🗡️26🗡️

40 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

I am charged with a treason? "You impersonated your brother and joined the war." kumunot naman ang noo ko. "Well, I did impersonated my brother pero--- you know what? Nevermind. I won't explain myself to you. If I know alam mo naman na ang lahat."

I can't see the man I loved. He looks cold and too far to reach. Napahawak naman ako sa dibdib ko and I felt the ring. I took off the necklace and gave it to him. "Binabalik ko na ang singsing mo. You can have it back."

Nilayasan ko na siya sa tent niya. Nilagpasan ko nga lang din ang kapatid ko dahil ayaw kong makipagusap sa iba. I need to be alone and I found myself infront of a lake.

I looked at my reflection. I looked like my brother since we are identical twins. I already fooled plenty of people including the emperor and empress of this kingdom. Death is the punishment that will fit unto me.

I sighed and slap the water. "Kung bakit ba naman kasi nalaman pa niya yung totoo." naiinis kong sabi pero, "Walang sikretong hindi mabubunyag." I pouted. Sooner or later malalaman niya din naman ang katotohanan pero hindi ko inasahan na sa ganitong paraan niya malalaman 'yon.

"Elise," hindi ko nilingon ang taong tumawag sa akin. I know that voice very well since its the voice of the man I love. "Please look at me." he said pero hindi ko pa rin siya nilingon.

"Look, I'm mad at you for plenty of things okay? But, I can't stay apart from you for that long. I need you." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Fine! Kung hindi mo ako lilingunin, aalis nalang ako. You need some time alone anyway."

Rinig ko ang yapak ng paa niya paalis. I want to follow him pero hindi pwede. I need to calm down as he needs it too. I stayed for a few minutes before returning. Nadatnan ko pa sa tent ko si Light.

"Okay ka lang?" he asked. I nodded pero hindi siya satisfied sa sinabi ko. I sighed, "No. I'm not okay," tumabi naman ako sakanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Bakit parang ganun lang kadali sa kanila na paalisin ako? I endured so much not to get caught. I sacrificed everything only to get this kind of treatment?"

I ranted to him for a few minutes. I know I'm being selfish and stubborn but he stayed quiet. "Tapos ka na?" he asked. I looked at him and nodded.

"Alam kong wala ako sa lugar na sabihin ito pero bilang kaibigan mo nakita ko na lahat ang sakripisyo mo para sa pamilya niyo at para sa amin." tahimik lang akong nakinig sakanya. "Ngunit oras naman na, na piliin mo naman ang sarili mo. Ang gusto lang ng kapatid mo ay maging masaya ka."

Tinamaan ako doon. Kung babalikan ko ang nakaraan ilang beses ko rin ginustong piliin ang sarili ko ngunit parati kong iniisip ang kapakanan ng pamilya. Siguro noon hindi pa masyado mapanganib pero ngayon sobra na. Kailangan ko na rin sigurong matutunan na mahalin ang pagkatao ko.

"Siguro nga. Salamat kaibigan." sabay yakap ko sakanya. Mabilis akong lumabas ng tent ko at hinanap ang aking kapatid. "Cea!" sigaw ko at napalingon pa ito sa akin. Tinaasan naman niya ako ng kilay

Habang naglalakad ako papunta sakanya at naririnig ko ang bulungan ng ibang lalaki. Kung bakit daw dinala ako ng kapatid ko rito. Dagdag problema raw sa kanila na bantayan ako.

Gusto ko silang puntahan at patulan pero kailangan kong kumalma. Mahina pa ako at kagagaling ko lamang. "Hinintay mo nalang sana akong bumalik sa tent mo." pabulong niyang sabi pero umiling ako.

"This can't wait?" he asked. I smiled and nodded at him. Nagpaalam naman siya sa mga kasama niya at sabay kaming naglakad pabalik. Hindi na namin nadatnan si Light doon.

Umupo ako sa gilid ng kama ko. "Babalik na ako sa atin sa susunod na araw." halatang gulat si Cea sa biglaang desisyon ko. "Sigurado ka na ba?" tanong niya. Tinanguan ko naman siya.

"Habang ikaw ang nandirito nakikipaglaban. Makikipaglaban rin ako para sa atin," napangiti naman si kuya dahil doon. "Mabuti naman at nakapag-desisyon ka na." nginitian ko naman siya.

It was Light who enligthen me to choose myself. "Kung wala ka ng ibang sasabihin ay aalis na ako. Magpahinga ka na muna at magpalakas." tinanguan ko naman siya. Pumasok naman si Light na may bitbit na pagkain.

Kumain naman na ako ng pananghalian at nagpahinga. Nagising na lamang ako na gabi na. Mag-isa lamang ako sa tent ko at napansin ko ring nasa tabi ko na rin ang espada ko.

Kinuha ko naman ito at lumabas na ng tent pero bago ako tuluyang makalabas ay nasa harap ko ang prinsipe. Humakbang ako patalikod para makapasok siya sa loob ng tent.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sainyo, mahal na prinsipe?" malamig kong sabi. "Will you please stop talking me this way?" he said. Umiling naman ako.

"Kung wala ka pong importanteng sasabihin ay pakiusap umalis na kayo rito sa tent ko. A prince cannot stay at a unmarried lady's tent." malamig ko pa ring sabi. "Rumors will start if you won't leave." tuloy ko.

I heard him clicked his tongue. Nakayuko lang ako sakanya at akala ko ay aalis na siya pero hindi ito umalis. Lumapit ito sa akin at inangat ang mukha ko sabay hinalikan niya ako. Hindi ako nakagalaw ng bigla niya akong halikan.

Gusto ko siya itulak pero wala akong lakas. Nanlalambot ang aking mga tuhod. Humiwalay naman na ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry. Galit ako sa sarili ko na hindi kita naprotektahan. Galit ako sa sarili ko dahil muntikan ka ng mawala sa akin."

Rinig ko ang pagbiyak ng boses niya. "I'm sorry if I treated you so cold. Ayaw lang kitang mawala pang muli sa akin. Patawad aking mahal." naiyak na rin ako dahil humihingi siya ng tawad sa akin kung saan ako ang dapat humingi ng kapatawaran dahil sa pagtatago ko ng malaking sikreto.

"Ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sayo. Matagal tayong nagsama at may tiwala naman ako sayo kapag sinabi ko ang totoo pero wala akong tiwala sa sarili ko. Pasensya na, Louis." umiiyak kong sabi.

He just nodded at my explanation. We stayed hugging each other for a few minutes before we ended our embrace. "We should join the others for dinner."

Tinanguan ko naman siya. Nauna naman siyang lumabas ng tent ko pero hindi pa ako gumalaw dahil nakaharang pa siya. Nilahad niya ang palad niya sa akin "Anong balak mo? Hindi tayo pwedeng maghawak kamay papunta doon." seryosong sabi ko.

Natawa lamang ito. "Wala namang halos tao rito. Si Leon lamang ang narito. Pag nakarating na tayo doon saka tayo maghihiwalay ng tatahaking daan," tinignan ko lang siya saka ako sumama sa idea niya.

Naglakad kaming magkahawak ang kamay habang nasa likod namin si Sir Leon. Hindi kami nag-imikan dahil nakakahiya pero hindi ko inaasahan ang taong nasa harap ko ngayon at makikita kaming magkahawak.

"Nasa bakbakan tayo, Elise. Itigil mo yan." galit niyang sabi. "General, it was my idea not hers," pagtatanggol ni Louis pero hindi siya pinansin ng aking lolo. Hinila ko naman ang kamay ko sakanya pero hinigpitan pa niya ito lalo.

Umiling naman ako sakanya. Kailangan niya akong bitawan kundi mas malaking gulo ang mangyayari. May pailan na rin kasing mga kawal ang umuusisa sa amin kaya wala siyang nagawa kundi ang bitawan ako.

Dumating naman si Cea at Light kaya hinila na lamang nila ako palayo doon pero hindi ko inaasahan ang sinabi ng Heneral sa prinsipe.

"Itigil niyo na ang namamagitan sainyo ni Elise. Pagkatapos ng digmaan na ito ay ikakasal ka na sa prinsesa ng Trivaña."

~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon