Cassandra Elise Alteria
Inikot ko ang buong gusali at naghanap ng mga ebidensya na pwedeng gamitin pero wala dahil ang linis ng lugar at halatang hindi sila magulo. "Saan ka pupunta?" turo ng isang tauhan dito. "Bago?" tanong niya agad sa akin kaya mabilis ko siyang tinanguan.
"Ikaw din ang sinasabi ni boss na idadala namin sa bago mong silid," sabay binigyan ako ng masamang tingin. "Sundan mo ako." sinunod ko naman siya gaya ng sabi niya at huminto kami sa isang malaking pintuan.
Nilingon niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Dito ka daw muna tumira habang inaayos palang ang magiging kwarto mo. Ayaw kasi ng mga anak ng amo natin na madungis ang escort nila." tinanguan ko naman siya at pumasok na.
Masyadong magarbo itong silid kung dito ako titira pansamantala. Hindi ko aakalaing maganda ang trato nila sa trabahong pinasukan ko. Ang totoo niyan ay naghahanap sila ng gwapong escort. Dapat marunong makipaglaban at higit sa lahat ay mataas ang bayad.
Nahagip ng paningin ko ang isang malaking picture frame kaya mabilis ko itong nilapitan. Litrato ito ni Duke Daimos kasama si Queen Felissa at Audrey. Ibig bang sabihin ay hindi tunay na anak ng emperor si Audrey? Kung kaya't gusto nilang ipapatay si Louis dahil gusto nila na si Audrey ang susunod na hari!
"Parang may mali?" sambit ko dahil naka-angat ang ibabang parte ng frame kaya nilapitan ko ito at tinignan ang likod. May nakaipit na papel rito kaya dali-dali ko itong tinanggal sa frame. Binasa ko ang nilalaman pero bago ko ito matapos ay may kumatok sa pinto.
Agad kong tinago ang papel sa loob ng damit ko bago ko binuksan ang pinto. "May naglayas sa bahay nila at maagang dumating ang unang anak." sabi ng taong nagdala sa akin rito. "Asan siya!" sigaw nito. Boses palang ay alam ko nang si Audrey iyon.
"Magandang umaga po. Lady Spice," magalang na bati ko sakanya. Mabuti nalang at kami ay nakamaskara kaya hindi nila makita ang aking mukha. "Ikaw si Cyrus? Akala ko naman yung kakilala ko. Anyway! Gusto ko mag-shopping samahan mo ako!"
Bago ako makasagot ay hinila naman na niya ako palabas ng gusali. Hindi biro ang makasama ang babaeng ito dahil kung ano-ano ang pinupulot niya at binibili. Pamilyar din sa akin ang ginagamit niyang black card dahil may tatak pa ito ng Casterios Family crest.
Hindi na siguro makatanggi ang ibang bilihan dito dahil kalat siguro sa kanila ang black card na ito. "Dahil mabait ako ngayon anong gusto mo dyan?" tanong niya sa akin. "Kahit isang papel at tinta okay na po ako roon." sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay pero sa huli ay binili rin niya. Huminto naman kami sa isang restaurant at doon siya namahinga. Nasa VIP room kami kaya wala masyadong tao. Mabilis niyang hinubad ang maskara niya kaya nakita ko ang mukha. "Oh you can remove your mask since nasa VIP area naman tayo."
Umiling naman ako. "Hindi po maaari." tinaasan naman niya ako ng kilay bago ako inirapan. "Siya nga pala ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin. "Cyrus po." sagot ko kung saan napansin ko ang pamumula ng mukha niya.
"Ang ibig kong sabihin ang buong pangalan mo!" galit niyang sabi. "Cyrus lang po. Matagal ko na pong tinapon ang aking pangalan at ayaw ko na itong balikan," sagot ko. Tinignan lang ako ni Audrey at alam na niyang wala siyang makukuha sa akin kaya hindi na siya nagtanong pa.
Dumating naman na ang mga inorder niya kaya kumain na siya. Napansin niya yata na hindi ako gumalaw kaya tinignan niya akong muli. "Alam mo? Gwapo ka sana kahit nakamaskara ka pero ang dense mo. Kumain ka na," nagulat ako sa ugaling pinapakita ni Audrey ngayon.
Kahit ayaw kong galawin ay kumain na ako. "Alam mo. Ang gaan ng loob ko sa'yo. Parang matagal na kitang kilala sabi niya sa akin." hindi naman siya nagkamali dahil matagal na kaming magkakilala. "Anyway, gusto kong mag-open up sa'yo but if you tell this to someone else I'm gonna kill you right now."
"I won't say anything. I can keep secrets." assurance ko sakanya. This is what I need right now. "Kaya ako naglayas sa amin kanina kasi nalaman ko sa mom ko na hindi pala ako tunay na anak ng ama ko kundi iba ang tatay ko. All this time I grown up as a princess only to find out ay katulad ko rin pala yang bwisit na Elise!"
Gusto ko siyang sagutin dahil magkaiba kami pero kinalma ko nalang ang sarili ko. "I came from a ducal family tapos kapatid ko pala yung bestfriend ko! Like small world nga naman!" dugtong niya. "Kaya pala everytime may occasion dito sa org ay meron rin siya."
"Taga-saan ka pala Cyrus?" tanong niya sa akin. "Madami na po akong napuntahan na kamag-anak ko kaya wala po akong matatawag na tahanan." tinanguan naman niya ako. "I'm from the neighboring country and I'm aiming to become the crown princess."
Iyon nga ang dahilan kung bakit nabuo ang organisasyon na ito. "The competition between the crown will be next month kaya kailangan kong talunin ang kapatid ko na si Louis. I need to be king para maging proud sa akin si mom," malungkot niyang sabi.
Competition? I thought si Louis na ang crown prince and next to the heir? Baka may ginawa si Duke Daimos para hindi agad na mahirang hari si Louis. "I just wanted to be loved by my parents." sa pagsabi niyang 'yon ay may kasabay ito na pagtulo ng luha na agad naman niyang pinunasan.
Maybe I judged her that much na hindi ko man lang nalaman ang side niya before pero dahil rin yun sakanya dahil parati niya akong binubully. "Anyway, don't you dare tell my parents that I told you my identity or else sa ilog nalang matatagpuan yang katawan mo." banta niya.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos kaya naubos rin namin ang pagkain na inorder niya.
Makalipas ang ilang linggo ay pinag-aaralan ko sa gabi ang routine ni boss sa opisina niya dahil nandoon ang mga matitibay na ebidensya at sa umaga naman ay escort ako ni Audrey sa kung ano-anong activities ang ginagawa nila ni Crissa.
Oo, dumating na rin ang isang impakta dito sa Hollows. Babalik rin raw sila sa Casterios pagkatapos ng isang transaksyon na magaganap bukas. "Cyrus!" tawag sa akin ni Crissa. Lumapit naman ako sakanila. "Dito ka na matulog sa kwarto namin ha?" nakangiting sabi niya.
Masyado ka pang bata para sa larong ito sabi ko sa isip-isip ko. "Hindi po maaari, Lady Moon." sagot ko kaya nakita ko ang disappointment sa mga mukha nila. "But I can stay up to guard you both," dugtong ko at lumiwanag ito.
Dumating ang gabi ay natulog na ang dalawa. Inikot ko naman ang silid nila at sinubukan maghanap rito pero napaka-imposible dahil walang halos gamit rito bukod sa bookshelves na meron sila.
Lilipat na sana ako ng paghahanapan ng may napansin akong librong kakaiba sa mga nakalagay. Family crest namin ang nakalagay sa spine nito kaya mabilis ko itong kinuha at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ng aking ama.
'Richard Frank Alteria'
Bakit ang journal ni ama ay nandito sa kanila? Tanda ko pa na wala halos natira sa dating mansion namin dahil nasunog ito ibig sabihin lahat ng gamit namin ay nasira na ngunit bakit nandito ito? Hindi kaya?
"Cyrus?" rinig ko ang boses ni Audrey kaya mabilis kong tinago ang libro sa loob ng damit ko. "Cyrus? Bakit nandyan ka?" tanong nito sa akin. Mabuti nalang at nakakuha ako ng libro bago siya makarating sa kinatatayuan ko. "Nagbabasa po."
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Hindi ka man lang namin mapagtripan. You can go back," naiinis niyang sabi kaya umalis na ako pagkasabi niyang 'yon.
Dali-dali kong sinara ang pinto ng aking kwarto at nilabas ang journal. Binasa ko ito buong magdamag at hindi ko kinaya ang mga rebelasyong nakasaad dito kaya bago sumapit ang umaga ay nagpadala ako agad agad ng liham sa kapatid ko at kay Prince Gabriel.
"Sana makaabot ito,"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.