🗡️31🗡️

40 1 0
                                    

Cassandra Elise Alteria

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng makarating kami sa kampo. Wala namang bago rito bukod sa pag-eensayo naming apat. Kating-kati na akong lumabas ng kampo para hanapin ang aking pamilya pero hindi pwede dahil may natanggap na liham ang prinsipe galing sa Hollows Kingdom.

Kasalukuyan kaming nag-eensayo ng dumating si Sir Leon at pinapatawag kaming apat. "Urgent meeting." tipid niyang sabi kaya tinanguan lang namin siya saka ito sinundan. Pumasok kami sa tent ng prinsipe at bumungad sa amin ang malamig niyang mukha.

"The Hollows Kingdom invited us to the ball and only nobles may come. During the ball the crown prince and I will have a talk about the war and will negotiate a peaceful treaty." magandang balita dahil matatapos na rin ito.

Natuwa ako dahil doon at napansin ko ang pag-iling nito. "Therefore, I, the crown prince will come together with Leon and Lady Elise." kumunot ang noo ko. Hindi naman kailangang kasali pa ako sa ball na 'yan. "Light will escort Lady Elise, Leon will escort Ms. Rena and I with Amelia."

Bumigat ang paghinga ko ng marinig na ang makakasama niya si Amelia at hindi ako. Napailing na lamang ako dahil sino ba naman ako para makaramdam ng ganito. "Habang ako ay nakikipag-usap sa prinsipe nila Leon and the company will retrieve Casper and the General from the dungeons."

Gulat ang nakaguhit sa akin. Papaanong nandoon sila? "Ibinalita ng prinsipe na hawak nila ang mga ito. Wag kang gagawa ng ikapapahamak mo Lady Elise." malamig na sabi ni Louis. Dahan-dahan naman akong napatango. "Dalawang araw bago ang ball dapat handa na tayo. Kukuha na lamang tayo ng masusuot natin sa malapit na bayan. Iyon lamang dismiss."

Lumabas kami ng tent niya na hindi man lang nabigyan ng oras para mag-salita. Gusto ko pa sanang magtanong ngunit hindi siya nag-iiwan ng maaari kong singitan. Hindi ko na lamang pinansin pa ang nangyari at pumunta ako sa sapa kung saang huling nagkausap kami ng prinsipe ng maayos.

Umupo naman ako sa tabi at napatingin sa kawalan. "Aking kapatid at lolo. Sana ay maayos ang lagay niyo ngayon. Kayo ang dahilan kung bakit ako bumalik." nakatulala kong sabi. Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa tubig at kita ko ang lungkot sa aking mata. "Sino ba ang niloloko mo Elise? Pati rin naman siya ay gusto mong makita,"

Napabuntong-hininga nalang ako. Kinuha ko ang espada ko sa tabi at tumayo kaso sa kasamaang palad mali pa nga ang pagtayo ko. Akala ko matutumba na ako pero nasalo ako ng prinsipe. Pareho kaming nagulat sa paglapit ng mukha namin kaya tuluyan kaming nahulog sa tubig.

Nagkatinginan naman kami at bigla na lamang kaming natawa. Pakiramdam ko bumalik kami sa dati kung saan wala kaming problema at hindi pa kami hiwalay. Nang medyo kumalma naman na kami ay tumayo naman na ako at in-offer ang kamay sakanya.

Tinignan lamang niya ito saka kinuha. Akala ko ay tatayo na siya pero hinigit niya ako pabalik kaya magkaharap kami ngayon at ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Tumagal ang titigan namin sa isa't-isa at kaunti nalang ay maglalapat na ang mga labi namin pero mabilis ko siyang naitulak nang marinig namin pareho ang boses ni Sir Leon.

Tumayo naman ito agad at hinigit ako patayo saka ako iniwan. Napatakip naman ako ng mukha ko. We almost kissed! Muntikan na ako makagawa ng kasalanan sa fianceé niya.

Noong alam kong okay na ako ay bumalik naman na ako sa tent namin at gulat pang nakatingin sina Rena at Amelia sa akin. "Bakit basa ka?" tanong ni Amelia habang pinupunasan ang buhok ko.

Tinignan naman ako ng nakakaloko ni Rena. "Nakasalubong namin ang prinsipe at basa rin ito. Anong ginawa niyo sa may sapa?" nakangiting sabi niya. Naalala ko nanaman ang nangyari at hindi napansing namumula na pala ako.

Tumili naman ang dalawa dahil sa itsura ko. "Walang nangyari. Sinubukan lamang niya akong tulungan ang kaso lang pareho rin lang kaming nahulog sa may tubig." depensa ko pero hindi sila satisfied sa sinabi ko.

"Tapos?" tuloy nila. Iniwasan ko naman sila. "Tapos wala na. Pwede ba? Basa ako at kailangan ko na magpalit." doon lang nila naalala na basa pa ako at kahit anong punas nila at kahit anong piga nila ay hindi ko na dudugtungan pa.

Dumating ang hapon at nagpunta kami sa kabilang bayan para bumili ng susuotin namin para sa ball. Hindi na namin kasama pa ang prinsipe dahil tiyak uniporme niya ang susuotin niya. Tatlo lamang kami ang narito at nasa loob kami ng isang boutique ngayon.

"Bagay sa'yo ito, Amelia." turo ni Rena sa isang baby blue na gown. Babagay ito sakanya dahil maputi siyang babae at sa itim niyang buhok. "Ayaw ko hindi ito bagay sa akin." napailing naman si Rena dahil doon. "Nako Amelia! Makinig ka sakanya dahil batikan na 'yan sa mga ganyan," biro ko.

Walang nagawa si Amelia kaya sinukat niya ang bigay ni Rena at pumunta sa fitting room. Ganoon din ang ginawa ni Rena kaya naiwan akong mag-isa na tumitingin ng maisusuot ko. Naagaw pa ng pansin ko ang kulay pink na gown na balot hanggang sa aking collar bone.

Inikot ko ang gown at hindi ako nagkamali dahil nakita ko ang repleksyon ko sa salamin at bagay sa akin ito. "Ang ganda ng iyong napili," napalingon naman ako kina Amelia at nakatingin na pala sila sa akin. Nginitian ko naman sila dahil bagay rin sa kanila ang mga napili.

Hindi ko na sinukat pa ang gown dahil tiwala ako sa aking katawan na kasya ko ito. Binili naman na namin ang mga ito kasabay ng ilan pang kakailanganin para sa ball. Bibili pa nga sana kami ng kolorete pero may dala pala itong si Rena kaya nakatipid pa kami.

Umikot nalang kami sa bayan dahil tapos na rin lang naman na ang aming pakay dito. In-enjoy namin ang lugar na para bang walang digmaan ang nagaganap. Sana ganito nalang parati, tahimik at payapang buhay.

Bago sumapit ang gabi ay nakauwi na kami. Sinalubong kami nila Light at Sir Leon na naka-off duty ngayon. "Ang tagal niyo namang namili," birong sabi ni Sir Leon sa amin. "Syempre nahirapan akong mamili ng susuotin ni Amelia. Ang daming kondisyon." natatawang sabi ni Rena kaya natawa nalang rin ako.

Napatingin naman si Leon sa akin. "Hindi pa kita nakitang makipaglaban, Lady Elise. Noong una ay tinatago mo pa ang iyong lakas dahil ikaw ay may itinatago pa. Maaari ba kitang makasama sa pag-eensayo ngayon?" kumunot naman ang noo ko saka tumango.

Nagtungo naman kami sa open ground. May ilaw pa naman ang araw kaya hindi ko siya aatrasan. Kumuha kami ng tig-isa naming kahoy na espada at pumwesto na. Una siyang sumugod sa akin pero mabilis din akong nakaiwas. Ngumisi naman ito.

Tinaasan ko naman siya agad ng kilay at ako naman na ang sumugod. Mabilis niyang nasangga ang atake ko pero napansin kong medyo nahirapan siya. Sinadya ko kasing bigatan ang paghampas ko doon. Mabilis akong umatras ng maramdaman kong itinutulak na niya ang espada.

Panay ang clash ng espada naming dalawa at hindi kami nagpapatalo. "Magaling ka, Lady Elise. Sana ganito rin ang iyong stamina at sikmura kung nasa digmaan ka na." kumunot nanaman ang aking noo sa kanyang sinabi. Hindi ko naman first time sa digmaan dahil dito rin ako nanggaling pero alam kong pang-distract niya lamang sa akin iyon.

Nagtagal ang aming paglalaban ng isang oras at palubog na ang araw kaya napagpasyahan naming itigil na ito. Walang nanalo sa laban at patas lamang. "Magaling ka," nakangiting sabi nito. "Syempre. Mataas ang standards ng heneral sa akin." napatango nalang siya sa sinabi ko.

Kinuha ko ang towel na bitbit ni Rena at ipinampunas ito sa aking katawan sabay abot na rin ng tubig na aking maiinom si Light. "Magpahinga ka na muna. Kami na ang magbabantay sa post mo." tinanguan ko na lamang si Amelia.

Kumain muna kami ng hapunan bago ako nagtungo sa tent namin. Pagkahiga ko sa aking higaan ay doon ko naramdaman ang pagod ng laban namin ni Leon. Sa sobrang pagod ko na rin ay mabilis akong nakatulog.

"I miss you..."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Princess KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon