Cassandra Elise Alteria
Naging busy ang mga araw sa palasyo dahil sa katatapos na digmaan. Nakalabas naman na ang lolo at kasalakuyan itong nagpapahinga sa bahay at alalay si granny sa pag-aalaga sakanya. Maayos na rin muli si Cea at kasalukuyan itong nag-iikot ngayon sa duchy at ako ay nasa training grounds.
"Pwede sumali?" napahinto ako sa ginagawa ko at nakita ko ang aking kapatid na kararating lang. "Maaga akong natapos sa pag-iikot at masasabi kong you did a good job handling them," proud niyang sabi kaya napangiti ako.
Nilabas naman na niya ang espada niya at nagtuos na kami. Puro tunog lang ng espada ang naririnig dito at hindi kami nag-iingay pero napahinto ako nang tanungin niya ako. "Ano ang tunay na nangyari noong gabing inilibas kami?"
Mabilis ko siyang tinalikuran. Akala ko hindi ito aatake sa akin pero mabuti nalang at naisangga ko ang aking espada. "Kinakausap pa kita at kasalukuyan tayong nag-eensayo." malamig niyang sabi. Hindi ako sanay sa ganito pero alam kong ramdam niya ang nararamdaman ko dahil ramdam ko ang uneasiness niya.
"I sacrificed my freedom." deretsyo kong sabi habang inaatake siya. "Hindi ko kayang mawala kayo! Isa pa ano lang ang isang tao na magsakripisyo para sa buhay ng marami! We need to end this war." pirmi kong sabi. "Pero may ibang paraan! I can do it in your place!"
Napailing naman ako. "This is your time to be here. I don't have a place in this kingdom I'm just a mere knight. I can't be with him," naiiyak kong sabi. Ngayon ko lang naiyak ang kinikimkim ko simula nang makita ko ang dalawa noon.
Binagsak ni Cea ang espada niya at niyakap ako. "You may not have a place in this kingdom but you have a place you can call home. Alam kong hindi ko na mababago ang desisyon mo pero bumalik ka rito kapag hindi mo na kaya okay?" napatango na lamang ako.
Idinala namin ang usapang ito sa study room. "Aalis na ako bukas pabalik sa Hollows Kingdom." gulat ang gumuhit sa mukha ng aking kapatid. "Nagpadala na ng liham si Prince Gabriel na kailangan ko ng bumalik. Kuya gusto kong ituloy mo ang pag-iimbestiga sa mga Lamentia."
"Sige pero paano ang prinsipe?" oo nga pala. Pagkatapos ng victory party ay babalik na ang prinsipe dito sa amin dahil hindi pa tapos ang assasination attempt sa buhay niya. "Ang alam ko karugtong ng pagkamatay ng magulang natin ang gustong pumatay sa kanya ngayon."
Tumayo naman ako at naglagay ng pin sa picture ng Reyna at kay Duke Lamentia. "Alam kong konektado silang dalawa." tumayo naman ito at naglagay ito ng logo ng Hollows Kingdom. "May transaksyon na nangyari dito sa kaharian nila na isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit nagdeklara sila ng digmaan."
"Ikaw na ang bahala dito at ako na doon. Baka isa 'yon sa dahilan kung bakit kailangan kong bumalik sa Hollows Kingdom." sagot ko. Pareho kaming napalingon ni kuya nang marinig namin ang maliliit na tunog ng pagkatok sa may pinto.
Lumapit si kuya dito at isa itong messenger bird. "Logo ng Hollows Kingdom," bigkas niya. Mabilis akong lumapit at kinuha ang liham sakanya. "Change of plans. Sasabay na ako sakanya pagbalik dahil aattend siya sa party ng kaharian."
Tinanguan naman ako nito. Hindi na ako mag-aalala pa sa susuotin ko dahil siya na raw ang magdadala nito. "Excuse me? Lady Elise, may bisita ka sa baba." sabi ni Roel sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Cea at parang kinabahan ako doon.
Sinundan ko naman si Roel at natagpuan ko ang dalawang prinsipe na magkaharap sa drawing room. "Magandang umaga sainyo kamahalan." bati ko sa dalawa. Pareho naman silang napatayo noong dumating ako. "Prince Gabriel akala ko ba papunta ka palang?"
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "I escaped my body guards." nakangiting sabi niya. "Prince Louis?" tanong ko sa isa. "Nawalan ako ng oras sayo kaya pumunta ako rito para makasama ka." napasapo naman ako ng noo. Sana hindi dumating ang isang prinsipe dahil kung meron sasakit ang ulo ko.
"Lady Elise, andito po ang prinsipe ng Pyros." ano ito? Meeting place ng mga prinsipe? "Yo Eli!" nakangiting bati niya sa akin. "Woah! I didn't know that this is the new meeting place for princes." natatawang sabi niya.
Napailing nalang ako. "Roel please serve our guests some tea." sabi ko. Umupo naman ako sa tabi kung saan hindi ako malapit sa tatlo. "Eli, sino ang mga bis--- your highnesses," bati ng kapatid ko. Tinawag ko naman siya dito sa tabi ko.
"Bakit nandito ang mga yan? Ano nanaman ang ginawa mo?" pabulong niyang sabi. Parang may namumuo ng tensyon sa tatlo ngayon. "Hindi ko rin alam. Hindi ko naman pwedeng paalisin sila." bulong ko sakanya pabalik.
Tinignan ko naman silang tatlo at nakatingin na sila sa amin. "I guess busy kayo ng kapatid mo. Magkita nalang tayo sa party sa susunod na araw." hinila naman na niya ang dalawang prinsipe. Buti nalang at nakaramdam si Louis. Hindi na nagtanong pa si Nikos dahil alam na niya ang ugali ng kaibigan.
"Wait. I'll just talk to Elise about something." sabi ni Prince Gabriel. "We'll wait for you outside." sagot ni Louis. Tinanguan naman siya ni Prince Gabriel at iniwan. Umalis rin ang kapatid ko para bigyan kami ng time na mag-usap.
May inilabas siya sa likod ng inuupuan niya kanina na box. "Wear this during the party." kinuha ko naman sakanya ang box at nagbow. "Salamat." sagot ko sakanya. Iniwan naman na niya ako at lumabas.
Inakyat ko naman na sa silid ko ang box saka ito binuksan. Maganda naman ang damit at halatang babagay ito sa akin. Alam ko na ito na ang magiging simbolo na pag-aari na ako ng Hollows. Alam ko ring mapapansin ito ni Louis sa party kaya dapat handa na ako kapag tinanong na niya ako kung bakit.
"Pwede pumasok?" nilingon ko naman ang granny. "I heard everything from your brother." malambing na sabi niya sa akin. "Alam kong masakit ang mawalan ng magulang sa murang edad pero hindi nila gugustuhin na mapahamak ka." mapait na ngiti naman ang naibigay ko sa aking lola.
Hinawakan niya ang mukha ko. "You really looked like your mother." nakangiting sabi niya. "This is why I hate living here. Kailangan kong pakawalan ang mga mahal ko sa buhay because they are not a child anymore." malungkot na ngiting sabi niya sa akin.
"Always remember that you belong here and you will always be my baby." hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maiyak sa bisig ng aking lola. Minsan lang ito maging malambing dahil madalas strikto siya pero ngayon ko lang siya nakitang naging ganito.
Sunod kong pinuntahan ang aking lolo. Kinausap ko siya tungkol sa plano at nangyari noong gabing iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita kong umiyak ang heneral. Puno ng pagsisisi ito at humihingi ito ng tawad sa akin.
Ang daming sinabi ng lolo tulad na sana hindi na lang niya ako tinuruan humawak ng sandata na sana ibinigay nalang niya ako kay granny noon at sana hindi nalang ako nagpanggap bilang si Cea. Alam na rin niya dati na buhay ang kapatid ko pero itinago niya lang ito para hindi makahalata ang mga kalaban.
Puno ng iyak ang silid ni lolo kasama si granny at tahimik na nakikinig ang kapatid ko. Dahil sa mga rebelasyon na nangyari ay hindi nakaiwas sa pandinig ng mga kasama namin sa bahay ang mangyayari. Ipinaalam ko sakanila na i-sikreto muna ito dahil baka makarating sa prinsipe.
Lilisanin ko na ang Alteria duchy pagkatapos ng victory party sa palasyo. Iiwan ko na ang buhay ko rito at iiwan ko na rin pati ang puso ko kung saan ibabaon ko na sa limot ang pagsasama namin ni Louis.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.