🗡️45🗡️

67 4 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

With the thought of going back with him today didn't happened kasi nauna na palang umuwi ang prinsipe. Akala ko mag-cool down lang siya 'yon pala ay uuwi na.

Aalis na rin sana kami ngayon ng kapatid ko pero sinabihan ako ng doktor na i-postpone ko muna ang pagbyahe dahil mahaba-haba ito. Maaari na ako tumuloy sa pag-uwi kapag malaki na ng kaunti ang tyan ko.

Nasa Rose Palace ako ngayon kasama si Monica at Amelia. Nauna nang umuwi ang kapatid ko dahil siya ang Duke at hindi siya pwedeng mawala doon dahil siya ang papalit sa posisyong iniwan ni Daimos.

Isinama na rin nila pabalik si Audrey at Crissa dahil gustong makausap ng hari ang itinuring niya na anak. Maaaring tutulungan niya ang dalawa na bumangon muli dahil nga inalagaan nito at minahal si Audrey na parang tunay na anak.

"Mauuna na ako sa aking silid. Gusto ko na mamahinga." Tinanguan nalang ako ng dalawa saka umalis. Gusto kong humawak ng espada ngunit itinago ni Amelia lahat ng sandata kaya no choice kundi mamahinga para na rin sa bata.

Three months passed...

"Lady Elise," tawag sa akin ni Monica. "Mamimiss kita." Naiiyak niyang sabi. Ngayon na kasi kami aalis at pinayagan na ako ng doktor.

Naalala ko pa nga ang sinabi sa akin ng magulang ni Prince Gabriel. Gusto daw nilang dito nalang ako tumira at pakasalan si Gabriel. Willing naman daw silang tanggapin ang nasa sinapupunan ko kahit hindi si Gabriel ang ama.

"Magkikita pa naman tayo." sambit ko. Hindi pa naman ito ang huli dahil binigyan nila ako ng authority na lumabas pasok sa kingdom nila.

Nagpaalam naman na ako sa Hari at Reyna ng Hollows. Kasabay na rin ng pamamaalam kay Gabriel.

Nasa daan na kami ngayon pauwi sa Alteria Duchy. Kasama namin ngayon si Light dahil naging strikto ang seguridad ko. Overprotective ang kapatid ko pati na rin ang aking lolo.

Wala nga rin akong narinig na balita patungkol kay Louis pero narinig ko na nag-celebrate ang kingdom. "Lady Elise. Gusto mo bang pagmasdan ang fields?"

Sinilip ko naman ang itinuro ni Amelia kaya tinanguan ko siya. I smelled the greenery and it smells fresh. Napahimas naman ako sa tyan ko na malaki na rin ang umbok.

Five months na akong buntis at apat nalang na buwan para lumabas na ito. Excited na ako sa paglabas nito na pati ang kapatid ko ay pinagawan na ito ng nursery sa mansion.

"Tara na Amelia. Gusto ko nang umuwi." Sabi ko sakanya kaya bumalik na kami sa karwahe.

Tahimik ang naging byahe namin at nakailang stop over kami dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Unang byahe ko palang ito simula ng mabuntis ako kaya hindi biro.

Narating na namin ang border ng Casterios Kingdom at binati kami doon ni Loida. Hindi rin kami nagtagal doon dahil may trabaho siya doon.

Experience ika nga nila. May pagka-strikto kasi ang kapatid ko kaya nandyaan silang dalawa ngayon. Pagkatapos ng isang taong experience ay babalik na sila sa duchy.

"Maligayang pagbabalik, Eli!" galak na sambit ng aking lolo kasama si kuya at granny. Niyakap ko naman ng mahigpit ang pamilya ko dahil ilang buwan ko rin silang hindi nakita.

Itinuloy na rin namin sa loob ang pag-uusap at ganoon na rin ang tuwa nila ng makita ang laki ng tyan ko. Himas dito himas doon ang ginawa ng lolo at granny sa tyan ko. Nagtalo pa nga sila sa magiging kasarian nito.

"Siya tama na ang pagtatalo niyo dahil kailangan ng magpahinga ni Eli." nahinto naman ang dalawa ng sabihin ni Elizar iyon. Sinamahan naman na ako ni granny papunta sa silid ko kung saan ay namangha ako sa pagbabago nito.

Lumapit ako sa isang pinto dahil wala ito noon. "Connecting door yan sa nursery. Tinanggal na rin ng kapatid mo ang connecting door papunta sa silid niya dahil hindi mo na kakailanganin pa," napangiti naman ako sa ginawa nila.

Imbes na ako ay magpahinga ay pinasok ko ang nursery room at hindi napigilang maiyak. "Kung hindi ka tatanggapin ng prinsipe pati na rin ng magiging anak niya ay wala kaming pakialam as long as you are here with us and that's all that matters."

Niyakap ko naman ang granny at iniyak ang saloobin ko. Kung tutuusin ay natatakot ako para sa bata. Baka hindi ito tanggapin sa palasyo o di kaya ay nagbago na ang isip ni Louis at ayaw na niya sa amin.

Sinamahan lang ako ng granny hanggang sa ako ay nakatulog. Hindi rin niya ako iniwan hanggang sa paggising ko. "You got a visitor." sambit niya nang magising ako. Inayusan naman nila ako bago ito pinuntahan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ito. "Princess," bati ko rito. Hindi ko inaasahan ang pagdalaw niya rito. "Please be at ease." malamig na sabi niya sa akin.

Nilapitan ko naman siya at umupo sa tapat niya. Inalalayan naman ako ng kapatid ko at batid ko na nakatingin ito ngayon sa tyan ko. "I will be frank. I'm very disappointed to the Prince making you pregnant with me being his marriage in partner. I don't even like you at all,"

Hinawakan naman ni Cea ang kamay ko at hinigpitan ito. I should be mad pero he's getting mad for me. "Excuse me princess but you are being rude to my sister." Tinapunan naman ng prinsesa ang kapatid ko ng masamang tingin.

"I didn't permit you to talk." malamig niyang sabi. My brother didn't even flinch by that remark. "Anyway, my purpose on visiting you is to congratulate you for your baby and for your marriage to the prince." nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"I have to go. It's still a long way to my home country. Goodbye, Princess Elise." tumayo naman na ito sa kinauupuan niya. Iniwan naman na nila ako dahil hinatid ng kapatid ko ang prinsesa palabas.

How should I react with that? Wala nga akong narinig ni isang balita tungkol sa kanya tapos malalaman ko pa sa iba na ikakasal ako kay Louis?! What the hell is that prince thinking anyway? After all this time tatanggapin ko pa rin siya? He's got to be kidding me.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng pagbisita ng prinsesa sa aming bahay. Tahimik lang ang naging takbo ng buhay ko hanggang sa dumating ang araw na ito. 

May mga Imperial guards sa harap ng bahay namin. Si lolo, granny at kuya ang sumalubong sa Emperor at Empress kasama si Louis. Hindi na nila ako sinama dahil hindi ako makatayo ng maayos.

Nang marinig ko na ang mga boses nila ay pinilit kong tumayo para salubungin sila pero mali ang pagtayo ko kaya muntikan na akong matumba dahil may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at sobrang magkalapit ang mukha naming dalawa.

Umubo naman ang kapatid ko kaya tinulungan naman niya akong tumayo. "Greetings to the Emperor and Empress, and to the crown prince." bati ko sakanila. Lumapit naman ang Empress sa akin kaya napatingin ako sakanya. "May I?"

Tinanguan ko naman siya at hinimas ang tyan ko. "Hello dear. I'm your grandmother," nakangiting sambit niya. "We're here to talk about the union of Cassandra and my son."

I didn't felt happy at all dahil hindi ganitong proposal ang nais ko. I want it to be romantic. "Cea, Can I speak to you?" tawag ko sa kapatid ko. Tinanguan naman niya ako at nilapitan. Tinignan ko naman si Louis saying you should go.

"Ikaw nalang ang kumausap sa kanila. No matter what outcome it may be. I felt sudddenly tired," sabi ko. "I see. Your majesties, my sister wishes to withdraw for today." sambit niya sa dalawa.

"Of course. You are excused Lady Cassandra." sasamahan naman sana ako ni kuya pero pinigilan siya ni Louis. "I wanted to talk to her so," sinamaan ko naman ng tingin ang kapatid ko pero nagbuntong hininga lang siya. "Take care of her then,"

I hate you Casper Elizar!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon