Babala medyo mahaba ang chapter na ito.
(Third Person)
"Nako naman! Bukas na iyon. Huhuhu!"
Sabi ni Ing habang naglalagay ng gamit sa maleta.
"Takot ako sa dagat. Hindi talaga ako maliligo doon TT^TT. Sa yacht lang ako. At hindi naman ako marunong lumangoy eh."
Oo,bukas na ang outing nila sa dagat kaya naghahanda na siya ng mga damit at gamit niya.
"Tapos halos mga 2-piece at bikini yung mga swimsuit ko dito. Mabuti na lang mayroon pa ring pares ng shorts at sleeveless top na swimsuit dito."
Knock knock knock...
"Huh? Sino naman kaya iyon? Tuloy." sabi ni Ing. Pagkabukas ng pinto ay sumilip si Sedrick.
"Kuya Sedrick ikaw pala."
"Sigurado kang sasama ka?"
"Umm, oo. Para hindi sila maghinala di ba? Hindi na lang ako magswi-swimming."
"Okay. Hmm.. Ano na lang. Sabihin mo may dalaw ka, kaya hindi ka makakaswimming."
"Okay kuya."
Pagkatapos niyon ay umalis na si Sedrick.
"Ay oo nga pala. Sasama pala si Carl sa amin bukas. Buti na lang pinayagan siya ni daddy at ni manong Yelmo. Basta wag lang daw siyang maglilikot."
Nang matapos ng mag-ayos ng gamit si Ing ay agad na siyang humiga sa kama. Hirap siyang matulog. Iniisip niya na buong araw niyang makakasama ang kaniyang kinakatakutan, ang dagat.
Kinabukasan...
"Tara na! Bilisang kumilos. Manang, pakibuhat nga itong maliit na bag ko. Sedrick! Samantha! Asan na kayo?" sabi ni Master Henry.
"Andyan na po!" sabay na sinabi ni Samantha at Sedrick.
Hila-hila nila ang maleta nila. Habang naglalagay na ng gamit sa likod ng kotse ay dumating na si Carl."Ate Samantha!!" sabi ni Carl habang pasalubong kay Ing. Bagpack ang gamit ni Carl.
"Hi Carl." Samantha
"Carl! Sandali!" sabi ng lolo ni Carl.
"Carl, magpapakabait doon ha? Nako! Nakakahiya kapag may kasalanan kang nagawa."
Lolo, sabay hawak sa balikat ni Carl."Opo lolo. Magpapakabait ako! Babay po."
Niyakap ni Carl ang lolo niya at sumakay na din sa kotse.Magkatabi si Carl,Samantha at isang maid. Sa harap naman si Master Henry at Sedrick. Si Sedrick ang nagdra-drive.
"Ate Samantha! Excited na ako! Sobra! First time akong makakasakay sa Yacht! Siguradong masaya doon! Tapos yung dagat, malawak! Ala! Sobrang excited ako!!" sabi ni Carl.
"Ahaha! Ako din excited na kinakabahan. Ako rin, first time ko ring makakasakay sa Yacht."Samantha
"O?? Talaga ate? Parehas pala tayo. Hehehe!" Carl
Hindi sila na bored sa biyahe dahil sobrang daldal ni Carl. Kung ano-ano kinukwento niya. Tungkol sa buhay niya,doon sa bukid, nung nag-alaga siya ng kambing at baboy. Nung nagtanim siya ng halaman pero namatay.
Tawa nang tawa sila sa kotse. Pero si Sedrick, pangiti-ngiti lang.
"May bata kaming kasama. Ang hirap nito. Siyempre lagi mong aalalahanin,aasikasuhin, iisipin kasi baka mawala o madisgrasya." sabi ni Sedrick sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
Ngẫu nhiênAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...