( Ing)
Pagkatapos ng mga nangyari kanina agad na akong dumiretso sa bayan para makahanap ng trabaho. Kahit pansamantala lang iyon ayos lang pero mas okay kung iyon na talaga trabaho ko.
Pero sa totoo lang mas gusto ko na ang trabaho na makukuha ko eh sa malayong lugar sana para malayo na ako sa "kanilang" lahat para di ko na sila magulo pa at makapagsimula din sila ulit kagaya ko.
Nakahanap na din ako trabaho pero di ko sure kung magtatagal ito. Dishwasher sa isang karinderya. Ayos na ito. At least sa loob ng kusina. Stay-out ako and 200 ang sweldo per day, okay na sa akin iyon.
"Ing! Lumabas ka muna dyan sa kusina! Pakikuha nga yung order nung customer."
"Opo ma'am." pinunasan ko mga kamay ko at kumuha ng pencil at paper.
"Ano po order nila.......... Okay sige po. Pakihintay na lang po."
Kinuha ko na mga inorder nila at nilagay sa kanilang table. Babalik na ako sa loob ng kusina.
"Ing! Sandali!"
"Bakit po ma'am?"
"Uhm, mamaya ka na muna maghugas ng plato. Pumunta ka sa palengke bilhin mo nga ito."
Inabot niya sa akin yung listanan at pera na pambili.
"Bilisan mo ha? Kailangan na yan ngayon."
"Opo."
Agad-agad na nga akong pumunta sa palengke... Marami ring pinabili. Ang bigat pa.
"Complete na ba itong nabili ko? Patatas, baboy, sibuyas, bawang, isda.... Kamatis, paminta, sitaw, broccoli, luya..hmm.. Manok din at toyo at suka.. Mag tricycle na ako pabalik."
"Nako, traffic pa! Lakarin ko na lang kaya? Tutal, medyo malapit naman na... Manong dito na lang po ako. Bayad ho."
Kinuha ko na mga pinamili ko at naglakad. Paikot-ikot lang ako ng tingin habang naglalakad at may nakita akong familiar na plate number ng kotse.
"Ang plate number na iyon.. Kanino ba?..... Kay Luis!!! Ibig sabihin nandito na lang siya? Hala hala!"
Asan siya? Baka makita niya ako! Baka magtaka siya kung bakit ganito hitsura ko! Di pa naman niya ata alam na umalis na ako! Hala hala!
"Sandali lang! Oo, hahanapin ko!"
"Boses na iyon? Si Luis iyon! Waaah! Papunta siya sa gawi ko!"
Naghanap ako ng matataguan at isa lang nakita ko na puwede. Sa loob ng isang clothing store.
"Ah eh! Sandali lang po!" sabi ko na lang sa mga sales ladies na nagulat sa biglaang pagpasok ko.
"Ala! Umalis ka na umalis ka na."
Pagod na pagod ang hitsura niya. Bakit naman? Kawawa naman si Luis. Hala! Kumakabog ng mabilis ang puso ko.
Mula sa labas tumingin si Luis dito sa may tindahan kaya napayuko ako. Dahan-dahan akong sumilip kung wala na siya. Umalis na nga siya.
"Miss, nangangamoy na po yung isda dito. Pwedeng umalis ka na?"
Sabi nung sales lady."Ahy! S-sorry."
Dali-dali na akong lumabas at naglakad pa balik.
"Hah-hah-hah! Nandito na po ako ma'am."
"Ang tagal mo naman!"
"O-opo... Doon na po ako sa kusina."
(Luis)
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...