Chapter 6:
Nonsense DebateEly's POV
Nakabihis na ako ng pang school uniform, ready na ulit akong pumunta sa school. Kumain na din naman ako kanina ng agahan, tinawag ako ni Lola, siya ang laging gumigising saakin tuwing umaga.
Pumunta na ako sa sala para magsalamin ulit, nilabas ko ang liptint galing sa bag ko, nilagyan ko ng konting konting liptint ang bibig ko, naks medyo bagay. Binigay saakin ni Irene ang liptint na ito. Mas maganda daw kasi pag may kaartehan ako sa mukha, kaya binigay niya saakin ito. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganiyan, hindi ako pala-lagay ng mga design design sa mukha.
Pagkatapos kong magsalamin, iniligpit ko na ang mga gamit ko at handa ng pumunta sa school. Lumabas na ako ng bahay, hinanap ko si Lola para magpaalam, hindi pa man ako nakakalabas ng gate at nakita ko si Lola na..... nagbo-boxing?! Nanaman? Anak ng! Seryoso talaga siya dun sa sinabi niya noon no, sasali talaga siya sa boxing.
"La, alis na po, punta na po ako sa school." pagpapaalam ko sa kaniya.
"Sige lang apo, ingat sa pagpunta, iloveyou." malambing na sagot naman saakin ni Lola. Kahit kailan talaga malambing siya saakin.
Hahalikan ko pa sana siya bago ako umalis pero pinigilan niya ako dahil puro pawis ang katawan niya.
Napabuntong hininga nalang ako at napangiti dahil sa mga pinaggagagawa ni Lola. Si Lolo naman kanina pa pala nakaalis, pumunta sa bukid para magtrabaho.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang kanto para mag-abang ng tricy papunta sa school.
Habang nag-aantay ng tricy, muling sumagi sa isipan ko ang nangyari kahapon, nangyari nga ba talaga yun? For the first time narinig kong nagsalita si Apollo. Napakasariwa parin ng ala-alang iyon para saakin, hinding hindi ko makakalimutan ang tunog ng boses niya kahit matipid lang siyang sumagot. Tumayo akong muli para silipin kung meron na bang tricy na dadaan pero wala. Ayos ah! Mala-late pa yata ako dahil dito. Baka mapalabas nanaman ako gaya nung kahapon.
Ilang minuto pa akong nag-antay, anong oras palang pala 6:45 ng umaga. Ang aga ko palang umalis sa bahay kanina.
Habang nagmumuni muni ay biglang dumating ang isang lalaking nakasakay sa motor, nakasuot ito ng helmet na itim kaya hindi ko maaninag ang itsura niya.
Bumaba ito sa pagkakasakay sa motor at mukhang lalapit saakin? Ha? Sino 'to?
Di kaya eto yung mga magnanakaw sa motor, ibig kong sabihin, yung mga nagnanakaw gamit ang motor. Ano nga bang tawag dun? Hit and Run? Basta yung dala-dalawang tao ang sakay niya sa motor.
Nagtataka ako kung paano magiging magnanakaw 'tong lalaking papalapit saakin ngayon, wala naman itong kasama sa motor. Mag-isa lang siya.
Nang makalpait ito saakin, tinanggal niya ang kaniyang helmet at vuwala! Si Apollo pala. Si Apollo?!
Tumambad saakin ang napakagwapo, napakakinis, at napakalinis niyang mukha.
"Halika na, sabay kana sakin." bungad nito saakin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, nakatulala lang ako sa kagwapuhan niya.
Napansin yata niyang nalulutang nanaman ako, lumitaw ang kaniyang sparkling smile.
Hoy! Ang cute! Isa pa nga my loves!
"U-uh oo ba, sige" lulutang lutang kong sagot.
Akala ko ba may pagka-antisocial itong lalaking 'to, yun ang sabi sakin ni Irene eh.
