(Ing)
Napakahirap din talaga maghanap ng tutuluyan. Halos suyudin ko na ang buong lugar dito.
"Lady..." sabi ng aming driver.
"Bakit po, manong?"
"Napakalayo naman po dito sa gusto niyong hanapan ng tutuluyan at mahirap makahanap dito. Doon sa bayan madami-dami ang pwede doon."
"Di naman po manong. Dibale po makakahanap din ako.....Kung wala po, sa ibang lugar ulit tayo maghahanap."
Sa malayong lugar talaga ako naghahanap, malayo rin sa kanila. Pagkatapos ng lahat na nangyari, gutso ko magsimula ulit na ako lang. At para makalimutan ko na sila. Kahit di lubusan, at least di 24/7 na nasa isipan ko sila.
"Kahit si Luis...." Bulong ko...
"Ay, manong. Iyon po... Titignan ko y-yung bahay doon..*sniff*"
"Ay sige po Lady!....Lady?"
Lumingon sa akin si manong at nagtanong.
"Lady Samantha, ayos lang po ba kayo? Bakit ka umiiyak?"
Pinunasan ko ang mga pisngi ko kahit humahagulgol pa rin ako sa pag-iyak.
Di ko lang napigilan umiyak nang maalala ko si Luis."Nalungkot lang po ako, manong. Sige po bababa na ako."
"Sige Lady."
Bumaba sa kotse si manong at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat ako sa ginawa niya.
"Kaya ko 'to! Malalagpasan ko din itong mga pagsubok."
-------------
"Pagod na ako. Sigh."
Pumasok na ako sa kotse, sumandal at pinikit ang mga mata ko. Wala pa rin akong nahanap na tutuluyan."Lady Samantha, may gusto ka pa po bang puntahan?"
"Wala na po. Umuwi na po tayo."
Hindi ko mamulat mga mata ko sa pagod at antok. Ilang minuto pa lang ako nakapikit at malapit nang makuha ang tulog ay biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko ng hinanap ang cellphone ko sa aking bag at pagkakuha....
"Si Luis!....Hello?"
"Samantha! Break kasi namin ngayon, tara kain tayo? Haha!"
Hmmm...pagod na ako...pero... Sige, lulubusin ko na habang kasama ko pa si Luis.
"Ah, sige ba! Saan tayo kakain?"
Binigay na niya sa akin ang pangalan ng kakainan namin at binaba na namin ang tawag. Sinabi ko kay Manong kung saan at hinatid na niya ako. Pagkarating...
"Luis!" tawag ko habang papalapit ako sa kaniya. Inabangan niya ako sa labas ng kakainan namin.
"Hi Samantha! Tara na." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Napangiti ako at namula mga pisngi ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
"Oh hala Bakit Samantha? Haha!" tinutukoy niya yung paghawak ko sa kamay niya nang mahigpit. Nakangiti lang siya sa akin habang inaantay sagot ko.
"Ala haha! Wala! Tara na sa table natin. Itong Luis na 'to!"
"...ay gwapo! Diba diba? Gwapo ako?" sabi niya habang tinataas- baba ang mga kilay niya.
"Ahaha! Oo na!"sagot ko
Iyon nga, kumain at nagkwentuhan kami. Naisip ko na sana di na matapos 'tong araw na ito. Palagi ko na lang sana kasama si Luis. Walang katapusan na tawanan at kwentuhan, mamamasyal kami buong magdamag. Parang ang childish ng iniisip ko pero iyon talaga gusto ko na sana mangyari.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...