Chapter 29 Little Tampo is now gone

153 7 6
                                    

(Third Person's POV)

Pagkaakyat ni Ing sa kwarto medyo napaisip siya.

"Naiwan ko pala yung phone ni daddy sa bedroom! At naiwan si kuya doon kanina!" Kumaripas ng takbo si Ing papunta sa kwarto niya. Agad siyang tumingin sa kama niya.

"Oh no! Asan yung cellphone? Asan na? Asan na asan na?? Uuuy! Ala kinuha kaya ni kuya?"

Sabi niya habang tinitignan sa ilalim ng mga unan.

"Nako! Paano kung kinuha niya nga. Ano  na lang sasabihin nila?? Baka paalisin na nila ako. Paano na iyan? Baka sigawan ako!"
Naluluha na si Ing. Tinignan niya sa ilalim ng kama niya .

".....Wal-- AYON! Huhuhu! Nahulog lang pala. Salamat naman! Mabuti na lang."
Niyakap yakap niya pa yung phone.

*****
After ng ilang days..

Kumakain silang pamilya ng hapunan nila. Napakatahimik nila. Hanggang sa magsalita na si Master Henry.

"Anak, may sakit ka ba?"

Walang sumagot kina Sedrick at Ing. Kasi hindi nila alam kung sinong anak ang tinutukoy niya.

"Samantha? May sakit ka ba?"

Tahimik lang si Ing habang kumakain. Parang wala sa sarili. Natauhan lang siya ng ilagay ng daddy niya ang kanyang kamay sa noo niya.

"P-po? Ano iyon daddy?"
"Ayos ka lang ba? Wala ka namang sakit. Bakit?" Nagaalala talaga si Master Henry base sa boses at pananalita niya.

"Wala po." Tipid na sagot ni Ing.
"Nagtatampo ka ba?"

Nabigla si Ing sa tanong ni Master Henry para sa kaniya.

Hindi umimik si Ing. Tahimik lang, mixed emotions ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung nahihiya ba siya,naiilang,natatakot o kinakabahan. Dahil alam niyang may kasalanan din siya.

"Sabi kasi ng kuya mo parang nagtampo ka daw. Naaalala mo yung araw na pumunta ka sa small office ko tapos may kausap ako at hindi kita nakausap agad. Hindi ko man naalala napuntahan ka sa kwarto mo at tanungin kung ano ang kailangan mo. Sorry Samantha ha? Wag na magtampo kay daddy."

Naiiyak na si Ing dahil sa mga sinabi niya.

"Sorry Samantha. Dibale babawi si daddy next time."

Tuluyan ng umiyak si Ing.

"Daddy~ huhuhu! A-ayos lang po. Hin..hindi huhuhuhu! Hindi n-niyo na p-po kailangang bumawi huhuhuhu! Ayos lang po ako. Huhuhu!"

Agad tumayo si Ing at niyakap daddy niya.

"Sorry din daddy!" Sabi ni Ing habang yakap daddy niya.

"Tahan na kung ganoon, tahan na." Sabi ni Master Henry habang tinatapik-tapik ang kamay ni Ing na nakayakap sa kaniya.

Tahimik naman si Sedrick sa gilid habang kumakain.

"I love you po daddy!" Sabi ni Ing
"I love you too sweetie haha!"
Tumigil na sa pagiyak si Ing.

"Group hug! Halika rito Sedrick!" Master Henry.

"Hm? Hindi na po daddy. Kayo na lang po."
"Ay halika rito!"sabi ni Master Henry sabay kumpas ng kamay.

Walang nagawa si Sedrick at tumayo para sumali sa kanila. Nasa gitna si Master Henry, sa right nakayakap si Ing at sa left si Sedrick.

"Hahahaha! Ang lambing ng mga anak ko"

Natawa at natuwa si Ing sa sinabi ni Master Henry. Si Sedrick pokerface pa rin habang nakayakap. Pero dahil sa sinabi nv daddy niya unti-unti siyang napapangito pero sa huli napigilan pa rin niyang itago ang tuwa na kumikiliti sa puso at pisngi niya.

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon