🗡️34🗡️

42 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Simula ng iwan ako ng prinsesa ay hindi maalis sa puso ko ang hapdi. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin. I want to say I'm not but I won't. Let this night be a memory I will treasure. "Yes, okay lang ako. How's the talk with the prince?" tanong ko sakanya.

He smiled. "Then the treaty is sealed." we danced a silent victory pero noong lumalim na ang gabi ay lumabas ako at nagpunta sa garden. "Malamig na ang gabi," sabi ni Louis at ipinatong ang coat niya sa akin. I smiled at his sweet gesture.

"I just want some silence." sagot ko sakanya kung bakit andito ako sa labas ngayon. "Eli," tawag nito sa akin. Nilingon ko naman siya at ang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinalikan siya.

I kissed him as if there's no more dahil wala na pagkatapos ng gabing ito. Babalik na kami sa dati at magiging strangers nalang kami. We parted to gasped some air. "Eli, can I have you?" tanong niya sa akin. I just nodded and gave him permission.

The butler gave us a room to use. We made up an excuse that I am tired and I wished to rest. May mga kwarto naman na pine-prepare para sa mga nobles lalo na sa VIP tulad ni Louis. The others already know that we wished to be alone tonight kaya hindi na kami sinunod pa ng iba.

We continued what we are doing in the garden. I am mentally and physically prepared for the sin that I will commit pero hindi ko ito pagsi-sisihan dahil I gave it to the person I love.

Dumating ang umaga at ang saya ng gising ko dahil kaharap ko ang mahal ko. How I wish that this will go on forever but this all a fantasy and not reality. Tumayo naman na ako at pinulot ang mga damit ko sabay suot.

Nakipagkita naman na ako kina Amelia at Rena para makapagpalit ng damit. Nagkita-kita nalang kami noong breakfast. We ate quietly  dahil may namumuong tensyon sa silid. Kasama naming kumain ang fiancee ni Louis at ang sama ng tingin nito sa akin.

Mabuti nalang at mabilis lumipas ang breakfast. Naunang umalis ang prinsesa dahil kailangan niyang bumalik sa kanila para kuhanin ang ibang gamit bago pumunta sa kaharian nila Louis.  Kami naman ay sinamahan ng prinsipe papunta sa bilangguan para sunduin ang aking lolo at kapatid.

Sabik na akong makita sila pero nanlumo ako ng makita ko ang kalagayan nila. "I gave them food three times a day but they refused to eat nor shall I give them a pleasant room." pag-explain niya. Pagkabukas palang ng pinto ay mabilis kong niyakap ang dalawa.

Halatang nagulat pa sila ng makita ako. Sobra ang ipinayat nilang dalawa kaya hindi ko nalang napigilan ang sarili kong maiyak. Tinulungan naman na ni Light at Leon na tumayo ang dalawa habang hawak naman ako ni Amelia dahil nag-breakdown na ako.

Sumakay ako sa carriage na hinanda ni Prince Gabriel na gagamitin namin dahil tiyak hindi kami magkakasya sa dala namin. Kasama ko sila lolo at kuya sa pagbalik sa kampo. I cried hearing their stories. I felt bad about what happened to them and to their men.

Na-ambush sila during their mission at hindi nila inaasahan na ang mga taong pilit nilang inililigtas ay trinaydor sila. I promised them that this will never happen again. Narinig ko pa nga sa kapatid ko na andito rin ang base ng mga kaaway namin kaya iimbestigahan ko ito sa pagbalik ko.

Pagkarating namin ng kampo ay agad-agad na ginamot sila. Sinubukan ko namang sumama sa kanila pero pinigilan nila ako dahil kailangan kong magpahinga. Aminado akong kulang ang tulog ko dahil sa nangyari sa amin pero mas pipiliin kong mapagod basta makita kong okay ang lagay nilang dalawa.

Bumalik na lamang ako sa tent ko at nahiga sa kama at natulog. Nagising nalang ako na gabi na at ang bigat ng katawan ko. Teka? Mabigat ang nasa katawan ko hindi ang katawan ko! Kinilabutan naman ako ng maramdaman ko ang init ng paghinga sa leeg ko kaya dahan-dahan akong tumayo pero bigla niya akong hinila kaya napahiga ako ulit pero this time nakaharap na sa kanya.

Laking gulat ko ng makitang si Louis ang katabi ko. I looked at him with love and how I will miss him when I'm no longer there for him. Biglang dumilat si Louis na ikinagulat ko at bigla niya akong hinalikan sa labi. Pumalag naman ako pero ang higpit ng hawak niya sa akin kaya napahiwalay kami noong naghabol kami ng hininga.

"Tigilan mo nga ang paghalik sa akin. Isa pa bakit narito ka? Baka makita tayo nila kuya." galit kong sabi pero nginitian niya lang ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pagod sila at nagpapahinga sila sa mga tent nila kaya malaya akong makapunta rito."

Tinapunan ko naman siya ng sama ng tingin. "Paano ang ibang kasamahan natin? Ano nalang iisipin nila na ang prinsipe natutulog sa tabi ng isang unmarried lady?" umupo naman si Louis at ginaya ko naman siya.

"Ikaw naman ang papakasalan ko dahil ikaw ang mahal ko," seryosong sabi niya. Gusto kong sabihing hindi ako papayag sa kasal pero hahayaan ko nalang dahil ilang araw nalang rin ay babalik ako rito para tumira kasama ang prinsipe ng Hollows Kingdom.

Tumayo nalang ako sa kinahihigaan ko at sinundan naman ako ng tingin ni Louis. "Saan ka pupunta?" tanong nito. "Nagugutom ako. Gusto kong kumain." sagot ko saka siya iniwan. Akala ko naiwan na siya sa loob ng tent pero sumunod pala ang loko at hinawakan ako sa kamay.

Tinignan ko ang mga kamay namin saka siya tinignan. "I got you." sabay pakita sa akin ng isang basket. Napangiti nalang ako at naglakad na kami papunta sa lake kung saan kami muntikang maghalikan.

Naglapag siya ng tela sa may lupa at sinenyasan akong maupo doon. Naglabas naman siya ng pinggan at iba't-ibang klaseng pagkain tulad ng tinapay, prutas, kanin at gulay kasama ang isang boteng wine.

Nilagyan naman niya ang isang pinggang ng pagkain at iniabot sa akin. "Eat." sabi niya kaya kumain na ako. Kahit hindi niya sabihin ay kakain ako dahil gutom na ako. He ate with me and syempre nag-usap kami. We catched up from our lives since we separated.

We dranked wine under the bright moon talking about the future of the kingdom. Hindi ako nagsalita basta nakinig lang ako sakanya. I secretly cried as I hear my name in his plans for the kingdom. How I wish na ako ang nasa tabi mo kapag ikaw na ang hari ng kingdom.

I wiped my tears without him knowing. Masaya ako kapag makikita ko siyang masaya kaya gagawin ko ang lahat para makita niya ang future ng kingdom. Casterios kingdom isn't suited for war dahil isang trading kingdom ito. The Pyros kingdom is the one aiding us on this war dahil sa friendship na meron ang crown prince nila.

"Malalim na ang gabi. Pasok na tayo at dadalo pa tayo para sa announcement ni Prince Gabriel mamaya." tinanguan ko naman siya agad at tinulungan sa pagligpit ng mga ginamit namin. Noong una ay umangal pa siya pero in the end wala na siyang nagawa.

Hinatid naman na niya ako sa tent ko at umalis rin siya. Akala ko susunod pa siya sa akin sa loob. Hindi ko naman sinasabi na gusto ko siyang sumunod pero hindi ko naman inaasahan na aalis rin siya. Humiga naman na ako muli sa kama ko at pipikit na sana nang makaramdam ako ng paglalim ng kama ko.

"Anong ginagawa mo rito?" agad kong tanong sakanya. "Binigay ko lang kay Leon ang basket. Dito ako sa tabi mo matutulog." napairap nalang ako saka siya tinalikuran pero hindi ko rin naitago ang ngiti ko.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon