🗡️22🗡️

40 2 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Narating na namin ang base namin ng tahimik. Natagalan kami ng kaunti dahil sa ambush pero nagtuloy-tuloy na kami at walang pahinga.

Pinagpahinga ko naman na muna si Light dahil binantayan niya ako ng mabuti sa aming paglalakbay. "Yo!" napairap naman ako agad ng marinig ko ang boses na 'yon. "Anong kailangan mo Sir Leon? Ba't hindi mo samahan ang prinsipe?" tanong ko

Napaisip naman ito na akala mo kung nag-iisip ba talaga. "Kaya na niya ang sarili niya. Isa pa utos niya sa akin na samahan ka." napakunot naman ako doon. "I can manage myself, thank you. Pwede ka na bumalik sa tabi ng prinsipe."

Binilisan ko naman ang paglalakad at iniwan siya. Nilibot ko ang paligid at kita ko ang after state ng last wave ng war. Ang iba sakanila ay putol na ang paa o di kaya ang kamay nila. I felt anger. Bakit kailangan pa magkaroon ng digmaan? Ikabubuti ba nila ito?

"A penny for----" mabilis ko na pinutol ang sasabihin niya. "I'm thinking about them." we both look at the medics tending the wounded. "Mag-uumpisa na ang meeting. Let's go." tinanguan ko naman agad ang prinsipe kaya sinundan ko na siya.

Pumasok naman na kami agad sa tent ng General Commander. Lahat kami ay nagbigay galang sakanya maliban sa prinsipe. "Mabuti at nakarating ka, prinsipe." bati ng aking lolo. Tumango lamang ito saka lumapit sa lamesa niya.

"What's the update, general?" tanong niya. "Still the same. Its been days at hindi pa tayo umuusad!" galit na sabi niya. Tinignan ko naman ang strategy plan niya. "Bakit hindi kayo magpadala ng militia sa frontlines?" tanong ko.

Napatingin naman sila sa akin. "That's a good idea pero nagawa na namin 'yan." sabi ng general. Then it was failed? "Who was their leader?" napayuko naman sila ng tanungin ko 'yon.

Tinignan ko ang aking lolo. "Captain Boran," I see. "He fought valiantly for his country." sabi ng prinsipe. Lahat naman kami ay napatango dahil doon. His death was not in vain at all. He died protecting his country.

"I will lead the militia." suggestion ko. Mabilis na umangal ang aking lolo at ang prinsipe. "Hindi pwede! Kailangan ka rito!" galit na sabi ng lolo. "Forgive me, General. Its the only way para makausad tayo. If only his highness the prince permit us." sabay tingin ko kay Louis

I know I'm being selfish giving him some burden pero para ito sa kaharian niya and I would do anything for him. Hesitant siya I can see that but he needs to let me go. "I permit," sabay iwas niya ng tingin.

"I'll bring Light with me and some few knights. I'll be going then." sabay nilisan ko ang lugar. Hinanap ko agad si Light at nagtawag ng limang knights. We prepared ourselves for the next journey at aalis na sana kami ng makita namin ang general.

Lumapit naman ako sakanya at sumaludo. "Stand down." malamig niya sabi sabay niyakap ako. "I shouldn't taught you how to wield a sword." malamig niyang sabi pero ramdam ko na nag-aalala lamang ito. Niyakap ko naman siya pabalik

"Even if you didn't I will still fight for our home." sagot ko. "Please be careful. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang magulang mo sa kabilang buhay kapag may mangyari sa'yo." natawa nalang ako at tinanguan siya. "Ikaw rin po. Mag-iingat ka. Hindi ko alam paano haharapin si kuya at granny kapag may mangyari sa'yo."

He just laught it off noong binalik ko 'yon sakanya. "I love you, my child. I don't express it much but I do care for you." gusto kong maiyak pero hindi ito ang oras. "My lord, General Potten. We're ready." sabi ni Light. Lumapit naman ang lolo kay Light

"Take care as well my child. Pinanood rin kitang lumaki sa apo ko. Please be safe," sabi niya. Lumuhod naman agad si Light. "We will and I promise to bring back the lady safe and well." ngumiti naman ang lolo kaya maayos na kaming nakapag-paalam.

Aalis na sana kami nang biglang lumitaw ang prinsipe sa harap ko. "I don't want to loose a friend, so please return safely." ngumiti naman ako at tinanguan siya. He took my hands and gave me his… "Ring?" tinanguan naman niya ako.

"This is a family heirloom and I was supposedly giving it to your sister but since I didn't saw her I'll be giving it to you." I'm overwhelmed "But I can't accept it. Ibigay mo nalang sakanya pag balik mo." pilit na inaabot ang singsing pero hindi niya kinuha

"Take it. You look like her anyway. Return it once you return." I sighed. "Yes, my prince." sagot ko. Sumakay naman na kami ng kabayo at umalis na sa base namin.

We need to make it as soon as possible. I want this war to end soon too.

Mabilis namin narating ang border kung saan naka-station ang ibang pangkat ng Hollows'. We quietly sneaked inside at isa-isa pinatay ang mga tao doon. I hate violence pero hindi namin sila pwedeng itali at ibalik sa amin.

"Let's finish this." sabay-sabay naman silang tumango kaya tinapos na namin sila.

One week and Five days....

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mag-umpisa kami. Nakikibalita kami sa base namin at umusad na ang Casterios sa battlefield. Ngunit hindi maubos-ubos ang mga Hollows' soldier.

Pagot na kaming pito and our horses are already giving up. Hindi pwedeng dito magtatapos nalang ang pinaghirapan namin. "Light." lumapit naman ito sa akin. Matagal na kasi akong may kutob na parang may mangyayari sa akin at hindi ito maalis tuwing nakikipaglaban kami

"If something happens to me." mabilis siyang umiling. "I won't let that happen." matigas niyang sabi. Hinawakan ko naman agad ang balikat niya. "Listen to me first." seryosong sabi ko. Tinanguan naman niya ako agad

"I had this feeling week ago that something might happen to me." hindi naman siya nagsalita agad at hinayaan ako. "If something happens to me contact my brother." he looks confused when I mentioned my brother

Hinila ko naman siya sa mas tagong lugar kung saan dalawa lang kami ang nakakarinig. "He's alive and he's with us," nang makuha na niya ang sinabi ko ay "Yes, he is Cea." he looked happy dahil naging kaibigan niya ang kapatid ko.

"Contact my brother and don't let the prince know what happened okay?" tinanguan naman niya ako agad. "But I swore to protect you and bring you home safe. So please. Wag kang lalayo sa akin." I smiled at him and nodded. The least that I can do.

After that talk. We raided another three more stations sa border pero hindi namin ine-expect ang sumunod na pinuntahan namin. We saw a slave trading! The same logo in the auction house! So all this time dito sila nanggagaling. They're foreign people!

As per usual ay pinatay namin ang mga kalaban and freed the civilians. Aalis na sana kami sa lugar na 'yon para idala sila sa isang ligtas na lugar nang may humila sa akin. "Tulungan mo pa po ang iba. Nasa loob pa sila ng bodega na 'yon,"

Sinundan ko naman ng tingin ang matanda saka ko pinuntahan ang lugar. Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko ang bata at matanda na nakatali pa.

Mabilis ko silang nilapitan at pilit kalagan dahil sobrang higpit ng pagkakatali ngunit napahinto na lamang ako ng makakita ako ng anino. Bago ko pa ito makita kung sino ay may hinampas ito sa ulo ko bago ako mawalan ng malay

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon