🗡️14🗡️

43 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Pinagpatuloy naman namin ang meeting namin. "Jake, bantayan mo ng mabuti ang mga natulungan natin. Dati ka na rin maghanda ng mga susunod pa at ikaw na ang mamahala sa kanila. Kung kinakailangan ay humanap ka na rin ng hahalili sa trabaho mo na iiwan mo,"

"Amelia, I want you to go and see what's happening to Rosa and observe the family." tinuon ko naman ng pansin si Roel at Pia. "Pia, see to it na malinis ang bahay at Roel pakitingin ang mga kailangang maayos."

"Zalen, i-check mo ng mabuti ang mga ingredients na darating. Tignan mo ng mabuti," tumango naman din ito. "My Prince, gusto mo bang tawagin natin ang retainer mo? So he could be with your side 24/7?" tanong ko sakanya

Tinignan naman niya ako "Why would we? Andyan ka naman para mabantayan ako." gusto kong kiligin pero seryoso ang usapan. "Hindi po ako parating nasa tabi niyo. Marami rin po akong dapat tapusin. Hindi ko rin hahayaang may makapasok pa sa Duchy and threaten our lives."

He sighed. "Okay, call Leonard then." tumayo naman ito at umalis na. Nang makaalis siya ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako makahinga dahil sa mga titig na ibinabato niya sa akin na tila bang ino-obserbahan niya ako.

Tinapos ko na ang meeting namin at kailangan ko ng umalis pero may isang bisita akong hindi ko inaasahan. "My lord, the princess is here." napasapo nalang ako sa noo. "Bring her to my lady's area." sabay alis ko. Wala si Elise ngayon at ako ay si Elizar. I can't change just like that

Pumunta ako agad ng Lady's area at nadatnan ko ang prinsesa doon. "What can I do for you, my lady?" sabi ko at umupo sa sofa malayo sakanya. "I want to see your friend as I heard that your sister is away," ha! Si Louis nanaman ang habol mo!

"Pia, please call Cyrus here." iniwan ko naman siya doon at nagsalin ng tea para sa prinsesa at hinain sakanya. "Thank you, duke." I just nodded at her while waiting for Louis.

Maya't-maya ay dumating na si Louis with his poker face on. "What can I do for you, your highness?" sabay ngiti niya na halatang pilit pa. I want to laugh pero hindi ko nalang ginawa.

"Lets go out on a date." mabilis niyang sabi at halos masamid naman ako sa sinabi niya kaya mabilis silang napatingin sa akin. Mabilis kumuha ng napkin si Louis at pinunasan ang labi ko. "Are you okay?" nagkatinginann naman kaming dalawan

"Ahem." mabilis kaming naglayo sa isa't-isa. That's very awkward! "Anyway, since Cyrus is here, I'll be going." tumayo naman ako at iniwan na sila doon. May tiwala naman ako kay Louis at alam naman niya na kapatid niya si Audrey pero bakit sumikip ang dibdib ko?

I shook my head at that thought. "My lord, I want to inform you that Prince Nikos and his knight are already gone back to their kingdom." Sabi ni Roel sa akin. Didn't expect that pero ganoon din sila dumating at ganoon din sila aalis.

I just nodded at him and left him there. I found lolo and granny arguing again pero hindi ko na lamang sila ginulo. I just continued walking until I was infront of Prince Nikos room.

I opened the door and a note was left there. "Guess who is Cea?" basa ko sa nakasulat. Is there something wrong about Cea? Mabilis akong tumakbo ng study ko at nilabas ang sulat na nakasaad na buhay ang kapatid ko.

I put it on a board. Sa mga nakaraang buwan ay laging report ng dalawa sa akin na nauunahan sila ng isang lalaki at may tumutulong sa kanila. "Roel!" I shouted.

"Yes, my lord." sabi niya. "Call Light and Amelia." dali-dali naman itong umalis. Ginawa ko muli ang logo na nakita namin sa auction house at dinikit sa wall. Nilagyan ko naman ng litrato ito ni Gary Wilkins.

Ayaw ko man isipin pero sana nagkakamali ako. Kumuha ako ng tali at pin at tinusok sa mga board. May koneksyon ang nagbigay ng sulat na ito kay Prince Nikos at ang sulat na iniwan niya. Probably iisang tao lang din ang gumagawa ng ibang task na pinapagawa ko sa dalawa.

May koneksyon din sila sa may nagmamay-ari ng auction house. "My lord," sabay nilang sabi at nilingon ko sila. "How did you get the logo from the auction house that night?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa sa akin

"I applied for a membership there." sabi ni Amelia. Ibig sabihin kailangan member ka bago ka makakuha ng logo at malaman kung anong logo nila ibig sabihin! "Prepare for departure Amelia! Quickly!" dali-dali kong sabi. Hindi ko napansin 'yon. They were already hostages

"Anong nangyayari my lord?" nagtatakang tanong ni Light. "Hostage na ang family Wilkins and Rosa might be in danger. Hindi pa siya nagpadala ng isang sulat simula nang mag-hiwalay kami. We need to get out there now!" agad kaming lumabas ng silid.

Naisahan nila ako doon pero ngayon sisiguraduhin kong kami naman na ang aatake. Hindi na kami nag-paalam at basta nalang kami umalis na ng mansion. Lumingon muna ako at nakita ko si Louis na nakadungaw sa terrace niya.

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglakbay. Isa't-kalahating araw bago namin marating ang Rive Country kung nasaan ang mga Wilkins. Ang goal ko ngayon ay makarating kami ng walang pahinga para mailigtas namin ang pamilya kasama si Rosa.

Madaling araw na ng marating namin ang border ng Duchy at may mga bandit. They are pillaging here at dahil nagmamadali ako ay iniwan ko na ang dalawa doon at sinabing susunod na lamang sila sa akin.

Pinagpatuloy ko ang byahe hanggang sa sumapit na ang araw at medyo tanaw ko na ang Rive Country. Sana hindi pa ako huli.

Nang marating ko ang lugar ay napansin ko na halos madaming haunted village. Siguro dito huling nanggaling ang mga bandit na 'yon. Pinabilis ko pa lalo ang takbo ng kabayo hanggang sa matanaw ko na ang mansyon ng mga Wilkins.

Napansin ko na halos naging luma na ito at parang hindi na naalagaan. May mga naaagnas pa na katawan at napansin ko ang bagahe ni Rosa sa may tapat ng gate. Iniwan ko ang kabayo sa may kakahuyan dahil doon lang ang alam ko na ligtas ito

Hinanda ko na ang sarili sa pagpasok dahil alam kong delikado na ang lugar. Pagbukas ko ng pinto walang tao at tanging sigaw na lamang ang narinig ko. Bigla kong naalala na may sanggol na anak si Gary dahil noong isang taon ay nanganak ang asawa

Dali-dali kong hinanap agad ang sigaw at alam kong sigaw iyon ni Gary. I can't lose any family anymore. Binilisan ko ang galaw ko hanggang sa narating ko ang lugar kung saan nanggagaling ang sigaw.

"Kahit ilang beses mo akong tanungin hindi ko alam!" sigaw niya. "Really? What if I kill your child next?" babae ang naririnig kong boses pero hindi yun boses ni Rosa "Please don't! Spare the child! Sasabihin ko sa'yo just please spare the child. Pinatay mo na ang nanay niya!"

Nanlaki ang mata ko. "Elise will get mad at you!" sabi ni Gary. He still prioritizes me kahit pamilya na niya ang kapalit. "She will understand. I believe in her,"

"Blah blah! Kill the child!" sigaw ng babae pero bago mangyari 'yon ay sinipa ko na pabukas ang pinto at lahat sila napatingin sa gawi ko

"Stop."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon