Cassandra Elise Alteria
Hinatid na ni Butler Roel ang prinsipe sa kanyang tutuluyan. Pumunta naman ako sa study room at nag-plano para sa magiging ilang araw na pagkawala ni Elizar. Tiyak tatanungin niya ako mamaya kung bakit hindi pa ito lumilitaw kung saan dapat ay papunta na rin siya.
Kailangan ko rin ayusin ang magiging identity ng prinsipe at paano siya makikilala ng ibang tao. "Lady Elise, nais ka daw makausap ng prinsipe." sabi ni Roel. Tinanguan ko nalang siya at lumabas saka tinungo ang silid ni Prince Louis.
Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa bumukas ito. "Come in," ngumiti naman ako saka pumasok. "What can I do for you dear prince?" tanong ko ng makaupo na ako sa upuan. Lumapit ito sa harap ng kama niya at umupo doon "Lets talk about my identity while staying here. I want to know when will your brother comes back so we can plan."
Napaisip na ako kung anong pwede pero paano ko ba sasabihin sakanya ito nang hindi na kailangan si Elizar pa ang magsabi? "If you don't mind Prince Louis--," he cut me off nang sabihin ko ang pangalan niya "Please call me Louis. Sa labas ng palasyo ay isa lang akong normal na citizen." tinanguan ko nalang siya
"Louis, ako nalang ang magpa-plano ng magiging bagong identity mo. I'll introduce you in one of the social circles if I must." halatang napapaisip naman siya "But the purpose that I am in hiding is hiding from my pursuants and here you are suggesting na kailangan kong ipakilala ang sarili ko sa social circle?" napailing nalang ako
"If I must, sir. In case lang po na kung may magtanong sa amin atleast kilala ka nila bilang butihing kaibigan sa aming pamilya. Your name shall be Count Cyrus Philip Gil." lumayo naman ito sa akin at lumapit sa bintana. "I will think of your proposal. You may go," nag-bow naman ako sakanya bago ako umalis.
Hinanap ko muna si Roel bago ako pumunta sa aking kwarto "I will retire for the night. Kapag hinanap ako ng prinsipe sabihin mong maaga akong natulog. I need to be him," nakuka naman na niya ang sinabi ko kaya alam na nila kung ano ang sunod na gagawin
Ang mansion ko ay may pitong tao lamang. Si Roel ang head butler, Si Pia ang head maid at Rosa ang kasamang maid, Si Zalen ang cook at ang huli ay si Jake ang gardener at the same time nag-aalaga ng mga hayop. Kami ng prinsipe ang pang-pito.
Ang dalawa ko pang kasama na sina Light at Amelia ay kasalukuyang ginagawa ang inspection sa bayan dahil buwan-buwan ito. "Oh, and Roel send a mail to those two. We shall have a meeting after this." mabilis akong bumalik ng aking kwarto at binuksan ang hidden door.
Pumasok ako doon at lumitaw ang kabilang kwarto kung saan ito ang kwarto ni Elizar. Nagpalit naman na ako ng damit at binuksan ang isa pang hidden door para makalabas ng mansion at pumasok sa stable. Kinuha ko ang kabayo kay Jake at umikot para kunwari'y kararating ko lang.
"Welcome back my Duke," bati ni Roel sa akin kasama pa ang ibang mga kasamahan sa bahay. Sa pagpasok kong iyon ay lumitaw din ang prinsipe. "Duke Elizar," nag-bow naman ako sakanya at tinanguan lang ako. "Lets talk about my stay here," tumango lang naman ako at nauna akong naglakad papunta sa study
Pagkarating namin ay pinauna ko siya doon sa loob at umupo naman na ito. "I talked to your sister." sabi niya. Hindi ako sumagot bagkus hinintay pa siyang magsalita "She suggested me the name Count Cyrus Philip Gil. I like her suggestion by the way pero hindi yun ang pag-uusapan natin," sabay deretsyong tingin niya
"How can I be sure that I am safe here?" ramdam ko ang lamig ng boses niya ng sabihin iyon sa akin "My family has been the protectors and vowed to be loyal to the throne your majesty. I assure you while I am the head of the family I will protect you no matter what cost." Sabi ko sabay luhod sa harap niya
I heard him sighed. "Why is your sister not greeting you anyway?" napalunok ako agad dahil doon. Hindi niya pwedeng malaman ang sekreto. "Sinabihan na ako ni Roel na pagod siya at nais niyang magpahinga." hindi na siya nagtanong pa at umalis na ng silid.
Nakahinga ako ng maluwag. Kailangan kong gumawa ng paraan kung saan isa sa amin ang mawala ng ilang linggo. I need Elise to go for an inspection for a week and Elizar should stay to ensure the safety before going switching to her. "Duke." bati ng dalawa kong retainer.
"I need you to disguise as me tomorrow Amelia. Pupunta ka muna sa sentro para sa inspeksyon ng isang linggo at pagbalik mo ay ikaw naman ang aalis Light bilang ako para maghanap ng daga." tinanguan naman nila ako
Nag-usap pa kaming tatlo sa mga gagawin namin hanggang sa dumating na rin ang iba. Itinuro ko sakanila ng maigi ang mga dapat gawin habang nandito ang prinsipe sa bahay ko. Ang mga tauhan dito ay hindi basta ordinaryo lang kundi may mga kanya-kanya silang talento sa pakikipaglaban.
Matapos ang meeting namin ay nagtungo na ako sa silid ko. Sinigurado ko munang naka-lock ang kwarto bago ako nagpalit ng damit. Itinabi ko sa akin ang aking espada bago ako nag-shower at pagkalabas ko ay may naramdaman akong kakaiba kaya mabilis akong nagbihis at tumingin sa may bintana. "Mahal na prinsipe. Ano ang iyong ginagawa sa bintana ng aking kapatid?" tanong ko
Mabuti nalang at nilagay ko kurtina kundi nakita niyang wala siya doon. "I just want to make sure that your sister is trustworthy." sabi niya sabay alis. I was so offended pero hindi ko yun ipapakita sakanya kundi ipapakita kong kaya niya rin akong pagkatiwalaan.
Nagpahinga na rin ako ng gabing iyon pero hindi ako naging kampante dahil na rin sa ikinikilos ng prinsipe kung kaya't maaga rin lang ako nagising. Maaga ko rin pinaalis si Amelia para hindi na ihatid pa ng prinsipe. "Magandang umaga mahal na prinsipe. Handa na po ang agahan," sabi ko pero hindi siya kumibo
Nilapitan ko naman siya pero mabilis niyang naitutok ang espada niya kaya nagulat ako "Sorry, I was in a daze. Ano nga ulit ang sabi mo?" napailing nalang ako "Handa na ang agahan." ulit ko saka niya ako tinanguan. Sabay naman na kaming umalis ng silid at pumunta sa dining.
"Simula ngayong nasa labas ako ng palasyo tawagin mo nalang akong Gil para masanay ako sa pangalang iyon." napatingin nalang ako sakanya dahil tinanggap niya ang pangalan na iyon. "Naisip ko na rin na very suspicious kung may nagtatago dito." hindi nalang ako umimik
"Nasaan nga pala si Elise?" tanong ng prinsipe I mean Gil. "Umalis siya. Kinailangan niyang pumunta sa bayan para gawin ang trabaho niya." sabi ko sabay kain. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Nag-volunteer siya na tulungan ako sa gawain habang ako ay bago pa lang sa aking posisyon." tinanguan nalang niya ako at hindi na ito umimik pa
"Pagkatapos nito aayain sana kitang makipag-ensayo sa akin Duke Elizar." mabilis naman akong napatingin sakanya at hindi ko ito inaasahan. "Sige po mahal na prinsipe," napailing naman siya
"Kung tayo nga talaga ay matalik na kaibigan, maybe we should stop being so formal right Elizar?" tinanguan ko nalang siya dahil ito ang kailangan at parte ng plano "Sige po mahal na--- ibig kong sabihin sige Gil."
Sana kayanin ko pa ang susunod na mga araw na makasama ko ang prinsipeng ito.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.