🗡️30🗡️

49 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Mabuti nalang at handa na kami dati. Wala akong naging bagong kaibigan sa akademya pero kasama ko naman doon sina Loida at Rena. Instead na bigyan ko sila ng parte sa village ay pinili nila na sumama sa akin kaya ngayon ay may kasama na rin si Amelia sa pagbabantay sa akin.

Dali-dali naman akong pumunta sa armory at doon na nagpalit ng akit suot dahil andoon rin ang armor na natanggap ko galing sa pamilya. Granny is so proud of me and I wished that the general and my brother saw me too.

"Sasama ako sa'yo," napalingon naman ako kay Amelia ng sabihin niya sa akin 'yon. "But I need you here to protect the house." sagot ko. Mas professional na siya at alam niya ang takbo ng duchy kaysa sa dalawa.

Lumapit naman si Loida sa akin. "Pwede naman akong maiwan. Itinuro naman na ni Amelia ang mga gagawin rito. Isa pa nag-aalala siya para kay Sir Light." nagulat naman ako doon. Hindi naman lihim ang pagtingin ni Amelia kay Light pero nagulat ako sa sinabi ni Loida

"Are you sure you can do this alone? Kahit andito naman sina Roel at Rosa hindi ka nila matutulungan sa labas ng mansion since they have they own roles." seryosong sabi ko. Mabigat ang responsibilidad na hawak ni Amelia na ipapasa niya ngayon kay Loida

Itinapat naman niya ang kamay niya sa dibdib niya at lumuhod sa harap ko. "Gagawin ko ang lahat at iaalay ko ang buhay ko para sa pamilya niyo, lalo na sa'yo dahil kung hindi dahil sa'yo kami ay nandoon pa rin sana kami ni Rena."

Ramdam ko naman ang sinseridad sa mga sinabi niya kaya napangiti na lamang ako. "Please look out for them while we're away, Loida. Thank you for offering your life but please take care of yourself too." nakangiting sabi ko. I saw tears in her eyes.

"Let's make haste, Amelia." sabi ko sakanya saka lumabas ng armory. Handa na ang lahat pati ang dalawang kasama ko. Andito rin si granny sa harapan ko ngayon. "Ayaw ko sanang lumabas at makita kang umalis but I don't want to part ways with you not seeing you again. Please be careful this time okay? Your brother and grandfather or your retainers will not be there always so take care of yourself. I love you, Eli."

Gusto kong maluha dahil sa habilin ng aking lola pero hindi ito ang oras na iyon. "I will. Take care also okay? We'll be back soon with victory!" nakangiting sabi ko. Sumakay naman na kami sa kabayo namin at mabilis naming ipinatakbo ito.

Kailangan namin marating ang lugar ng mabilis dahil hindi ako makapakali. May pakiramdam ako na hindi maganda. Before it takes a week before we came to the battlefield pero ngayon sa takbo ng kabayo it will take 2-3 days bago namin ito marating. Ayaw ko na may oras na masayang.

Sinubukan naming bilisan pa kung maari lang ay tuloy-tuloy lang kami sa byahe pero kailangan pa ring magpahinga ng mga kabayo. "Sa tingin mo okay pa ba sila?" tanong sa akin ni Rena. Sa totoo lang? Hindi ako sigurado pero pinagdadasal ko na sana nasa mabuting lagay sila.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at napatingin na lamang sa langit. Bukas ay andoon na kami. Pangalawang gabi na rin namin sa daan at sabik na akong makita ang aking kapatid. Kinuha ko ang aking espada at nag-ensayo sa tabi ng ilog. Hindi mawala sa aking pakiramdam ang kaba at takot kaya dito ko dinadaan ang lahat.

"Lady Elise. May apoy akong nakikita. Magmadali tayo!" sabi ni Amelia kaya nataranta rin ako. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya nagmadali nga kami. Hindi na pala kami nalayo sa kampo kaya mabilis kaming nakarating.

Mabilis akong tumalon sa aking kabayo at nakipaglanan. Isa itong ambush at walang kamalay-malay ang mga tao. Mabilis namin silang natulungan kaya kakaunti lang ang sugatan. "Rena, Amelia. Tulungan niyo muna ang sugatan at hahanapin ko kung sino ang bantay rito."

Hindi nagtagal ang aking paghahanap dahil mabilis ko itong nakita. "Light!" sigaw ko kaya mabilis itong napalingon. "Ano ang iyong ginagawa rito, Lady Elise?!" gulat niyang sabi. "Matagal kayong hindi nagpadala ng liham kaya ginawa ko ang lahat para makapunta rito." pagalit kong sabi.

"Nasaan ang aking kapatid?" tanong ko pero mabilis itong umiwas. Hinawakan ko siya sa kwelyo at hinarap sa akin. "Tinatanong kita Light! Asan siya!" mabilis na lumuhod si Light sa harap ko at yumuko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya lumebel ako sakanya pero mas yumuko ito lalo. "Matagal na siyang nawawala. Isang buwan na ang nakalipas. Sinubukan namin siyang hanapin pero tanging espada na lamang niya ang natagpuan. Kasama niya ang Heneral na nawala. Patawad." umiiyak niyang sabi.

Napailing naman ako. Hindi ito ang oras para magluksa ako. Alam ko na buhay silang dalawa dahil nararamdaman ko. Kung nailigtas nila ako noon pwes ako naman ang gagawa ngayon para sa kanila. "Magpahinga ka na muna at ako ay mag-rereport sa prinsipe."

Bago ako pumunta sa tent ng prinsipe ay tinawag ko muna ang dalawa. Pagdating namin sa harap ng tent niya ay hinarangan kami ni Sir Leon. "What are you doing here, My Lady? This is not a tea party but a battlefield. You don't belong here." galit niyang sabi. Siguro nasabihan na sila na andito kami.

"Three knights from Alteria family have come forward to report on duty, Sir Leonard." sabi ko ng may paggalang. Bakas ang gulat sa mukha niya kaya gumilid ito at pinapasok kami. Parang piniga ang puso ko ng makita kong muli ang prinsipe. "Greetings to the commander-in-chief. I am Knight Cassandra Elise Alteria reporting for duty." ganoon din ang sinabi ng dalawa kong kasama.

Hindi kami tinignan ng prinsipe kaya hindi rin namin alam ang gagawin pero ramdam ko ang lamig ng lugar. "Sir Amelia and Sir Rena may go. Sir Alteria should stay." malamig niyang sabi. Kinabahan ako doon lalo na noong tumayo siya at sinara ang tent.

"Why did you came back?" tanong niya. "I'm here to report on duty, my prince." Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. "My prince?" kumunot naman ang noo ko ng sarkastiko niyang inulit ang sinabi ko. "Don't speak so formal. Dalawa lang tayo ang nandito."

Is he testing me? "Permission to speak. I'm here to report on duty and personal matters shouldn't be talk in working hours." nagulat ako ng bigla niyang pinalo ang lamesa. "Aalis ka kung gusto mo tapos babalik ka rin pag gusto mo. Niloloko mo ba ako Elise? Tapos magiging formal ka sa akin? Bullshit!"

Napailing nalang ako. Gusto ko siyang kausapin pero hindi pwede dahil isa siyang prinsipe at isa akong knight. If I were the duke I can speak to him freely but we are not equal in standing. "Speak to me. Please. You don't know what I've been through." yumakap ito sa akin pero hindi ako gumalaw.

Amoy alak ito kaya ganito ang kanyang attitude. "I missed you so much, my princess." umatras naman ako nang hahalikan niya sana ako. I saw coldness in his eyes again at alam kong kasalanan ko ito. "Get out." malamig niyang sabi.

Tumalikod naman na ako at lalabas na pero naalala ko ang bilin ng empress. "Permission to speak again." sabi ko pero hindi niya ako inimikan. "Pinapasabi po ng empress na balitaan niyo rin sila. Nag-aalala na po sila para sa'yo. Iyon lamang." hindi ko inantay pa ang sasabihin niya basta umalis nalang ako.

Pagkalabas ko ay andoon pa rin si Sir Leon. "Hindi ka na sana bumalik pa kung sasakyan mo lang siyang muli." sabi nito. "Hindi ko intensyong saktan siya. Ang akin lang ay makita kong ligtas ang aking kapatid at heneral. Syempre kasama na rin siya ngunit," patigil kong sabi.

"Ngunit?" tanong niya. "Hindi na dapat ako nag-aalala pa. Andyan naman na ang prinsesa niya sa kaharian. Hinihintay na siya," sabi ko saka balak umalis pero pinigilan ako nito. "Mahal ka ng prinsipe sa kung ano ka man. Wala pa nga siyang pakialam kung hindi ka prinsesa. Bakit ba pinapahirapan mo pa ang inyong sarili?"

Tinignan ko siya na may malamig. "Dahil hindi kami para sa isa't-isa." binitawan naman niya ako at umiling. "Sana matauhan ka." tinalikuran naman na niya ako sabay alis ko na rin sa lugar.

"Sana matauhan na nga ako."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon