🗡️41🗡️

40 2 0
                                    

3rd Person's Point of View

The time where it all started...

"Mama, samahan mo kami ni kuya maglaro sa cabin please?" lambing na sabi ni Elise sa kanyang ina na si Violet Lovely Alteria. "Mamaya anak ha? Antayin natin ang papa mo dahil kausap pa niya si Duke Daimos," napanguso naman ang batang Elise kaya iniwan nito ang ina.

Hindi naman makapakali si Violet dahil meron si Duke Daimos sa kanilang lupain dahil matinding galit ang meron ito sa pamilya Alteria. Hindi nila alam ang pinakarason kung bakit pero hakahaka nila ay dahil iyon sa posisyon ni Richard ngayon.

Tumayo naman na si Violet at sinilip ang dalawa nitong anak sa may hardin. "Lady Violet, pupunta raw sina Lady Elise at Young Master Elizar sa kanilang cabin." nilingon naman nito si Roel na kanyang kababatang kaibigan.

"Sige. Paki-samahan naman sila. Isama mo na rin si Rosa para mas marami ang bantay." hindi naman na sumagot si Roel bagkus ay nagbow lamang ito. Pinanood lamang ni Violet ang pag-alis nila hanggang sa hindi na niya ito makita.

Sinundan naman ni Violet ang kanyang asawa sa study nito pero hindi siya pumasok at nakinig nalang sa labas. "You should tell the truth, Daimos! Para mababa lang ang parusang matatanggap ninyo!" napakunot si Violet dahil may inililihim ang kanyang asawa sakanya.

"No! Wala dapat makaalam na anak ko si Audrey, Rich. Ayaw mo ba na pabagsakin ang mga royals at paupuin sa trono ang mga tulad natin? Oras na para tayo naman ang mamuno!" diin na sabi ni Daimos.

Napailing naman si Richard. "Hindi. Iisa lang ang anak ng emperor at dapat malaman niya ito. Tama na ang kahibangan na ito Daimos!" galit na sabi nito. "I should've killed that child that day." pabulong na sabi ni Daimos pero nadinig ito ni Richard.

"You! You were the mastermind! Why do you want to assasinate the crown prince? Ah! Oo nga pala because you want your daughter be king!" biglang sinampal ni Daimos ang lamesa ni Richard dahilan para magulat si Violet.

Pareho silang napalingon dahil sa tunog na 'yon. "Babalik ako at hindi pa tayo tapos mag-usap, Richard." galit na sabi nito bago lumabas ng study. Nilingon muna niya si Violet at nag-bow bago lumabas.

Pumasok naman si Violet at nakita ang asawang nakayuko. "I heard everything." paunang sabi nito. "He wants me to join him and I can't. I'm loyal to the royal family and you have a blood of the royal family flowing in you." sabi nito sabay hawak sa kamay ni Violet.

Si Violet ay anak ni General Commander Elizar Gray Potten at Princess Trisha Elizabeth Potten. Ang kanyang ina ay galing sa malayong lugar kung saan ay nakipagtanan ito sa asawa niya na isang knight pa lamang.

"I know. Pero how could he betray the Casterios who helped him to where he is now?" nag-aalala si Violet dahil iba na ang umiikot sa utak ni Daimos. Dating mabuting mag-kaibigan sina Richard at Daimos pero simula nang makilala nito si Felissa ay nagbago bigla ang lahat.

Napalingon naman ang mag-asawa sa paparating na mga anak nila. "Hindi ko pwedeng isumbong si Daimos. He is my friend and I need more evidence."

Simula ng komprontahan nilang iyon ay nag-umpisa na mag-imbestiga si Richard. He found out that when Audrey was born he formed a group called 'Détrôner la royauté et les nobles régneront'.

He investigated more about the organization hanggang sa naging panganib na ang buhay niya. He wants to prove his friends innocence pero he really is the mastermind about the crown prince's assasination and the head of the org.

Nalaman rin niya sa ibang servants ng Lamentia na ang tatay pala ni Daimos ay gusto ng kapangyarihan at para magkaroon noon ay kailangan maging hari siya kung saan lumaki si Daimos na dapat maging hari siya pagdating ng araw.

Lumaki na si Daimos at pumanaw na ang ama niya ay hindi pa siya nagiging hari kaya idadaan nalang niya sa ibang paraan at doon niya nakilala si Felissa kung saan pareho sila ng hangarin. Nagmahalan ang dalawa at nagbunga ito pero ikakasal na pala si Felissa sa iba at iyon ang hari kaya maisasagawa nila ang plano nila.

Kahit kasal ito sa iba ay kinasal rin si Daimos sa asawa niya at nagbunga ito. Simula noong ipinanganak si Crissa ay natigil ang komunikasyon ni Daimos at Felissa pero nang mamatay ang asawa nito ay nagkita sila muli at tinuloy ang plano.

Nagkita na rin sina Audrey at Crissa kung kaya't sila ay naging matalik na magkaibigan. Noong malaman ni Daimos na hindi tumitigil si Richard sa pag-iimbestiga at pamimilit nitong itigil ang plano ay bumisita siyang muli sakanila.

"Elise, Elizar. Sumama muna kayo kina Light at Amelia. Roel, Rosa ikaw na bahala sa kanila." sabi ni Violet dahil nagplano ang mga bata na pumunta muli sa cabin para mag-ensayo dahil ilang araw na lang ay papasok na muli sila sa akademya.

Yumakap naman ang kambal sa kanilang ina. "Sunod kayo ni papa ha?" sabi ni Elise sa kanyang ina at napangiti ito at tinanguan sila. Kumaway naman si Violet sa kanila bago pumasok sa bahay nila. Nadatnan naman niya sa hagdan nila ang dugo rito.

Bigla siyang kinabahan kaya kumuha siya ng espada sa wall nila at sinundan ang dugo pero mas bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang asawa kasama si Daimos. "I will kill you, Richard! Hindi ako papayag na sisirain mo lang ang mga plano ko!" sigaw nito bago tinapos si Richard.

Na-blanko si Violet at napasigaw na lamang at dali-dali pinuntahan ang wala ng buhay na asawa nito. "How could you kill him! He was your friend! Ginawa niya ang lahat ng 'yon ay para sa'yo!" galit na sigaw nito. "Hindi ko siya kailangan at dito na matatapos ang pamilya niyo!" sigaw ni Daimos pero hindi pumayag si Violet na hanggang doon nalang kaya nakipaglaban ito.

"Dito na matatapos ang pamilya niyo!" nakangiting sabi ni Daimos hanggang sa tinulak nito ang kandilang nakasindi sa mga papel sa loob ng study hanggang sa kumalat na ito sa silid. Sinubukang patayin iyon ni Violet at distracted ito kaya nasaksak siya ni Daimos. "Paalam Lady Violet."

Namatay ito katabi ang asawa niya at kumalat na ang apoy. Narinig pa ni Daimos ang sigaw ng isang bata at napangiti ito dahil hindi na siya mahihirapan pa na tapusin silang lahat. Nang makita niya si Elizar ay nakipaglaban pa ito pero mabilis siyang pinatulog ni Ren na kasapi ni Daimos.

"Iwan na natin sila at umalis na." sabi ni Ren pero umiling si Daimos. "You should wait here and get the other one." tinanguan naman siya ni Ren at umalis na. Aalis na rin sana si Daimos pero nakita niya ang journal ni Richard.

Pinulot niya ito at nakita ang mga nilalaman at mga plano para sa royal family. Imbes na sunugin ito ay kinuha nalang niya at tinago. Nilisan na niya ang lugar na nakangiti at naginhawaan dahil wala ng hahadlang sa mga plano niya pero hindi niya alam na ang nag-iisang buhay na anak nila Violet at Richard ang maghihiganti.

Samantalang nagising na si Elizar at napasigaw sa hapdi dahil nagalisan siya ng apoy sa mukha dahil nasusunog na ang paligid niya. "Mama! Papa!" sigaw nito dahil nakita niya ang katawan ng magulang. Gusto niyang puntahan ang mga ito pero hindi na niya magawa dahil sa malalang apoy.

Pinilit na lamang ni Elizar ang tumakas. Pagkalabas nito ay nakita siya ni Ren kaya dali-dali itong tumakbo papunta sa kakahuyan hanggang sa na-corner siya ni Ren. "Young master ay teka hindi na pala. Elizar, hindi ka nalang sana nabuhay pa para hindi ka na magdudusa ng ganito. Magkita nalang kayo ng kapatid mo sa kabilang buhay!"

Wala ng ibang matatakbuhan si Elizar kundi mahulog sa ilog at inanod ito papunta ng Pyros kung saan nakilala niya si Nikos at tinanggap siya. Sa kabilang dako naman ay nakita at naramdaman ni Elise ang hinagpis na mawalan ng pamilya pero isa lamang ang sinambit ng kambal.

"I want revenge."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon