Cassandra Elise Alteria
Isang linggong nakalipas simula nang magising ako sa pagkakasaksak sa akin. Andito ako ngayon sa Rose Palace at kasama ko ang kapatid ko. Narinig ko sa kanya ang lahat ng nangyari patungkol sa noble trial ni Duke Daimos.
Sinubukang tumakas nina Queen Felissa at ng dalawa na si Crissa at Audrey pero bago sila makalayo ay naharangan na sila ng mga tao ni Prince Gabriel kaya hawak nila ang mga ito ngayon. He treated the queen as guest kahit isa itong criminal.
Prince Louis is staying here also pero separate palace siya dahil isa siyang royalty. He is here to represent the Casterios Kingdom para sa parusa na matatanggap ng pamilya nito. He was also given authority by his father to give the punishment of the queen concubine.
Hindi pa kami nagkita simula nang magising ako pero narinig ko sa kapatid ko na araw-araw siyang naririto noong tulog pa ako. Ngayon ang huling araw ng noble trial at ngayon rin malalaman kung anong parusa ang matatanggap nila.
Inanyayahan ako ni Prince Gabriel na dumalo dahil bisita niya ako rito at isa ako sa mga star kung bakit natapos na ang gulong ito. Inayusan naman ako agad ni Monica at sabay na kaming pumunta ng kapatid ko sa trial hall.
"Today, we present the punishment for crimes of Mr. Daimos Lamentia. First, the usage of money from the treasury of Casterios Kingdom to operate its illegal businesses. Second, the murder of the parents of Alteria siblings. Third, the attempted assasination for the crown prince of Casterios Kingdom. Fourth, the exploitation of citizens of Hollows and Casterios Kingdom. Fifth, an affair with the queen concubine. Last, but not the least, the betrayal to its own king by declaring Princess Audrey Flora Casterios as the king's daughter wherein he is the biological father."
Ang dami nitong nakamit na krimen. Nakakalungkot dahil nagawa niya ang lahat ng ito ng dahil lang sa kapangyarihan. Nabulag talaga ito at gumawa siya ng mga bagay-bagay na ikakasira niya. Ito siguro ang dahilan kung bakit gusto siyang tulungan ng aming ama na magbago pero huli na ang lahat sakanya dahil pinatay na niya ang aming magulang.
"You will be sentenced to death." nakakalungkot na mamatay lang ng ganoon si Daimos na hindi man lang niya naranasan ang paghihirap namin pero okay na 'yon para hindi na namin siya makita pa. "As for the Queen Concubine, Felissa Amore Casterios." sabi ng announcer.
Ano kaya ang ibinigay sakanya ni Louis? "A crime you committed and the punishment will be life imprisonment as perse of Prince Louis. An affair with Mr. Daimos Lamentia and a child not by royalty is an insult to the royal family." napailing nalang ako.
"Hindi ako pwedeng makulong! Hindi ako nababagay doon. Louis! Anak! Please spare me." naiiyak na sabi nito. Nilapitan naman siya ni Louis. "I'm not your son. You should be grateful that I gave you life imprisonment instead of death penalty." malamig na sabi niya saka siya tinalikuran.
Umubo naman ng konti ang announcer at inantay bumalik si Louis sa kinauupuan nito. "No crimes were committed to Princess Audrey Flora Casterios and Lady Crissa Ivy Lamentia." kita ko agad ang tuwa ng dalawa pero hindi pa ito tapos. Masyado pang maaga para magdiwang kayo.
"But, Princess Audrey Flora Casterios will be stripped off of its title as the princess of Casterios Kingdom and her surname shall be changed to Ms. Audrey Flora Lamentia together with her sister she will be stripped off of her candidacy in lady-in-waiting. They shall live as a commoners for the rest of their lives."
Nagsigawan sila pareho dahil pareho silang nawalan ng kakapitan. "The case is now closed. Let us begin another new chapters of lives and let the friendship between the Hollows and Casterios Kingdom be stronger than before." anunsyo ni Prince Gabriel.
Nauna naman na akong lumabas dahil nakamit na ang hustisya na matagal na naming pinapangarap nila kuya pero hindi pa buo ang loob ko. Hindi kasi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Daimos patungkol sa pagiging prinsesa ng aming mama.
"Kuya? May nabanggit ba sa'yo noon na isang prinsesa si mama?" tanong ko. Hindi nito ako sinagot kaya nilingon ko siya pero hindi pala ito ang kasabay kong maglakad kundi si Louis. "Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong nito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Iniwan ko siya at hinila si kuya. "Akala ko ikaw yung kausap ko hindi pala." sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Tinignan naman niya ang pinanggalingan ko at natawa nalang siya. "Ano ba ang iyong sinasabi?"
"Ang tanong ko ay kung totoo bang isang prinsesa si mama." kumunot muli ang noo niya. "Hindi siya isang prinsesa. Si lola ang prinsesa. Nakipagtanan siya noon kay lolo at dahil baguhang knight siya noon ay naghirap sila at wala silang pera para ipagamot noon si lola dahil nagkaroon siya ng komplikasyon pagkatapos niyang ipanganak si mama."
Napatango nalang ako. "Ibig sabihin noon hindi tayo royalty pero may dugong bughaw tayo. Kung tutuusin nga pwede mong pakasalan si Prince Louis pero ayaw lang ng lolo dahil baka makahanap ka pa ng iba at gayahin mo sila noong kabataan nila. Pareho daw kasi kayo ng lola."
Natawa nalang ako dahil doon. Hindi ko na nakilala ang lola dahil maaga itong nilisan ang mundo. Napatingin naman ako kay Louis na nakatalikod sa amin ngayon at kausap si Prince Gabriel. "Bumalik na tayo sa palasyo,"
Sinundan ko naman na ang kapatid ko pabalik sa palasyo pero bago kami makarating ay parang nasusuka ako kaya mabilis akong pumunta sa mga bushes at doon sumuka. "Okay ka lang ba, Eli?" nag-aalalang tanong sa akin ng kapatid ko.
Napansin yata ito ng dalawang prinsipe kaya agad nila akong dinaluhan. Binuhat naman ako bigla ni Louis papunta sa Diamond Palace kung saan siya nagi-stay. "The royal physician will come soon." Nag-aalalang sabi ni Prince Gabriel.
Ngayon lang muli umikot ang ulo ko ng ganito. Madalas ay mabilis na akong mairita simula noong makarating ako rito. Naging iba na rin ang sleep time ko dahil hindi ako makapakali. Madalas rin ay nagugutom ako sa mga oras na hindi ako kumakain. "Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Louis.
Nginitian ko naman siya at tinanguan. Saktong dating na rin ng doktor kaya lumabas muna sila para bigyan ako ng space . Tanging kapatid ko lang ang naiwan. "You are pregnant, my lady. Approximately 7-8 weeks." nanlaki bigla ang mata ko ng dahil doon. Minsan lang naman namin ginawa noon ni Louis pero nagbunga agad?!
Napantingin naman ako sa kapatid ko at napailing ito. "You should avoid moving too much since you are still wounded. Your baby is lucky to survive from the attack. Don't stress to much okay?" nginitian ko naman siya agad. "Thank you."
Lumapit naman agad sa akin ang kapatid ko at ginulo ang buhok ko. "Lokong bata 'to. Uunahan mo pa talaga ako." natatawang sabi niya kaya natawa nalang din ako. Naluha nalang ako dahil natutuwa ako sa good news na natanggap namin. This is a blessing for us.
"Is it true?" napalingon naman kami agad ni kuya sa pinto at niluwa nito si Louis na nakangiti. "Yes." tipid kong sagot kaya mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako. Gumilid naman ang kapatid ko para bigyan kami ng space.
Kumalas sa pagkakayakap si Louis at inilapit ang tainga sa tyan ko. "Hello there little one, I'm your daddy. Thank you dahil kumapit ka kay mommy ng mabuti. Thank you for being safe." sabi nito sabay halik sa tyan ko kaya hindi ko napigilang maluha.
"I'm going to be a father."
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.