Cassandra Elise Alteria
Masakit ang ulo ko noong paggising ko. Kulang kasi nagpuyat kami ni Louis. Speaking of him, wala na siya sa tabi ko nang magising ako at nakatupi na ang damit kong nakakalat lang noong gabi. Inayusan naman na ako nina Amelia at Rena dahil dalawa nalang kami ni Louis ang dadalo.
Hindi na ako nag-suot ng bestida kundi ang uniporme ko ang aking suot. I want to show them that I am not just a mere lady of the Alteria Household but also a knight. "We shall ride a horse para makarating tayo agad at makabalik rin ng mas maaga. I need to prepare the troops for the journey back to our homeland,"
Umalis naman na si Louis pagkatapos niyang sabihin iyon. I felt proud for him dahil ang iba ay pagod naman niya talaga. I just helped him to get this final victory by having me sacrificed. Isa pa one sacrifice can save a million people.
"Nai-ready ko na si Blacky," sabi ni Light na kapapasok lang. "Mauuna na kami. Sabay tayong babalik." tinanguan naman ako ng tatlo bago ako lumabas ng tent. Nakasakay na si Louis sa kabayo niya kaya sumakay na rin ako sa akin. Bago kami umalis ay lumapit sa tabi ko ang kapatid ko.
Bumaba naman ako ng kabayo para makapagusap kami. "Please be careful at kung ano man ang tumatakbo sa isip mo ngayon itigil mo na. You can't hide it from me. I'm your twin," malungkot na sabi niya sa akin. "Thank you." iyon lang ang naisagot ko sa sinabi niya.
Sumakay na ako muli sa kabayo at gumayak na kami ni Louis. Non-stop ang byahe namin kaya wala pang thirty minutes ay narating na namin ang palasyo ng Hollows. We were welcomed by the people hanggang sa pagpasok namin sa loob.
"Welcome back! Prince Louis, Lady Elise." bati niya sa amin. I bowed as a sign of respect. I am here as the knight-in-charge kay Louis and also his partner. "This way," turo ni Prince Gabriel. Sinundan naman namin siya sa pinakataas na bahagi ng palasyo nila.
Hindi biro ang hagdan nila pero sisiw lang ito sa isang tulad ko. "Stay here and we shall announce the end of war." turo ni Prince Gabriel sa tabi ng pinto. Pumwesto naman na ako doon pero hinawakan naman ni Louis ang kamay ko hanggang sa makalabas siya ng pinto bali hindi siya totally kita sa baba.
Nagbigay naman na ng opening speech si Prince Gabriel about democracy and peace hanggang sa pinakilala niya si Louis sa harap ng tao. Doon palang ito bumitaw sa pagkakahawak sa akin. I felt disappointment dahil binitawan niya ang kamay ko pero kinalma ko nalang.
Elise get a hold of yourself. This is work! Napailing nalang ako at nakangiting nanonood kay Louis. He looks happy that the war has ended. Babalik na rin kami sa Casterios Kingdom mamaya pagkatapos nito. I looked at the people who are now happy that the war ended as if they can now rest assured that there will be no more attacks.
Sa sobrang tuwa ko na pinapanood ang mga tao ay hindi ko na namalayang tapos na pala ang speech nila. "Lets go?" tanong ni Louis sa akin. I smiled at him and nodded. Pumunta naman na kami ng great hall dahil doon gaganapin ang feast ng unity of two kingdoms.
Wala ang presensya ng hari at reyna dahil sila ay kasalukuyang nagbakasyon pagkatapos maisagawa ang peace treaty. Tiwala sila sa kanilang anak na kaya niya ito at hindi nga sila nabigo dahil hands on ito para sa kingdom nila.
Hindi ako sumabay sa mga prinsipe sa lamesa dahil isa akong knight at kailangang mauna sila bago kami o di kaya lalabas kami saglit para kumain pero hindi iyon pinansin ni Louis at inabutan niya ako ng tinapay dahilan para mapailing ako.
Nagpaalam na lamang ako sakanya na lalabas ako para kumain at tinanguan ako. Akala ko susunod pa ito sa akin dahil para itong linta na nakadikit sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag na hindi ito sumunod sa akin.
Pagdating ko sa labas ay kinain ko na ang tinapay na inabot niya sa akin. Hindi pa naman ako gutom pero bigay niya ito kaya kakainin ko na lamang. "You should have joined us," bigla kong nahulog yung tinapay na hawak ko dahil sa gulat.
"Sorry my bad." sabay pulot nito sa tinapay ko at itinabi. "Prince Gabriel," tawag ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "You are an important guest so you have the right to join us whether you came as a knight or a lady in dress." seryosong sabi niya. He doesn't care about your rank or gender because he treats them equally.
Parang bigla akong na-curious. What happened to Hollows Kingdom that started a war with us in the first place? Kakausapin ko na sana ang prinsipe para magtanong pero naudlot ito dahil biglang lumitaw si Louis sa harap ko. "What's going on here?" tanong niya agad.
Nagkatinginan naman kami ni Prince Gabriel. "I just told her that she is welcomed to join us regardless of her rank. Here in Hollows we treat each other as equally," nakangiting sabi niya. Tinignan naman ako ni Louis kung nagsasabi ba ng totoo si Prince Gabriel kaya tinanguan ko siya.
"Ine-explain niya sa akin na isa akong guest kaya dapat kasali ako." he looked at me intently hanggang sa nagbuntong hininga siya. "My apologies, Prince Gabriel but I think we have to go. We'll invite you to our kingdom soon,"
Hindi na namin hinintay pa ang sagot nung prinsipe basta umalis nalang kami. Deretsyo lang ang tingin ni Louis sa daan habang pabalik kami ng kampo. Alam kong bad mood siya pero hindi ito ang oras para kausapin siya dahil uuwi na kami mamaya.
Narating na namin ang kampo at sinalubong ako ng kapatid ko. "Kailangan na nating maidala ang heneral sa royal physician. Hindi maganda ang pakiramdam niya at puro hiyaw nalang niya ang naririnig." sa pagsabi niyang 'yon ay narinig na namin ang sigaw nito.
Akala ko noong una okay lang sila pero may kaunting bali ng buto ang lolo. Kaya kinakailangan na makabalik kami ng maaga ay dahil sa kalagayan niya. Mabilis naming pinuntahan ang lolo at namimilipit na ito sa sakit ng kanyang kamay.
"Buhatin niyo siya at isakay sa aking kabayo. Mauuna na kaming babalik." pareho kami ni Cea na napatingin kay Louis dahil sa sinabi niya. "Nahihibang ka na ba? Pagod ka na isa pa prinsipe ka!" galit na sabi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.
Sinundan ko siya at pinigilan. "Ano ba!" galit na sigaw ko pero tinapunan naman niya ako ng malamig na tingin. "Stand down soldier." malamig na sabi ni Leon. Doon ko lang naalala na nasa harap kami ng maraming tao.
"Ako nalang ang magdadala sakanya pabalik." mahinanhon kong sinabi pero nakatingin lang ito sa akin. "Answer me," dugtong ko pa. "Ako na ang magdadala dahil mabilis ang aking kabayo." sagot nito. Ang tigas naman ng ulo niya kaya napailing na lamang ako.
Iniwan ko siya doon at binalikan ang kabayo ko at sumakay. "Dalawa tayong babalik." deretsyang sabi ko. "You must stay here. This is an order." malamig niyang sabi pero umiling ako. "Tatanggapin ko ang anumang parusa ang ipapataw niyo sa akin. Sasama ako pabalik dahil wala kang kasama at lolo ko ang nasa likod mo."
Nag-staring contest pa kaming dalawa pero sa huli ay wala siyang nagawa kaya nilisan na namin pareho ang lugar para sa panibagong byahe pabalik. Nasa huli lamang ako para bantayan si lolo. Hindi naging mabuti ang ilang araw kaya nag-sasalitan kaming dalawa kay lolo hanggang sa makabalik kami ng kaharian.
Noong una ay akala ko dederetsyo na kami ng Alteria Duchy pero dumeretsyo kami sa palasyo at doon ginamot si lolo. Ilang araw ko itong binantayan hanggang sa makarating na rin ang aking kapatid na siyang pumalit sa akin.
Hinanap ko naman ang prinsipe at hindi ako nabigong makita siya. Gusto ko sanang magpasalamat sakanya dahil hindi ko nagawa noong nakaraang araw dahil busy siya mag-report sa magulang niya.
Lalapit na sana ako sa pwesto niya pero nahinto ako nang makita ko ang pamilyar na pigura ng isang babae. Nanlamig ako ng biglang nagtama ang tingin naming dalawa. Nginitian niya ako sabay yakap sa prinsipe at hinalikan sa pisngi.
Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Dito na nagtapos ang pagpapanggap namin bilang lovers dahil nandito na ang tunay na magpapasaya sakanya. Ang prinsesa niya, ang pakakasalan niya at makakasama niya pang-habangbuhay.
"Princess of Trivañia Kingdom,"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomansaAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.