Cassandra Elise Alteria
"Naalala ko. Kailan pala babalik ang kapatid mo?" halos mabulunan ako sa kinakain ko sa tanong ni Louis. Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas simula nang gabing iyon
"Hindi ko alam. Yang kapatid ko kasi na yan ay hindi bumabalik ng bahay. Masyado niyang sineseryoso ang trabaho." sagot ko which is true pero simula nang dumating ka naging less ang trabaho ko
Hindi na siya nagtanong pa. Pagkatapos ng agahan ay nagtungo siya sa knights dorm. Ako naman ay nagtungo sa study ko. Napaisip ako bigla. Kung magiging si Elizar ako mahahalata ito ng prinsipe dahil sa galaw ko.
Sa buwang nagdaan lagi rin nito ako ino-obserbahan kaya imposible ang makipagpalit sakanya. "A penny for your thought?" sabi niya. Napatingin naman ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko. Tinanguan naman niya ako. "I was knocking pero hindi mo ako sinasagot kaya pumasok na ako only to find out that you're having deep thoughts." napatingin naman ako sa bintana at medyo hapon na rin.
"I was thinking of throwing a tea party soon pero naunahan na ako ng Daimos Family." inabot ko naman sakanya ang sulat. "They are hosting a masquerade ball?" patanong niyang sabi. Tinanguan ko naman siya
In-fact this is the perfect time since hindi pa ako nakakabawi sa kanila. Ofcourse nandoon rin si Audrey. "Lady Elise? Nandito na ang isa sa mga empleyado ng guild." dumating na rin ang pinagawa kong espada para kay Louis. Its a gift from the both of us.
Tumayo naman ako at pumunta sa sala. May dala itong malaking kahon. Kasunod ko din dito si Louis. Binuksan ko ang kahon at nakita kong napaka-ganda nito. Guhit ko ito at isinabuhay lamang. "Thank you." sabi ko dito
Kinuha ko ang espada sa kahon at inabot kay Louis. Bakas ang gulat sa mata niya. "This is yours. A gift from me and my brother," nakangiting sabi ko. The sword he's been using is just plain at isa pa he can't use his own sword dahil andoon ang royal family crest
He smiled and took the sword from my hand. He's excited because I, or we can see it by the way he examines the sword. Nilingon naman niya ako and he accidentally kissed me then hugged me.
Nagulat ako sa ginawa niya. "I'll try this outside," he said then left. Napahawak naman ako sa labi ko and it felt soft. Napalingon nalang ako kay Roel ng nag-pekeng ubo ito. "Roel please pay the man. I'll be in my room."
Umakyat naman na ako ng kwarto at nag-lock ng pinto. Pupunta na sana ako ng banyo nang may makita akong bulaklak sa lamesa ko at may sulat na iniwang muli
"See you at the ball? NP? Again? Bakit lagi nalang niya nalulusutan ang security ko?" galit kong sabi. At least, I'll be meeting the man soon.
Ginawa ko na ang lahat na dapat kong gawin hanggang sa tawagin nila ako para kumain. "Roel, pakitawag ang mananahi bukas. Gusto kong bago ang susuotin ko sa ball and for Sir Cyrus." sabi ko
Maya't-maya naman ay dumating na rin ang prinsipe. "I'm sorry I'm late. Nasiyahan akong makipag-sparring sa mga knights." sabi niya habang umupo na sa pwesto niya.
I want to talk to him about the kiss earlier. He never kissed me before and its always been in my forehead pero ayaw ko namang sirain ang mood niya about the sword that I gave him
We ate quietly. "Oo nga pala. Let's talk later okay?" he said. Tinanguan ko nalang siya. Tapos na akong kumain nang mag-umpisa siya.
Bumalik ako sa silid ko at doon naka-abang si Light. "My Lady." tinanguan ko naman si Light nang mag-bow ito sa akin. "Report." yun nalang ang sinabi ko saka umupo sa upuan.
"Ipinag-uutos ng reyna na pumunta kami sa underground auction ng mga slaves." nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. "Kailan?" tanong ko. Naghanap siya ng papel at tinta kaya inabutan ko siya agad
Sinulat niya dito ang oras at lugar dahil ngayon na pala gaganapin. Ginagawa niya lang magsulat kapag alam niyang may paparating na tao. Mabilis siyang nawala at madali ko ding sinunog ang papel
"Elise?" sabi ng prinsipe. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka pinapasok. "I'm sorry about earlier." sabay inabutan niya ako ng bulaklak. "I know that was your first kiss but I took it just like that." nakayukong sabi niya.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang pisngi niya. "That's okay. Ikaw naman ang humalik." sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang confidence na 'yon pero alam ko na namumula na ako ngayon sa kahihiyan.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at siniil ako ng halik. Iba ito sa unang halik namin. "Lets stop for now. We should take this slowly my love. Sleep tight, make sure to lock your windows and door."
Tinanguan ko nalang siya. Niyakap naman niya ako saka hinalikan sa noo bago ako iniwan.
Nang maka-sigurado na akong umalis ito ay dali-dali naman akong naghanda. Madalas ko nang ginagawa ito simula ng dumating siya sa mansion. Lumalabas ako ng bahay tuwing hatinggabi upang bawasan ang mga salot sa lipunan
Hindi alam ng prinsipe ito ngunit alam ng aking lolo at ng mga tao sa bahay. Bago ako umalis ay sinilip ko muna ang prinsipe at mahimbing na itong natutulog kaya mabilis na akong lumabas ng bahay
Nagkita kami ni Light sa may eskinita kasama ni Amelia. I am dressed as a man and my escort is Amelia. Inabutan nila ako ng imbitasyon at maskara.
Pumasok naman na kami at puro mayayaman ang nandito sa loob. "Ang reyna ang bumuo ng organisasyon na ito ngunit sa ibang pangalan." bulong ni Light. Tinanguan ko naman siya
Nilinga-linga ko pa ang paligid at ang iba ay pamilyar na mukha kahit na nakatakip pa ang mukha nila. "Gusto kong makita ang mga slaves. Get me a pass." bulong ko kay Amelia kaya humiwalay naman na ito sa akin
Gawain na namin itong tatlo. We saved lives and invite them to our estate to serve us. Hindi gahaman ang pamilya namin sa pera. Instead of wasting them we use them to help the poor
"Baguhan ka dito?" nilingon ko naman ang boses ng isang babae. The hell?! Bakit nandito ang babaeng ito? "Yes." tipid kong sagot. "I know that you keep identities here as a secret but you're my type."
Damn! Sa dinami-dami ng pwede kong makita si Audrey pa! "I'm sorry Miss but this one's mine." sabay wink pa ni Amelia. Thank goodness she came in time. "Ugh. Whatever!" sabay irap niya saka kami iniwan.
Inabutan naman niya ako ng parang medalyon "That's the pass. Don't lose it." sabi niya saka ako iniwan. Mabilis kong hinanap ang lugar kung saan nakakulong ang mga slaves
"VIP's are only allowed." sabi ng malaking tao. Ito siguro ang bantay. Pinakita ko naman ang binigay sa akin ni Amelia kaya pinatuloy ako. "VIP's are allowed to come in para sila ang unang mamili ng gusto nila," explain ng isang host sa ibang nobles.
Nilibot ko naman ang tingin ko at halos gusto kong patayin ang mga tao dito sa loob dahil kahit bata at matanda ay nandito rin. Hindi lang din tao ang kanilang ibinebenta kundi pati hayop!
"Sir, tulungan mo po ako. Kahit yung kapatid ko nalang po ang kunin mo." umiiyak na sabi ng batang babae kasama ang batang kapatid rin nito. "Nasaan ang magulang niyo?" tanong ko. Umiling naman ito "Ibinenta po nila kami para may pang-kain po sila ng iba ko pa pong mga kapatid. Naiintindihan ko naman po sila kaya pumayag ako."
Gusto kong maiyak dahil dito. I bought the two kids in a high price. I want to help the others too but all of them begged to let the child go. Pare-pareho sila ng sinabi sa akin.
"May kinabukasan pa ang mga batang 'yan hindi tulad namin. Nakita na namin ang malupit na mundo."
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.