🗡️17🗡️

41 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang sabihin ni Louis iyon sa akin. "My apologies, your highness." napatingin naman ako kay Roel. "It is my fault that the young lord is thin and weigh like a woman." kumunot naman ang noo ko

Hindi kami tinitignan ni Roel at patuloy lang ito sa pagtingin sa paa ko. "Simula kasi ng mawala ang magulang nila ako na ang tumayong magulang nila. Hindi rin malakas kumain ang alaga ko kaya ganyan ang pangangatawan niya pero sigurado akong malakas ang resistensya niya pagdating sa bakbakan."

He looks so proud like a parent to me. Its true na kasama si Roel sa pagpapalaki sa akin kahit na nakasama ko ang lolo pero madalas sa digmaan noon ang lolo kaya sakanya ako naiiwan para mag-ensayo.

"I see. Sorry for suspecting. Babalik na ako sa silid ko. Pakitawag nalang ako kapag kakain na." tumango naman si Roel at umalis na nga ang prinsipe. "Thank you." I said at tumingin ito sa akin.

Nginitian naman niya ako. "We should be the ones to thanking you for accepting us in your household my lord." I hugged him tightly and he returned the hug. Ako unang kumalas syempre dahil ako ang yumakap sakanya.

"May minor sprain ka. Papuntahin ko nalang si Pia dito para tulungan kang magbihis at para makakain ka na." tinanguan ko nalang siya at iniwan na nga niya ako. Umayos naman ako ng upo at hinintay si Pia na dumating.

Nang makarating na siya ay tinulungan nga niya akong magbihis at kumain. Humiga naman na ako sa kama at pumikit. Dinalaw ako agad ng antok dala na rin na ilang araw akong hindi nakatulog sa dami ng nangyari.

Hindi ko na rin napansin na may pumasok sa silid ko at umupo sa gilid ko. Dahil antok na antok na rin ako ay hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya pero naintindihan ko ang huli niyang sinabi. "I love you," sabi niya.

"I love you too, Louis." sabi ko at nakatulog na ng mahimbing. Matagal-tagal din akong nagising dahil pagkagising ko ay mag-isa na lamang ako at isang araw pala akong nakatulog ayon kay Light.

Kinamusta ko kasi sila patungkol kay Perry. Umamin siyang binanggit niya ang tungkol kay Louis pero hindi niya alam ang tungkol sa grupong sinalihan ng kapatid niya. Dahil siya rin ang dahilan para malaman ng kaaway kung nasaan si Louis ay tinanggal na siya sa serbisyo but I gave him the chance to redeem himself by working in the fields.

Binigyan din namin ng proper burial si Cecilia since she's been a family to us especially she's the wife of my relative and a sister to my former head knight. We also reported this to my grandfather and he's mad.

"Are you okay now?" tanong ni Louis nang bigla itong lumitaw sa tabi ko. Tinanguan ko naman siya agad. "I miss your sister. I hope she misses me too," sabi niya at nakatingin sa kawalan. Tiningnan ko rin ang tinitignan niya and I unconcsiously said, "I miss you too so much."

Nanlaki ang mata ko at nagkatinginan kami. "I mean my sister misses you so much." pakiramdam ko namumula na ako sa hiya ngayon. I'm not composed enough if he's near with me. I lose all my composure!

"Yeah right," natatawang sabi niya saka pumasok siya sa loob. Napailing nalang ako at sinampal ang sarili pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko pati na rin ang pisngi ko. "Why would you hurt yourself?" galit niyang sabi

I am so confused. "Sa susunod wag mo nang uulitin," at nilabas niya ang panyo niya. "Tignan mo. Dumugo pa." napatingin naman ako sa kamay ko at mahaba na pala ang kuko ko.

"Ako na po. Salamat po," sabay alis ko. Dali-dali akong pumunta ng study ko at sinuri muli ang board. "Yo!" sinamaan ko naman ng tingin ang pumasok sa loob ng study ko na hindi man lang kumakatok ng pinto.

"Don't just casually yell 'yo!' in me Mr. Sumer. Don't you forget that I am the head of this household." malamig kong sabi pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "That doesn't work on me unless you're a true man," napairap nalang ako. I forgot that he knows my secret

He sighed deeply, "I apologize for my rudeness, my lord." tinignan ko siyang muli saka tinanguan. "Next time you do that I won't be forgiving." he just nodded at me.

Tinago ko ang papel kung saan nakasaad na buhay ang kapatid ko. "Earl Sumer, you must take care of the prince. I need to hunt," seryosong sabi ko. "Ofcourse, tutal ako naman ang retainer ng prinsipe." nakangiting sabi niya.

"Maiba nga. Since the prince is for a princess. Why don't you marry me instead?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What the hell are you spouting? I'm a man, you're a man!" galit kong sabi pero tumawa naman ito.

Lumapit naman siya sa akin at ako naman ay umaatras. "That's very wrong my lady." Patuloy pa rin ang lapit niya sa akin at ako naman ay paatras hanggang sa nakasandal na ako sa lamesa ko. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa lamesa ko kaya mas malapit na ang mukha namin sa isa't-isa

"You have kissable lips, my lady." nagsalubong ang kilay ko. "Don't you dare Sumer!" galit kong sabi. "What are you guys doing?" malamig na sabi ni Louis. Nanlaki ang mata ko at gusto ko sanang itulak si Leon pero hindi siya nagpatinag bagkus hinalikan niya ako sa harap ni Louis

"I think I'm inlove with the duke, my prince." nakangiting sabi niya at pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. "Stop teasing him, Leon. Lets go!" malamig niyang sabi saka umalis.

"See you later, my lady." napahawak naman ako sa labi ko. I was violated by a retainer! That damn asshole! Mabilis kong kinuha ang espada ko at lumabas. Hindi ako makapakali sa ginawa niya sa akin. Gusto ko siyang patayin

Hahanapin ko na sana siya para patayin ng may pumigil sa akin. "Don't, I still need him." napalingon ako sa humawak sa akin hanggang sa maiangat ko ito. "My prince," sabay bow ko.

"Act like my friend, just like how you treat me." sabay kindat niya sa akin saka umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi kaya may alam siya tungkol sa akin?

Kailangan ko ng ilayo ang sarili ko sakanya para hindi niya ako masyadong maobserbahan.

Umalis naman na ako sa area at sumakay ng kabayo. Hindi ko pinansin ang lugar kung saan ako dinala ng kabayo kaya naligaw kami pareho at dahil hindi ko alam kung nasaan kami ay may nakita akong hindi dapat makita

I saw a group of bandits with people in their carriage. Agad ko naman nakita ang simbolo ng grupo na sinalihan ni Cecilia. They're getting ready for another auction.

Agad akong bumaba ng kabayo at tinali ko siya sa sanga ng puno bago ako tahimik na sumugod sa mga kalaban. I single-handedly defeated them all. Nang makasigurado na ako napatumba ko silang lahat ay kinalagan ko na ang mga tao

"Gusto niyo bang sumama sa akin pabalik sa aking bahay? Matutulungan ko kayong makaahon sa buhay." nakangiting sabi ko. They looked at each other like they we're talking to each other using their minds.

"Sige po. Sasama po ka-------- my lord!" hindi natuloy ang sasabihin nila dahil sa gulat ng mukha nila. Napatingin naman ako sa may tyan ko at nakikita ang sariling dugo

Nang hugutin niya 'yon ay bumwelo ako para patayin siya and that made his head fall off. Napaluhod naman ako habang hawak ko ang tyan ko. Lahat naman sila ay dinaluhan ako at nag-sisigawan na para tulungan ako

The last thing I saw was Cea riding in his horse...

~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon