Cassandra Elise Alteria
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa hardin namin iniisip pa rin ang alok ng prinsipe. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong desisyon dahil tuwing iniisip ko iyon ay lumilitaw rin ang imahe ni Louis.
"Lady Elise, a letter came from your brother." inabot naman sa akin ni Roel ang liham at tinitigan ko lang ito. If only my brother is here, alam niya ang gagawin. I can't decide.
Matapos kong titigan ng ilang minuto ay binuksan ko naman na ang liham.
Aking kapatid,
Sana makarating ang liham na ito ng mas maaga ngunit kung hindi man ay marahil nasa gitna na kami ng digmaan. Simula ng ika'y umalis ay nagkaroon ng biglaang ambush sa amin. Maraming tauhan ang namatay ang iba naman ay nasugatan. Ang plano ng prinsipe ay makipag-usap sa Hollows Kingdom ngunit wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanila. Ipangako mo sa akin na ano man ang mangyari ay itigil mo na ang paghihiganti para sa magulang natin. Hindi ko kayang isipin na ikaw ay masasaktan habang wala ako sa tabi mo. Hintayin mo ako at tahimik nating lilisanin ang high society.
Ang iyong kapatid,
Cea
Ibinaba ko naman agad ang liham at halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Natatakot ako para sa kaligtasan ng aking kapatid. Ayaw ko na mawala siyang muli sa akin. Baka hindi ko na kakayanin pang muli.
"Roel?" tawag ko. Maya't-maya ay dumating naman na siya. "Ano po iyon?" tanong niya sa akin. "Kailan na muli ang ceremony of knighthood?"
"Sa susunod na buwan." napagpasyahan ko na. Ititigil ko na ang paghihiganti at susundan ko ang kapatid ko sa digmaan. "Pakisabi naman kay Rosa na kailangan ko magpa-ayos ng aking buhok. Pakisali na rin ang aking pangalan para sa seremonya."
Tinanguan naman ako ni Roel at nilisan ang lugar. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kailangan kong sundan ang aking kapatid. Hindi maaaring siya lang ang lalaban para sa amin.
Dumating naman agad si Rosa at umupo na ako sa harap ng salamin. "Tulad ba ng dati?" tanong nito sa akin pero umiling ako. "Putulin mo hanggang dito. Masyado ng mahaba ang buhok ko." turo ko hanggang sa balikat.
Bakas ang gulat sa kanyang mukha pero hindi na ito nagtanong pa kung bakit. "Itago mo na lahat ng dress ko at ilabas ang mga kumportableng damit ko dahil simula bukas ay babalik na ako sa akademya para ipag-patuloy ang naudlot kong pag-aaral"
Noon pa man ay sabay na kaming nag-aaral ni Cea sa akademya ngunit ng dahil sa nangyari ay natigil ako para ipagpatuloy ang kay Cea. Sisiguraduhin ko na pagbalik ko ay sasabak na ako sa labanan at hihingi ako ng permiso sa hari para sumunod sa aking kapatid.
"Pakidala na rin pala ang aking sulat para sa prinsipe ng Pyros, Rosa." Sabay abot ko sakanya ang liham na sinaglit ko habang hinihintay siya kanina. Tinanguan naman ako ni Rosa bago ito umalis. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin at natuwa ako dahil ito na ang sign na ako'y pumili ng sarili kong desisyon sa buhay.
Kinabukasan ay nagtungo naman na ako sa akademya at ang daming taong nakatingin sa akin. Madalas ay nagbubulungan pa sila at naririnig ko ito. Baka maging pabigat lang ako dahil isa akong noble at puno ng arte sa katawan o di kaya naman ay malambot ako masyado.
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila sa akin bagkus dinaan ko ang lahat ng ito sa sparring namin. Ipinakita ko sakanila na hindi ako yung tulad ng sinasabi nila at doon na nag-simula ang buhay ko sa loob ng eskwelahan.
Four months passed
Nagtagal ako ng apat na buwan sa loob ng akademya at hindi ko ito inaasahan pero atleast nakamit ko na ang inaasam-asam ko. Ngayon ay kailangan ko ng humingi ng paalam sa hari. "Saan ka pupunta, Alteria." mayabang na tawag sa akin ni Dylan.
Inirapan ko nalang siya pero sinundan pa rin niya ako. "Kinakausap pa kita!" galit niyang sabi sa akin pero tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa hinila niya ang damit ko. Hinarap ko naman siya at tinapunan ng sama ng tingin.
"Grow up, Gelmar!" sabay iwan ko sakanya pero mabilis ang reflexes ko kaya nailabas ko ang dagger ko. "Anong kaguluhan ito?" malamig na sabi nito. Alam ko ang boses na 'yon kaya ibinaba ko ang dagger ko at nagbow sakanya. "Greetings, your majesty."
Ano ang ginagawa ng hari dito? "Sagutin niyo ang tanong ko." tuloy niya. "Nagkaroon lamang po kami ng katuwaan," pagtatakip ko dahil hindi ko maasahan si Dylan dahil nanigas na siya sa harap ng hari
Tinanguan lang kami ng hari at nagsimula na itong maglakad. "Mahal na hari." tawag ko kaya napahinto naman siya at tinaasan ako ng kilay. "Gusto po sana kitang makausap." seryoso kong sabi dahil sa loob ng apat na buwan ay minsan na lamang akong nakatanggap ng balita sa pamilya ko.
"Ipapatawag kita bukas. Wear some comfortable clothes, Lady Alteria." sabi nito saka umalis. Hindi na ako umangal pa at umuwi na ng mansion. Pinatawag ko agad si Rosa at pinahanap ang maayos kong dress para magamit ko bukas. Naintindihan ko ang ibig sabihin ng hari.
Mabilis lumipas ang araw at papunta na ako ng palasyo. Ito ang pangalawang balik ko rito ngayong buwan at tuwing dumadaan ako sa hallway ay nakikita ko ang mukha ni Louis. Kay tagal na rin kaming nagka-hiwalay pero andito pa rin siya sa puso ko.
Kasalukuyan na akong papunta sa throne room dahil doon ako ipinatawag ng hari. Habang naglalakad ay nakita ko ang mag-ina. "Greetings to the queen and to the princess of this empire," bati ko sakanila.
Inirapan naman ako ni Audrey pero hindi kumurap ang reyna. "Being a knight doesn't change the fact that you still don't have a title of your own. Don't act so high and mighty." malamig niyang sabi sabay alis.
Gusto ko siyang sumbatan pero mataas ang posisyon niya kaysa sa akin kaya pinalagpas ko na lamang ito. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad at narating na rin namin ang lugar. "Greetings to the emperor and empress of this empire." magkasama ang mag-asawa kaya naman pala masama ang timpla ng isang higad.
"Tell me what you need, lass." sabi ng hari. "Gusto ko pong sundan ang aking kapatid sa digmaan." bakas ang gulat sa dalawa ng sabihin ko 'yon. Hindi na rin kasi ako nagpaligoy-ligoy pa dahil ang oras nila ay ginto. "Pero kakatanggap mo palang ng iyong title. Sigurado ka ba?" mahinhin na sabi ng empress.
Tinanguan ko naman ito. "Opo. Matagal na po noong huling nakatanggap ako ng liham mula sa aking kapatid at ako'y nag-aalala para sa kanila." nalungkot bigla ang mukha ng reyna at napaiwas na lamang ng tingin. Isa rin itong dahilan kung bakit ako naging knight dahil sa aking pamilya at para na rin sakanya.
The emperor sighed. "I guess we're not the only ones that haven't received any news yet. I hereby declare that Cassandra Elise, knight of Alteria should join the war and shall depart this instant. Call whoever you see fit to join you." napangiti naman ako at nagbow sa kanila. Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ng reyna.
"I know you're worried about him too. In case you see him please tell him to contact us. I know that he'll listen to you. I'm counting on you, knight." napatango nalang ako at nagpaalam muli.
Dali-dali akong bumalik ng mansion at nagpalit ng damit. "I shall embark today prepare to be haste for the preparations."
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomansaAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.