Cassandra Elise Alteria
Maaga akong nagising at medyo dinig ko pa ang boses ng panaginip ko o panaginip nga ba? Hindi ko na nagawang tanungin sina Rena at Amelia dahil kasalukuyan silang nagpapahinga. Kasama ko si Light ngayon at kami ay nagi-sparring.
"Kamusta ang iyong katawan?" tanong nito sa akin habang nakikipaglaban. "Mabuti. Sanay naman na ako sa ganito. Tanda mo pa noong tinuturuan tayo ni lolo?" tanong ko sakanya. Napangiti naman ito dahil doon.
Hindi rin biro ang naging buhay naming tatlo nila Amelia dahil ang laging bilin ni lolo sa amin ay dapat maging malakas kami para sa biit ng kahirapan andyan kami para sa isa't-isa nagtutulungan ang kaso wala ako sa tabi nila noong oras na kailangan nila ng tulong.
"Maaari ko bang makatambal si Elise sa pag-eensayo? Hindi ko pa nasusubukan ang lakas niya sapagkat siya ay may lihim na taglay." parang nabuhusan ako ng malamig nang marinig ko ang malamig na boses niya. Kahapon ang retainer niya siya naman ngayon?
Hinarap ko naman siya at ako ay yumuko bilang paggalang. "Paumanhin pero kailangan kitang tanggihan. Balita ko po kasi na ikaw ay nagkasakit noong mabasa ka sa sapa." hindi ko naman pwedeng kasama ako noong oras na 'yon dahil baka iba ang isipin ng ilan.
Pansin ko naman ang pamumula ng tenga nito kaya hindi ko napigilan ang sarili na matawa. Tinignan naman niya ako ng masama. "Paumanhin po," sabi ko sabay alis sa lugar. Hindi naman sa ayaw ko siyang makalaban pero baka hindi ako maka-concentrate dahil sakanya.
Mabuti na lamang at hindi na ito sumunod pa. Tahimik ang naging araw na ito dahil naghahanda na kami para sa ball kinabukasan. Hinasa na namin ang mga espada na dadalhin pati na rin ang daggers ko. Hindi ko rin pinalagpas na dalhin ang aking whip dahil magiging belt ko ito para hindi halata.
Lumipas ang araw at kasalukuyan na kaming nag-aayos tatlo. Actually, inaayusan pala nila ako dahil tapos na sila. Maagang nagising ang dalawa dahil sabik silang ayusan ako. Aminado akong simula nang magkahiwalay kami ng prinsipe ay hindi na ako halos nag-ayos pa dahil ipinokus ko ang sarili sa pagpapalakas.
"Gagawin kong messy bun ang hair mo, Lady Elise." sabi ni Rena. Hindi naman na ako pumalag pa dahil siya ang nag-aayos sa akin habang hinahanda na ni Amelia ang mga kolorete na gagamitin sa mukha ko. "Ayusin mo ng mabuti 'yan Rena para mahulog ng sobra ang prinsipe sakanya." pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi ni Amelia.
Napailing naman si Light sa narinig pagkapasok nito sa tent. Mas lalo siyang gumwapo sa kanyang suot. "Huwag masyado baka ibang prinsipe ang mahulog sakanya at hindi na natin siya makakasama pa." inirapan naman ni Rena at Amelia si Light sa kumento nito kaya natawa na lamang ako.
Hindi nagtagal ay natapos na rin kami sa pag-aayos. Umalis naman na si Light dahil titignan niya ang karwaheng gagamitin namin. Lumabas naman na kami ng tent at andoon na ang tatlong lalaki hinihintay na kami. Kita pa nga namin ang gulat sa dalawa nang makita kami.
Laglag panga pa ata ang prinsipe sa partner niya dahil ang ganda ni Amelia. Ngayon ko lang siya muling nakitang nag-ayos. Naunang pumasok sa karwahe si Rena kasunod ni Amelia na tinulungan pa ni Light. Susunod na sana ako pero imbes na kamay ni Light ang hahawakan ko ay kamay ng prinsipe ang nakuha ko.
Napatingin ako agad sakanya pero mabilis itong umiwas. Itinuloy ko na lamang ang pagsakay at hindi na lamang pinansin. Nagsimula na ring lumakad ang karwahe at nasa harap ko ang prinsipe. Tahimik lang din ang mga tao at nakakasakal ang atmosphere. "Reminding about the plan. Do not do anything that will risk your safety. Understood?" sabi ng prinsipe habang nakatingin sa akin.
Napatango naman kaming lahat pero hindi rin naalis ang titig ko sakanya. "Sali naman ako sa staring contest niyo," biro ni Leon kaya mabilis akong napaiwas. Pambihira naman Elise! Huwag kang marupok!
Hindi rin naman kami nagtagal sa byahe at narating na namin ang lugar. Tulad ng dati ay kamay muli ng prinsipe ang hawak ko sa pagbaba pero sa pagpasok ng palasyo ay by partner na kami. Pagpasok namin sa loob ay namangha ako sa lugar. This is far more bigger and fancier than our own kingdom.
Nilibot ko pa ang paningin ko and it never ceases to amaze me but, Louis' castle is way more homey than this. Parang dekorasyon lang ang palasyong ito. "Socialize with others," sabi ng prinsipe. I would love to socialize pero I hate crowds kaya hinayaan kong si Light na lamang ang nakipag-usap sa iba.
Mabilis akong nakatakas sa event at nahanap ko ang sarili kong nasa veranda mag-isa. Hindi pa nag-sisimula ang ball pero heto na ako nagtatago. Simula paglaki ko ay naturuan naman ako ni granny makipag-socialize sadyang hindi ko ito gusto sapagkat mas gusto ko ang humawak ng sandata kaysa sa baso na puro tsaa ang laman.
"I said socialize not exclude yourself." hindi ko na nilingon pa ang nagsalita dahil hindi naman na niya ito jurisdiction. "Ang tigas talaga ng ulo mo, Eli." I love how he calls me my name. "You know how I hate crowds," sabi ko na hindi pa rin siya nililingon. Tumabi naman na ito sa akin pero hindi ko pa rin siya tinitignan.
We stayed silent there for a minute until he broke it. "I left Amelia in Light's hands. Can I be your partner instead? Just for the night." doon na ako napatingin sakanya. I can see sincerity in his eyes. Hindi naman masama kung minsan lang hindi ba? Inabot ko naman ang kamay ko sakanya kaya lumiwanag ang kanyang mukha.
"You look beautiful, my love." I blushed hard when he called me love. "Kalimutan natin ang lahat pumipigil sa atin. Lets go back to what we are once," nginitian ko naman siya saka tinanguan. "Sure,"
Pumasok naman na kami sa loob at saktong dumating naman na ang host ng event. "Good evening every one. This not just an ordinary event like we do every month since this one is special." kumunot naman ang noo ko. You mean they hold an ordinary ball every month at special ito? Is this a coincidence?
"I invited two kingdoms to join us. Please welcome the Prince of Casterios Kingdom! Prince Archie Louis Casterios and his partner." nagkatinginan naman kami ng prinsipe at sabay kaming umakyat sa tabi ng prinsipe ng Hollows. Nag-bow naman ako sakanya bilang respeto. "Its nice meeting you, Prince Louis." nakangiting bati nito
Tinanguan naman siya ni Louis at hindi naman na ito pinansin pa ng prinsipe. "Lets also welcome the Princess of Trivañia Kingdom! Princess Shemeya Alya Trivañia!" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. The princess is here which means? Napatingin naman ako kay Louis at salubong ang kilay nito. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating ng babae.
"Thank you for having me here, Prince Gabriel." nakangiting bati ng prinsesa. "Now that my honored guests are here. Let us start the party," iyon na ang hudyat kaya nagsimula na silang nagpatugtog ng musika.
Magkaharap kaming apat ngayon at pare-parehong hindi nag-iimikan. "I bet this lady doesn't know my name." nakangiting sabi ng prinsipe sa akin. Hindi ako pumunta rito na hindi handa. "Of course I do know your name Prince Gabriel Heinrich Hollows." namangha pa ito nang buuin ko ang pangalan nito.
"You know mine but I don't know yours." napatingin naman ako kay Louis at tinanguan ako. "My name is Cassandra Elise Alteria." papakilala ko sa sarili ko. "Your last name sounds familiar. I think I heard it somewhere."
Parang nang-aasar pa nga ito habang nagsasalita pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko. "Is Casper Elizar Alteria sounds familiar to you?" deretsyang tanong ko. Lumiwanag naman agad ang mukha niya. "Yeah! That's it! Hearing his name makes me want to hear his screams more." biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi nito pero pinisil ni Louis ang kamay ko kaya medyo kinalma ko ang sarili.
"May relasyon ba kayo? Or just purely master and servant?" tanong nito. Kinalma ko ng sobra ang sarili ko bago sinagot ito dahil nakita niya ang magkahawak na kamay namin.
"She's my lover,"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.