(Ing)
Wala si Kuya Sedrick dito at si Luis sa kanila. Nasa business meeting daw sila. Hindi ko alam kung saan pero 3 araw silang mawawala. Si daddy naman ngayon aalis,buong araw siyang wala pero babalik din daw siya bukas ng hapon.
"Bye daddy. Ingat po kayo." sabi ko sabay hug sa kaniya at bumitaw din agad
"Bye sweetie. Call or text me kung may gusto kang ipabili---Oops! I forgot wala pa pala akong cellphone..."
Natamaan ako sa sinabi ni daddy ah. Nalungkot din at the same time."Anyways, be good ha? Babalik rin ako bukas ng hapon. Take care Samantha."
Sabi niya bago na umalis."Yes daddy."
Hinatid ko siya hanggang sa gate. Kumaway ako ng makasakay na siya sa kotse at umalis.
"Sigh...Mag-isa ulit. Wala naman si Carl ngayon. Hindi sinama ni manong. Ano na kaya gagawin ko? Manonood na naman ng TV?"
Sabi ko habang naglalakad pabalik sa mansion."Lady Samantha, sumilong po kayo sa payong. Na aarawan na po kayo."
Agad tuloy akong napatingin sa nagsabi non...may maid pala akonh kasama hindi ko man lang napansin. Mukhang napagod siya sa paghabol sa akin.
"Ay sorry ate. Hehehe. Sige sisilong na ako."
Pagkarating sa mansion agad akong umakyat sa kwarto ko.
"Saan kaya pwedeng mamasyal??......... Ay alam ko na. Pupunta na lang ako kina Tita Ellein. Since pareho naman kaming wala gaanong kasama sa bahay lalo na siya, pupunta na lang ako sa kanila."
Agad na akong nagpalit ng damit. Nagbihis lang ako pantalon,blouse at doll shoes.
Agad ko ng tinawagan sa landline si Tita pero hindi siya sumasagot. Laging voice messege. Nagtry din ako via cellphone kaso ganoon din ang nangyari. Hindi siya sumasagot.
"Bakit kaya? Ano nangyari kay Tita Ellein.... Baka naman wala siya sa bahay. Baka namasyal o pumunta sa kaibigan....."
Wag na lang kaya ako pumunta?
"Pupunta pa rin ako. Okay lang kung wala siya basta makasiguradong ayos lang lahat doon."
Nagtawag na ako ng isang driver namin. Pagkasakay ko sa kotse agad ko ng sinabi sa driver kung saan niya ako ihahatid.
*****
Pagkarating sa bahay nila,agad na akong kumatok sa may pinto nila ng 4 na beses."Tita Ellein? Ako po ito, si Samantha. Tita?.....Wala atang tao.."
Sabi ko. Pero sinubukan kong ipihit yung door knob..Nakabukas ang pinto!"Tita Ellein? Papasok na po ako...Ay teka!"
Agad kong tinakpan ang bibig ko. Paano kung may magnanakaw pala ditong nakapasok? Dapat tahimik lang ako. Kaya marahan akong pumasok sa bahay. Tumgin-tingin ako sa paligid at hinablot yung baseball bat na nakasabit sa pader.
"Sorry baseball bat. Mukha ka pa namang mamahalin." bulong ko.
Nakahanda ang kamay ko sa paghampas pag may nakita akong hindi ko kilala sa bahay nila. Dahan-dahan akong naglalakad.
*creak*
"May tao!" sabi ko sa isipan ko. Nagtago ako sa kabilang side ng pader na malapit sa hagdan. Naririnig kong may bumababa doon at ang bagal niyang bumaba.
"Get ready Samantha." sabi ko.
Nang alam kong nakababa na siya"HIIIYAaa...aa???"
"AY ANAK NG PUTIK!...????"
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
De TodoAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...