Cassandra Elise Alteria
Nasa training grounds kami ngayon ni Prince Louis at gaya ng sabi niya ay maglalaban kami. Hinanda na namin pareho ang aming sandata at ako ang unang sumugod. Mabilis niya itong naharangan sabay ngiti sa akin.
Sunod-sunod ko siyang pinaulanan ng atake pero mabilis siyang nakailag. "Yun lang ba ang kaya mo?" tanong niya. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya pero hindi ko yun pinahalata. "Ikaw? Puro ilag nalang rin ba ang iyong gagawin?" napansin kong naapektuhan siya pero ngumiti nalang siya
Siya naman ang sumugod sa akin at ramdam ko ang bigat at lakas ng atake niya. Iba pa rin talaga ang lakas ng isang lalaki kumpara sa akin.
Nag-patuloy ang laban namin hanggang sa natigil lamang ito nang dumating ang aking lolo na may dalang balita sa prinsipe. Mabilis naman akong nagtungo sa silid ko para makapagpalit ng damit dahil halos kita na pala ang tinatago ko.
Hindi na ako sumunod sa dalawa dahil alam kong para lamang sakanila ito. Nag-pahinga muna ako sa aking opisina dahil tiyak ako ang unang hahanapin ng aking lolo. Ipinikit ko muna ang aking mga mata
"Duke Elizar! Elizar!" mabilis kong nai-mulat ang aking mata at tumambad sa akin ang mukha ng prinsipe at sobrang lapit nito sa akin. Bumilis din ang tibok ng puso ko at hindi ko sadyang napatingin sa kanyang labi pero mabilis rin akong umiwas
"Ano iyon, Cyrus?" sagot ko at mabuti nalang at hindi ako nautal. "Kanina pa naka-alis ang Heneral at kanina pa kita tinatawag dahil hapon na. Baka gusto mo pang kumain?" sa sinabi niyang iyon ay narinig ko ang pagtunog ng aking tiyan. Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay natawa
"I'll be here. You go eat your lunch," tinanguan ko nalang ang prinsipe saka pumunta ng kainan. Pinaghanda naman nila ako agad ng kakainin ko pero hindi ko inasahan na biglang bumalik si Amelia "Duke, pinabalik ako ng iyong lolo dahil mas kailangan ng prinsipe si Elyse. Si Light ay kailangan na ring umalis dahil may misyon siya na bigay ng iyong lolo at tulad lang din ng iyong binigay sakanya."
Iyon siguro ang pinag-usapan nila kanina ng prinsipe. Tinapos ko muna ang aking pagkain saka ako nagtungo sa study ko kung nasaan andoon siya nag-hihintay. "Aalis ako ngayong gabi at tanging kapatid ko lang ang maiiwan dito. Sana mag-kasundo kayong dalawa." sabi ko. Hindi naman ito kumibo
Aalis na rin sana ako para makapag-handa ng mag-salita siya. "Huwag ka mag-alala kaibigan ako na bahala sa kapatid mo. Pro-protekhan ko siya." nginitian ko naman siya saka tinanguan. Alam naman na ni Amelia ang gagawin kaya dati na siyang bumalik sa siyudad at doon na kami magkikita.
Pagkatapos kong mag-palit ay hindi na ako nag-paalam pa sa prinsipe at umalis na sakay ng aking kabayo. Ilang oras din ang inabot ko nang makarating sa bayan doon tumuloy ako sa isang inn kung saan doon kami magkikita ni Amelia.
Pagpasok sa loob ay naghihintay na roon si Amelia at Light kasama ang Heneral. "Mabuti naman at pumayag ka." nakangising sabi ng aking lolo. Umiling na lamang ako sakanya "Gumagalaw na ang mga tauhan ng reyna, Elise." seryosong sabi niya. Sinenyasan ko naman si Light na mag-bantay sa labas
"Pinaghahanap na rin nila ang prinsipe." hindi na ako nagulat dahil sino ba naman ang hindi maghahanap sa kanya gayong nawawala ito? "Ako na ang bahala sa prinsipe. Sina Amelia at Light na rin ang bahala sa mga outside activities ko," tumango naman ito
"Elise, please be careful especially around the princess." ha! Very careful ako pagdating sakanya. Hindi niya ako gusto at lagi nila akong inaaway kaya as much as possible ay ayaw ko siyang makaharap "Opo."
Nag-usap pa kami ng kaunti bago ito umalis dahil pinapatawag na siya. Pumasok naman na si Light ng silid. "Report to me three times in a week, Light. Amelia, I want you to accompany Light sa lahat. Two is better than one after all. Bantayan niyo ng maigi ang galaw ni Queen Felissa at ng anak niya. Bantayan niyo din ng mabuti ang Emperor at Empress." tinanguan naman nila ako pareho
Matapos ng usapang iyon ay nagpahinga na kami para sa gabing iyon. Maaga akong nagising at nagbihis bilang ako. Sumakay na ako sa karwahe at bago umalis ay binilinan ko muna ang dalawa. Habang kami ay nasa byahe ay may nakita akong parang pusa sa gilid kulay puti ito kaya pinahinto ko ang driver
Bumaba naman ako at pinulot ito. Akala ko pusa pero hindi pala, isa itong tigre at dahil harmless pa siya at bata pa ay kinuha ko naman ito. "I'll call you Snow." dinilaan lang naman nito ang palad ko saka natulog
Ilang minutong pagkalipas ay narating ko na ang bahay. Sinalubong ako ni Roel kasama pa ng iba at natagpuan ko doon ang prinsipe. Nilapitan naman niya ako at inalalayan sa pagbaba. Tatanggihan ko sana but he's a prince. Pride niya yun kaya hinayaan ko nalang siya
"Did you had a pleasant day yesterday my lady?" he asked. Tinanguan ko naman siya "Yes, my prince." sabi ko. Umiling naman ito at ngumiti saka nilapit ang mukha sa akin "Don't call me prince instead call me Cyrus." I smiled then bowed to him
"Sure, Count Gil." halang pa rin sa isang tulad ko na tawagin ang prinsipe sa ibang pangalan ngunit kailangan ko pa rin lagyan ng respeto. Nauna na akong naglakad sakanya dahil kailangan ko ng pumasok sa loob. These heels are killing me.
Hindi sa hindi ako sanay sa heels. Ayaw ko lang ang heels na idinala ni Amelia na isusuot ko. "Do you want tea?" I asked the prince. Tinanguan naman niya ako saka ko tinignan si Roel.
"You really are splitting image of your brother," he said. Tinignan ko naman siya at medyo kinabahan. "We are twins after all." sagot. I'm not gonna lie dahil noong buhay pa ang kapatid ko ay hindi nila kami makilala kapag nagpapalit kami ng damit. Pareho din kasing mahaba ang buhok namin
"Alas! A party that I was invited by... the twins," gusto kong itapon yung invitation letter. Kabilin-bilinan ni lolo na mag-iingat ako kay Princess Audrey pero kaibigan ng isa sa kambal ang prinsesa. Mabilis kong tinignan ang prinsipe
"You need a makeover." I said. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Tara sa kwarto ko." hinila ko naman siya at hindi na inisip ang status niya. "Take a seat." umupo naman siya sa harap ng salamin. Nagkatinginan naman kami saglit pero mabilis ko din itong iniwasan.
Maganda ang buhok ng prinsipe in fact I like them how they look but I need to hide them. "Is it okay if you wear a wig? Or you prefer dying your hair?" tanong ko. Napaisip naman siya "I prefer this hairstyle instead. Ayaw kong palitan ang buhok ko."
Napaisip naman ako. I'm starting to get an headache. Hindi naman pala-labas na tao ang prinsipe. In-fact kaunting tao lang ang nakakaalam ng mukha niya. Okay lang sana ang kaso dadating din ang kapatid niya. "But, if it will help my disguise I'm willing to use wig and this."
Kinuha niya ang blonde na wig at isinuot sa sarili pagkatapos sinuot rin niya ang fake glasses ko. He look... handsome. "Lady Elise? Andito na po yung tsaa at nasaan po ang prinsipe? Sino yang kasama mo?" tanong ni Rosa. Good hindi siya nakilala agad
"He is Count Cyrus Philip Gil, Rosa." pagpapakilala ko sakanya. Napansin ko ang pagkapula niya at alam kong na-gwapuhan ito sakanya pero mabilis din itong umiwas "Iiwan ko na muna kayo." sabi niya sabay alis
Kumunot naman ang noo ko saka nilingon ang prinsipe pero sa paglingon kong iyon ay hindi sadyang nahalikan ko ang pisngi niya
~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Princess Knight
RomansAs she witness her family's downfall she was raised by her grandfather not as a prim and proper lady only but also as a warrior.