Prologue

454 16 4
                                    

Bumaba ako sa sasakyan at dinama ang simoy ng hangin.

Pagkatapos ng napakahabang panahon ay muli akong nakatapak sa lugar kung saan unang beses kong nasilayan ang isang taong hindi ko inaasahang babago sakin ng sobra.

Pagkatapak ko sa kalsada ay muling pumasok sa aking isipan ang mga matatamis na ala-ala namin na kailanman ay hindi ko malilimutan.

Pumunta akong muli sa flower shop kung saan ako bumibili ng paborito niyang bulaklak, ganun parin ang itsura ng shop na 'to hindi nagbago, pagkatapos nun ay pumunta ako sa karinderya para bumili ng paborito niyang pansit, akalin mo buhay na buhay parin ang karinderyang ito hanggang ngayon.

Naisipan kong umuwi ulit dito sa probinsiya para bisitahin siya, sigurado akong nag-aantay siya ng mga pasalubong, simple lang naman siya, ayaw niya ng mga magagarbong surpresa, dahil ni minsan ay hindi niya naranasan ang masurpresa sa tanang buhay niya, kaya kahit sa mga maliliit na bagay masaya na siya.

Bumili ako ng isang red rose at isang supot na pansit dahil alam kong ito ang paborito niya.

Sumakay na ako ng tricy para puntahan siya, maski ako ay sabik na sabik na rin na muli siyang bisitahin dahil ilang taon na din ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita.

Nang makarating ako sa lugar kung saan ko siya bibisitahin, nakatayo lang ako sa gate, napapikit nalang ako ng mga mata habang inaalala ang mga nangyari at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Mainit na sinag ng araw ang tumatama saakin kasabay nito ang malamig at preskong hangin na nanggagaling sa lugar kung saan ko siya bibisitahin.

Nang makapasok ako, inihanda ko na ang mga paglalatagan ng mga pasalubong ko, naglatag ako ng kumot dahil damuhan ang lugar na ito, pagkatapos kong maayos ang lugar, umupo ako sa tabi niya kasabay nito ang paglatag ng pulang rosas at isang supot na pansit.

Nakangiti lang ako habang tinitignan siya, isa lang ang nasabi ko "Te Amo."

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon