Chapter 31 Preparation

132 8 3
                                    

Hi guys! Wala lang haha! Skip na natin ang isang araw,party agad. Wala kasi akong maisip na pwedeng gawin ng characters a day before the party. Hehe!
*****

(Ing)

6pm na. Kanina pa ako inaayusan dito ng mga katulong. Wow! Ang talented talaga nila! May naglalagay ng make up sa mukha ko,may nagaayos sa hair ko,may naghahanda ng mga damit ko na pwede kong pagpilian para susuotin ko mamaya, may naghahanda din ng accessories at bags.

"Uhm, ate." Sabi ko. Yung tinatawag ko ay yung maid na naghahanda ng mga shoes ko.

"Bakit po Lady?"
"Yung shoes na gagamitin ko ay yung binigay ng mommy ni Luis. Pakilabas na lang po."

"Opo Lady."

"Salamat...Hmm? Anong kulay kaya nung damit na susuotin ni kuya??"

"Black po Lady Samantha. Nakita po namin kanina na iyon ang hinahanda niya." Sabi ni ate na nagaayos sa accessories ko.

"Ganoon ba? May black ba akong damit ate?" Sabi ko naman kay ate na nagaayos ng mga damit ko.

"Meron po Lady."
"Pwedeng patingin."

Agad naman niyang dinala sa harap ko.

"Uu~ ang revealing masyado o.o...."

Tatlo kasi iyon, yung isa tube top tapos pa-V pa.Yung isa naman spaghetti strap tapos may design na butas-butas sa bewang at yung panghuli naman backless pero parang filipiña yung sleeves niya at maiksi kaunti.

Yung panghuli na lang susuotin ko.

"Ate ito po gusto ko."
"Okay po."

Agad na nilang nilatag sa kama yung damit.

"Isuot niyo na po muna yung damit. Hair niyo na lang po ang aayusin."sabi nung maid.

Agad ko ng sinuot yung damit at ang ganda ng fit sa akin. Ang sexy kong tignan ahahahaha! Bumalik na ako sa upuan ko. Nilalagyan na nila ng curls yung hair ko,basta yung pangkulot! Tapos tinanggal nila ulit.

"Bakit niyo po tinatanggal?"
Tanong ko

"Hindi po kasi bagay yung ganoon hairstyle sa damit niya kaya papalitan natin."

"Ok ate."

Tinatanggal palang nila yung curls ng biglang may magbusina.

"!!!! Baka si Luis na iyon! Hindi pa ako tapos!" Nagpanic na ako agad.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Lady Samantha! Teka lang po!"
"Lady hindi ka pa po tapos."
"Lady! Yung hair niyo po magulo pa."
"Lady relax lang po!"

Lady lady lady lady...

Nakoooo sabay-sabay na sila nagsasalita! Lalo na akong nagpapanic!!

Humablot na lang ako ng kahit anong accessories at bag. Binuhat ko yung sapatos ko at lumabas na ng room na nagmamadali.

"Andyan na ako andyan na ako!"sabi ki habang bumababa sa hagdan at sinusuot yung mga accessories.

"Nako! Hindi pa magkaparehas yung earrings at necklace. Pati yung bracelet!!"

Tapos may narinig ulit akong isang busina.

"A! Andyan n-AAAAAAAAAAAAAAAA!"

Bigla akong natapilok at gumulong na ako sa hagdan pababa.

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon