Sedrick pagkasabi niyon.
"Kanina pa naman ako okay pagkagising ko eh...???"
Bulong ni Ing.*****
Naghilamos ng mukha at nagmumog muna si Ing bago bumaba mula sa kwarto niya at dumiretso na sa kainan."Good morning po Lady Samantha." bati sa kaniya ng isang katulong.
"Good morning din."
Pagkapasok niya sa kainan..."Samantha!" tawag ni Master Henry.
"Dad."
Agad niyakap ni Master Henry si Ing at kumalas din.
"I was very worried! Mabuti naman at ayos ka na. May masakit ba sa iyo? Should we see a doctor?"
Hindi makasabat si Ing kasi tuloy-tuloy siya magtanong.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...