🗡️5🗡️

93 2 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Matapos akong gamutin ng doctor ay lumabas naman na kami ni Silver sa kwarto. Narating na rin namin ang garden pero hindi ko pa nakikita si Cyrus. Nilinga-linga ko na pero hindi ko pa rin ito nakikita

"Hindi mo siya makikita dahil kasama siya ni Princess Audrey," pareho naming nilingon ni Silver ang kanyang kapatid. "Please tama na?" sabi ni Silver sa kapatid pero inirapan lamang siya nito

Sasagot pa sana si Silver pero pinigilan ko na lang ito. Mahirap nang mag-away pa ang kambal dahil tanging silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay ngayon. Tulad ko rin ang kanilang kuya na lamang ang natitirang pamilya nila.

"Whatever," sabi ni Silky sabay alis. "Pag-pasensyahan mo nalang ang kambal ko ha?" malungkot na sabi niya. Nginitian saka tinanguan ko ito.

Nag-kwentuhan kami ni Silver sa sarili naming lamesa. Hindi ko na hinanap pa si Cyrus dahil alam kong hindi niya ako iiwan pero nagulat ako nang lumitaw si Audrey na luhaan sa may green house kaya in-excuse ko ang sarili ko at pinuntahan ang green house

Pag-pasok ko doon ay tumambad sa akin ang prinsipe na may bakat ng kamay sa pisngi niya. Nilabas ko ang panyo ko at binasa sa malapit na fountain saka dinampi sa pisngi niya. "I'm okay." sagot niya pero napailing nalang ako

"What happened here?" tanong ko. Nilingon naman niya ako "She tried to kiss me but I pushed her and told her that I don't like her." napairap nalang ako dahil doon.

"I want to treat her as my little sister before," nakatingin na ito ngayon sa fountain pero ako ay nakatitig lamang sakanya "but her mother polluted her innocence. Gusto ko siyang ilayo sa reyna pero sabi ng aking ina huwag na dahil hindi ito lumalabas."

Now I see why her attitude is like that. "Why is Audrey mad at you anyway?" tanong nito sa akin. Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi ko rin alam. Simula nang magkita kami ay ganoon na siya sa akin." tumango naman ito.

"Masakit pa ba?" tanong ko habang hawak ko ang kanyang mukha pero nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumikit ito. Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko. "I think I'm falling for you, my lady." biglang nahulog ang puso ko sa sinabi niya.

Am I hearing it right? Hindi ko alam anong isasagot ko? "Count Cyrus!" pareho kaming napalingon sa babaeng sumigaw. Si Silky kasama si Lady Crissa at pareho silang galit. "Bakit mo naman pinaiyak si Princess Audrey!" galit na sabi ni Silky

"Mabuti nalang at mabait pa siya para hindi ka isumbong sa hari!" ofcourse she won't do that since hindi sila nag-uusap ng emperor. "Silver," tawag ko sakanya dahil kararating niya lang. Lumapit naman ito agad sa akin.

"We will go ahead. Sorry for causing disturbance." hinila ko naman na si Cyrus at umalis na. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Silver. Hindi na rin namin pinansin ang mga sigaw ng mga tuta.

Sumakay naman na kami agad ng karwahe. Naging tahimik naman kami buong byahe hanggang sa sabay kaming nagsalita "You go first," sagot niya. Umiling naman ako "You first," pero umiling din siya

"About I said----" naputol ang sasabihin niya dahil bigla kaming huminto. "Why did we stopped?" tanong ko pero wala na ang driver sa harap at bigla itong lumitaw sa harap ng bintana na may nakatutok na dagger sa leeg niya. "Kung gusto niyo pang mabuhay lumabas kayo."

Nagtanguan naman kami ng prinsipe. Siya lang ang may dalang baril sa likod niya at may maliit akong dagger sa ilalim ng gown ko kasama na rin dito ang whip.

Nakataas ang kamay naming pareho habang lumalabas. "Ano ang kailangan niyo sa amin?" tanong nito. He's stalling them habang dahan-dahan niyang hinihila ang baril sa likod pero naunahan siya kaya pinalo kami pareho sa likod at nawalan ng malay.

Nagising ako na nakatali na kami pareho. How careless have I been? Ang sabi protektahan ang prinsipe pero pareho kaming nakatali ngayon. Mabuti nalang at magkasama kaming dalawa. "Okay ka lang?" tanong nito sa akin. Gising na pala siya.

"I'm fine. You?" tanong ko. Ngumiti naman ito saglit pero mabilis din nawala. Maya't-maya ay may pumasok na lalaki. "I contacted your brother young lady. I want big ransom from your family." napairap nalang ako sakanya pero nakatanggap ako ng malutong na sapak.

"How dare you!" galit na sigaw ni Louis. Binaling naman sakanya ng lalaki ang atensyon at siya ang binanatan. "Magtanda ka!" sabi nito sabay alis. Nangitim naman ang pisngi ni Louis sa pagtamo nito ng suntok sa lalaki.

"I'm sorry," naiiyak kong sabi pero nagawa pa rin nitong ngumiti. "Tatakas tayo," sabi ko sabay pilit tinataas ang skirt ko. "Anong ginagawa mo?" tanong niya at nang maitaas ko ito ay hinila naman niya ito pababa.

Tinignan ko naman siya ng masama "Don't pull your skirt up. Kung ano pa ang gawin nila sayo." galit na sabi niya. Inirapan ko naman siya "I have my dagger beneath this dress. Gusto kong kuhanin mo at kalagan ang sarili mo." tumango naman ito at inayos ang posisyon namin.

Ramdam ko ang palad niya sa hita ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang init nito! Shit umayos ka Elise! Nasa panganib kayo! Nang makuha niya ito ay inumpisahan na niya ang pagkalag pero biglang bumukas ang pinto at nakita ang itsura ko

"Hindi mo man lang sinabi na may maganda kang kutis binibini," sabay hawak dito. Nandiri ako bigla at nakaramdam ng panghihina. Hindi ka ganito Elise! Ikaw si Elizar at wala ka dapat kinakatakutan ang kaso babae ka pa rin.

"Ooh. I love those tears," sabay lapit nito sa akin habang ang kamay niya ay lumalandas na paitaas ng damit ko. Pumikit ako habang umiiyak dahil nandidiri ako pero nagulat ako ng bigla itong huminto at bumigat. Minulat ko ito at isang bangkay na lamang ito.

Tumambad sa akin ang isang galit na lalaki. Nilapitan naman niya ako agad at kinalagan sabay iniwan ako. Ramdam ko pa rin ang takot pero kailangan kong protektahan ang prinsipe kaya inipon ko lahat ng lakas ko at tumayo.

He is fighting them alone. Patay na rin pala ang driver ng karwahe namin. Pinunit ko ang dress ko hanggang sa komportable ako sa paggalaw. Nilabas ko naman ang whip at tinamaan ang isa kung saan nasa likod na siya ni Cyrus

Napatingin ito sa akin at nakaramdam akong muli ng takot. He had cold eyes. "I'll help." sabi ko pero umiling ito saka lumapit sa akin. "No!" galit niyang sabi pero hindi ko siya sinunod. Kinuha ko ang espada ng isang lalaki at itinutok sakanya. "I'll help!"

Iniwan ko naman siya at nakipag-laban. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin ang laban. Lumapit naman sa akin si Cyrus at niyakap. "Please. Take care of yourself, please." sabi niya bago siya nawalan ng malay.

Nabitawan ko ang mga hawak kong sandata at sinalo siya. Doon ko lang napansin na tama pala siya sa likod. I cursed and cried. Hindi ko siya naprotektahan and I hate myself because of it.

It pains me to see him like this.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon