(Ing)
Isang maaliwalas na araw ngayon. Naglalakad ako sa hardin. Mas maayos at maganda na ito dahil nandito na si Manong Yelmo. Ay oo, nasaan na kaya yung bata na kasama niya,si Carl.
Habang naglalakad mayroong biglang nakabangga sa akin. Agad akong yumuko at nakita ko si Carl nakaupo sa sahig.
"Carl?" Sabi ko.
Napansin kong medyo nagulat siya at tinago ang kamay niya palikod. Marahan siyang tumayo.
"Ayos ka lang ba Carl?" Tanong ko. Tumango lang siya at may pilit na tinatago sa likuran niya.
"A-ano.." panimula ni Carl.
"Hmm?"
"A-te Sam..."
Agad na akong yumuko para magkalebel na mga mukha namin.
"Ano iyon Carl?"
Tapos ipinakita na niya yung kamay niya na nakatago at may hawak na mga bulaklak.Dahan-dahan niyanh iniaabot sa akin ang kamay niyang may mga bulaklak.
"Para sa akin?" Tanong ko. Tumango naman siya at para bang nahihiya.
"Thank you. Siguro...pinitas mo ito sa garden,hmm..." sabi ko
Agad siyang tumango at nagsorry. Natawa naman ako,ang cute niya grabe!
"Ayos lang. Bakit mo ako binigyan ng flowers??"
"Kasi.. binigyan mo ako ng pagkain noong nakaraang araw. K-kaya binigyan kita ng flowers. N-nagpatulong po ako kay lolo."
Lolo??
"Si Manong Yelmo ba ang lolo mo?"
"O-opo"
"Ah ganoon ba?" Agad na akong tumayo ng maayos at hawak ko na rin yung mga bulaklak.
"Pakisabi din kay lolo mo thank you sa pagpitas ng mga bulaklak para sa akin."
"O-opo ^_^ babay po!"
Agad ng tumakbo si Carl palayo. Ang bibbo ng batang iyon!
*****
Naglakad pa ako sa labas ng bahay. Nagtingin-tingin at pumunta sa fountain garden."Siguro pati rito nagaayos si Manong Yelmo kasi may mga halaman din."
Habang tumitingin sa paligid may nakita akong maid na nagdidilig. Nang makita niya ako ay tumigil muna siya sa ginagawa niya.
"Lady Samantha."
Sabi niya habang papalapit sa akin."Bakit manang?"
"Nandito po pala si Sir Luis. Hinahanap ka po."
Nandito si Luis??!!
"Bakit daw po manang?"
"Hindi ko po alam. Pasensya na po."
"Ayos lang....Uhm,nandito pa ba siya?"
"Sa tingin ko po oo. Nung sinabi po namin na naglalakad ka lang dito sa labas ng mansion sabi po ni Sir Luis hahanapin ka daw po niya."
"Ahh, sige po salamat manang."
Umalis na ako at naglakad-lakad ulit.
"Hinahanap pa kaya ako ni Luis?"
Psssst!
Huh?! Ano 'yon?
Psssst!
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
De TodoAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...