Chapter 14

127 11 0
                                    

Chapter 14:
I... Like...

Ely's POV

Mga kagat ng lamok ang gumising saakin sa mahimbing kong pagkakaidlip.

Punyetang mga lamok yan, nananahimik yung tao dito eh.

Umaga nanaman pala. Wala pa akong ganang bumangon, litong-lito ang isip ko. Gusto ko lang mahiga dito sa kama ko kahit hindi na ako inaantok.

Habang nakahiga at nakatitig lang sa kisame habang nakasuot ang earphones, nagpapatugtog ako para malibang ang isip ko.

Iniisip ko si Pol.

Bakit kaya bigla siyang nagbago, bakit parang naging positive minded siya gayung hindi naman niya ginagawa ang mga bagay na iyon simula noong nakilala ko siya.

Sabi nga nila Just like weather, People Change.

Baka nagbago na talaga siya.

Dapat hindi ko na siya iniisip dahil alam ko namang wala na talaga eh.

Wala na kaming pag-asa.

Natanggap ko na.

Habang nakikipag-usap ako sa sarili ko ay biglang bumulaga saakin na mukha ng dalawang babae sa may bandang bintana kung saan ako nakatingin ngayon.

Irene? Glen?

Pucha umagang-umaga palang ah.

Alas eight palang ng umaga.

Bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Pumasok silang dalawa habang nakangisi ng malawak na malawak.

Tumabi sila saakin dito sa kama ko.

Tumingin silang dalawa saakin.

Anong mga tinginan yan ha, halatang may kalokohan nanaman silang iniiisip.

"Gising na" ani Irene at pumalakpak pa sa tabi ko.

"Ang aga palang oh, anong meron?" boses ko na parang bagong gising lang.

"Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon." sagot ni Irene saakin na para bang nagtatampo pa.

"Wait, hindi. Alam kong birthday mo ngayon pero diba mamayang gabi pa yung celebration mo?" saad ko.

"Oo mamayang gabi pa pero gusto kong mamasyal kasama kayong dalawa ni Glen." parang nagmamakaawang boses ni Irene na kasalukuyang naka-puppy eyes saakin ngayon.

Walang anu-ano ay bigla nila akong hinila at binangon.

Sapilitang bangon tol.

Tumayo si Irene at lumapit sa aparador ko. Mukhang naghahanap siya ng maisusuot ko, samantalang si Glen naman ay nakatitig lang din sa ginagawa ni Irene.

"Mmm..... mmm..." tunog galing kay Irene, mukhang mabusising pagpili ng mga damit ang ginagawa niya ah.

"Para namang ang hirap mamili eh hindi naman ganun kadami yung mga damit ko." saad ko.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon