🗡️44🗡️

51 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Ngayong araw gaganapin ang death penalty ni Daimos. Lahat ay dapat dadalo pero hindi ako isinama dahil napaka-protective ni Louis at ng kuya. Sineryoso nila masyado ang bilin ng doktor na wag ako masyadong gumalaw kaya ang ending ay andito ako sa kwarto ko ngayon at walang kasama.

"Lady Elise," bati sa akin ni Amelia at Light. Sila ang naiwang magbantay sa akin. "Tapos na ba ang mga pinapagawa nila sainyo?" tanong ko at sabay silang tumango. "Mabuti naman at ganoon. Samahan niyo muna ako rito." 

Lumapit naman sila sa akin at umupo sa magkabilang side ng higaan. "Narinig namin kay Master Elizar na ikaw ay buntis." sabi ni Amelia. I look at both of them and nodded. "Buntis ka na noong nakipaglaban ka kay Daimos and we didn't protected you." malungkot na sambit ni Light.

"Okay lang isa pa andito naman na ako. Alive and kicking." birong sabi ko pero hindi man lang nagbago ang expression ng dalawa. "I'm sorry," tanging sambit ko na lamang. "Paano kung dati mo ng nalaman na buntis ka? Itutuloy mo pa rin ba ito?"

Tinignan ko lang sila at ngayon lang sumagi iyon sa isip ko. "Panigurado itutuloy ko pa rin pero mag-iingat ako." I heard Light scoffed kaya tinapunan ko siya ng sama ng tingin. "Mag-iingat? Yan rin ang huling narinig ko sa'yo noon bago ka kidnapin. Hindi ko alam paano sasabihin ito sa general at sa kapatid mo lalo na sa prinsipe."

I was taken aback to what he said. May tinatago pala si Light sa akin na sama ng loob. "I'm sorry. Hindi talaga sumagi sa isip ko ito pero itutuloy ko pa rin dahil nasa harap ko na pero hahanap ako ng ibang paraan." napailing nalang si Amelia. Hindi nagusto ang narinig.

"Kahit humanap ka ng ibang paraan if what you are doing is dangerous. Hindi namin mahaharap ang general at kapatid mo kapag may nangyaring masama sa'yo lalo na at buntis ka na noong mga oras na 'yon." bahid sa boses ni Amelia ang disappointment.

Hindi ko na napigilan ang sarili na maging emosyonal dahil sa sinasabi nila. "Kapag kami ay nasusugatan o di kaya may hindi magandang nangyari sa amin and we survived. Pinapagalitan mo kami that we should take care of ourselves and abandon the mission if ever na delikado na ito. You are scolding us non-stop because you care for us," and Amelia's voice broke.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ko," natatawang sabi ko. "Pero hindi naman kami ganyan. We swore an oath to protect you. We dedicated our lives to you. Ano pang silbi na retainers mo kami if mawawala ka sa amin." galit na sabi ni Light.

Natawa nalang ako dahil I'm being scolded by them. Ito pala ang pakiramdam nila kapag pinagsasabihan ko sila. "I'm sorry. Hindi na mauulit. I promise I will take care of myself this time dahil hindi ko nalang buhay ang nakasalalay pati buhay ng magiging anak namin." I said while crying.

Lumapit naman na sa akin si Amelia and hugged me. She cried in my shoulders as I cried as well. Napatingin naman ako kay Light at tinawag siya para sa group hug. I saw him wiped his eyes before coming to hug us.

"Group hug!" sigaw ng kapatid ko kaya imbes na kakalas na kami ay mas humigpit ang yakap at nagtawanan nalang kami. "Group hug!" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Prince Gabriel. 

Akala ko yayakap rin siya pero nahawakan pala siya ni Louis sa kwelyo niya. "That's enough with the group hug. The baby can't breath." dahil sa sinabi niyang 'yon ay kumalas na nga sila at lumayo. "We should talk after this, Lady Elise." sabi ni Prince Gabriel sabay kindat sa akin. "I'll go ahead for now." at iniwan na kami.

"Oo nga pala. We haven't talked about the baby." sabi ng kapatid ko. Umayos naman siya ng upo sa tabi ng kama ko at umupo naman si Louis sa kabilang parte. "Pananagutan mo ba ang kapatid ko? As far as I can remember, the law states that a royalty must marry a person who is a royal by blood."

Napatingin naman sa akin si Louis at nginitian ako. "You both have royal blood in you. I heard you guys yesterday." tinaasan naman siya ng kilay ni kuya. "I did say that pero hindi rin ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni general because he kept it as a secret. Confidential daw ang family nila lola."

 "Still I will talk to father to change the law. I will break off my engagement." pirmi nitong sabi. Nagkibit-balikat naman ang kapatid ko. "I think you both need to talk about that. Just shout when he do something to you okay?" tinanguan ko naman ito at bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako sa noo.

The room became silent when they all left us here. "Gusto mo ng tubig?" tanong niya sa akin. I just nodded at him without answering him. He gave me one and I drinked it all. Ang akward tuloy but I need to break this silence. "Uhm," sabay naming sabi.

"You should go first." sabi nito. "Have you forgiven me?" deretsyang sabi ko kaya nagulat ito. "I was never mad to begin with. I just felt disappoinment that time," malungkot niyang sabi. "All this time you have shown me that you could do this all without my help. That I was only a burden a hindrance to your plans kaya ikaw na lahat gumagawa wherein I should be the one doing it."

I felt a sharp pain in my chest. "I'm sorry if you felt that way. I was just trying to help," sagot ko. "Its okay. Ang importante ay kasama na kita and I want us to start over again. Will you marry me?" tanong nito sa akin sabay hugot ng isang box sa bulsa niya.

I am overwhelmed with the proposal but I need to refuse. "I'm sorry Louis but I can't accept your proposal." bigla siyang nanlumo dahil sa sagot ko. "Is it because you are staying here? Dito na rin ako titira kung gusto mo. I can renounce my title anytime for you." umiling naman ako. "Ano? Is it because I am still engaged?" 

"Both. We need to fix things first okay? I will marry you, Louis pero not this time. We need to fix the mess we created okay?" umupo naman si Louis sa tabi ko saka dahan-dahang tumango. "Lalabas muna ako. I need to cool down."

Iniwan naman na niya ako sa loob ng silid na umiiyak. I cried atleast an hour bago ako nag-ayos. I need to meet up with Prince Gabriel kaya tinulungan na ako ni Monica. Mabuti nalang at hindi ito nagtanong patungkol sa mugto kong mata.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa study ni Prince Gabriel. "Come in," sambit nito kaya pumasok na ako. "Its me." sabi ko pagpasok. Humarap naman ito sa akin at pinaupo ako sa malapit na upuan.

"We need to talk about you." kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ang usapan kasi namin ay dito na ako titira kapalit ng peace treaty. "Since the exploitation incident has ended. I think you should go back to your kingdom already."

Napakunot naman ako sa sinabi niya. "Don't you remember? We changed our agreement that your stay here will be temporary until we finished this illegal business?" Naalala ko na. We did changed our agreement sa ball.

I looked at him and he smiled. "Be with the man you love," he said. Hindi ko na rin napigilan ang sariling maluha dahil finally...

I can go back with him.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~ 

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon