Cassandra Elise Alteria
Present Day...
Dumating na ang lahat ng bisita at ang ilan doon ay kilala ko. Dumating na rin si Duke Daimos kasama si Queen Felissa. Nakita ko rin sina Amelia, Light at Kuya dahil sila ay member ng org for undercover.
Dati na pala nilang minaman-man si Duke Daimos kaya sila nakarating rito. I am happy to be reunited with them pero hindi pa ito ang oras. "Cyrus, you need to stick close to me." sabi ni Duke Daimos sa akin.
Hindi nadalo ang dalawa dahil exclusive ang auction ngayon. "Yes, Lord Hermes." sinundan ko naman ito sa study niya at pinipigilan ko lang ang sarili ko na patayin siya dahil gusto ni papa na buhay ang kaibigan niya mahuli.
"This will be the last because soon my plans will be completed." natutuwang sabi niya. May kinuha lamang ito sa study nito saka kami pumunta sa VIP seat kung saan doon sila uupo ni Felissa. "My love," halik nito kay Felissa.
Napatingin naman ito sa akin saka hinarap si Daimos. "Love, we need this to end soon. I'm getting uncomfortable. I feel like there's going something wrong." napatango nalang si Daimos at sinenyasan ang mga tauhan niya na umpisahan na.
Pinapanood lang namin ang pagbebenta nila ng mga inosenteng tao at in-eenjoy nila ang pagtrato sa mga ito. Ang iba nga ay minamaltrato na nila. Hindi ko ito masikmura! Gusto ko na sana itong itigil pero kailangan ko dahil dapat maayon lahat sa plano.
"Tulungan niyo po ako!" sigaw ng ilan sa likod. Pinikit ko na lamang ang mata ko para piliting itigil pero hindi ko magawa. "Lord Hermes, lalabas po muna ako saglit." tinaas niya lang ang kamay niya kaya lumabas na ako.
Doon palang sa may pinto ay hindi ko na napigilan pa ang luha ko na hindi ko man lang din naramdaman na may tao na pala sa harap ko at niyakap ako. Pamilyar ang amoy nito sa akin kaya mas lalo akong naiyak. Bakit siya narito?
Sa mga nagdaang araw ay takot at kaba ang naramdaman ko dahil mag-isa lang ako sa misyong ito. Tanging assistance lang ang mai-provide ni Prince Gabriel dahil limitado lang ang galaw ko kaya siya ang gumagalaw sa labas.
"Iiyak mo lang ang lahat dito lang ako." sa sinabi niyang 'yon ay nilabas ko na lahat hanggang sa tumigil ako. "I need to go back. Baka hinahanap na nila ako." paalam ko sakanya. "Just stick to the plan and take care,"
Tinignan ko lang siya at tinanguan. "I will. See you later, Louis." pagkatapos ay iniwan ko na siya. Bumalik ako agad sa tabi ng dalawa at walang sinabi. Nagpatuloy ang panonood ko ng auction hanggang sa matapos ito.
Kasama ko ang dalawa pagbalik ng study nila kaya kinuha ko na ang oras na 'yon para i-lock ang pintuan. "Anong ginagawa mo Cyrus?" galit na sabi ni Daimos. "I'm sorry, Duke. But this will end today." malamig kong sabi. Bakas sa mukha niya ang confusion.
"Sino ka ba talaga?!" sigaw nito sa akin kaya napangisi ako. Nasa likod naman ni Daimos si Felissa ngayon at nagtatago sa lalaki. "Is the names Violet and Richard ring a bell to you?" kumunot ang noo pa nito bago niya na-realize kung sino ako.
Galit pa ito ngayon nang malaman sino ako. "Elizar! You should stop pretending already. Alam na naming lahat na nagpapanggap ka lang bilang kapatid mo Elise! Pinatay na namin ang kapatid mo noon!" natawa nalang ako dahil doon. Nilabas ko ang journal ni papa pero syempre replica na lamang iyon dahil likod lang ang pinakita ko.
"Bakit nasa'yo yan?" tanong niya. "Nahanap ko lang naman sa kwarto ng anak mo." Tinanggal ko naman na ang disguise ko sa harap nila. "You guys should stop pretending. Even you Queen Felissa," sabay turo ko sakanya.
Napangisi naman sila. "You are the one who should stop pretending to be your brother because he is dead already and I killed him." pang-aamin nito. Gusto ko siyang suntukin pero pinigilan ko ang sarili ko. "I'll give you a proposal. Hindi kita isusumbong sa hari na nagpapanggap ka basta hindi mo sasabihin ang mga nangyayari rito."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "You think my brother is dead? The one you saw at the victory ball was him in the flesh." bigla kong napansin ang pamumutla niya sa ilalim ng maskara. Hinila naman siya ni Felissa at nagbulungan pa.
"Imposible!" hubad niya sa maskara niya. "I killed him. Baka yang kasama mo na babae ang kapartner mo noong araw na 'yon!" natawa naman ako. "Nahihibang ka na ba? Kasama ko siya ngayon kung tutuusin." mabilis itong napatingin sa closet na biglang bumukas.
Tinignan ko ang kapatid ko saka sila. Kakulay na nila ang papel sa sobrang puti nila. "Impossible!" tanging sambit ni Daimos. "Everything is possible, Duke." nakangising sabi nito. Hinugot naman niya ang espada niya at itinutok sa kapatid ko. "Patay ka na! Pinatay kita kasama ang mga magulang niyo!"
Nilabas ko naman na ang espada ko para sugurin siya pero pinigilan ako ng kapatid ko. "Oo, pinatay mo kami pero hindi mo inakalang makakaligtas ako. I survived living in hell not be able to see my sister for so long at matagal ko itong hinintay. Gusto kitang patayin dahil sa ginawa mo sa magulang namin!" galit nitong sabi.
"Our father wanted to save you but you didn't want to be saved then what you did after to him? Its unforgivable!" malamig kong sabi. "Kaya instead of killing you we will get you alive!" naitabig agad ni kuya ang espada ni Daimos kaya sumugod siya.
Mabilis na umilag si Felissa at tumakbo papunta sa akin. "I command you to let me go." buong tapang niyang sinabi sa akin. "I don't do orders from you. You are not my queen." tinulak naman niya ako dahilan para mawalan ako ng balanse. "Elise!" sigaw ng kapatid ko kaya tinamaan siya sa likod niya.
Mabilis na nakalabas ang dalawa at nagkakagulo na sila. "Sundan mo sila." bilin ng kapatid ko. Gusto ko siyang samahan dahil dumudugo ang ulo niya pero inuna ko na si Daimos na sundan. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa rooftop.
Hindi siya makapunta sa mga exit dahil sarado ang mga 'yon para isang entrance at exit ang gagamitin tapos malayo pa kaya sa rooftop kami nakarating. "Sumuko ka na. Wala ka ng ibang matatakbuhan pa." malamig kong sabi.
Nilingon naman niya ako at bakas ang galit niya sa akin. "Ang hilig talaga ng pamilya mo ang mangialam ano? Ang gusto ko lang naman ay maging hari o di kaya maging hari si Audrey!" sigaw nito sa akin. "Pero hindi maaaring maging hari si Audrey dahil hindi siya royalty!"
Ngumisi naman ito. "Hindi nga kaya ko ginawa ang organisasyong ito para sakanya!" umiling naman ako. "Ngunit hindi siya ang nasa isip mo noong ginawa mo ito dahil binalak mo ring patayin si Audrey kapag naging hari siya. Papatayin mo ang lahat ng hahadlang sa mga plano mo!"
Namumula na ito sa galit kaya sumugod na ito sa akin. Hindi ako nagpatalo sakanya kahit hirap ako. Malaking diperensya ang lakas namin pero mas mabilis ako sakanya kaya nadaplisan ko siya sa pisngi niya kasabay noon ay pati ang hita niya.
"Malakas ka rin pero hindi kasing lakas ng kapatid mo." nakangising sabi niya kaya hinila ko ang whip sa baywang ko kaya nagulat ito. "Oo, hindi ako kasing lakas ng kapatid ko pero kaya kitang talunin," pagkasabi kong iyon ay iwinasiwas ko ang whip sa kamay niya dahilan para mabitawan niya ang espada niya.
Ang bilis ng pangyayari kaya nagulat ito at napaatras dahilan para mahulog siya. "Duke Daimos!" sigaw ko. Mabuti nalang at nakakapit siya. "Tulungan mo ako, Elise." maamong sabi nito sa akin. Dahil hiling ng ama namin na buhay siyang makukulong ay tinulungan ko siyang umakyat.
"Salamat." sambit nito. Tinanguan ko naman siya. "Elise!" natuwa naman ako agad sa taong tumawag sa akin kaya mabilis akong lumapit sakanya. "Susuko na siya ng payapa sa atin." sabi ko saka tinignan si Louis.
Tinanguan naman ako ni Louis. "Hahanap lang ako ng tali." sambit niya saka tinanguan siya. "Mahal niyo ang isa't-isa ano?" sabi ni Daimos kaya pareho kaming napatingin sakanya. Nilapitan ko naman siya agad dahil may nalalaman ito patungkol sa amin.
"Oo, mahal namin ang isa't-isa pero hindi kami nababagay dahil isa siyang prinsipe." sagot ko pero natawa siya. "Isa kang prinsesa dahil ang nanay mo ay isa ring prinsesa ng maliit na kaharian pero dito na matatapos ang iyong buhay." napakunot naman ang noo ko doon pero huli na ng napagtanto ko ang sinabi niya dahil sinaksak niya ako ng dagger.
Narinig ko pa ang sigaw ni Louis kasabay nito ang pagsigaw ng kapatid ko at ang tawa ni Daimos.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomanceAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.