Chapter 17:
His YesEly's POV
Maaliwalas na umaga, at mga boses ng mga kaklase kong siraulo ang nagbibigay ingay dito sa loob ng classroom namin kung saan ako nakaupo ngayon.
Nakapatong ang mukha ko sa braso ko habang nakatingin sa kung saan. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Imbes na mairita ako dahil sa ingay ng mga kaklase kong naglalaro ng basketball kahit wala namang bola at ring, mga kaklase kong nakikipaglampungan sa mga jowa nila at mga kaklase kong naghahabol ng mga assignment bago ang first period namin sa umaga, ay minabuti ko nalang magsuot ng earphone at magpatugtog ng love songs.
Hindi parin nawawala yung saya ko nung isang araw, yung ngiti niya, yung tawa niya, yung saya sa mga mata at boses niya, dahil yun saakin!
Ang feeling ko diba. Pero ramdam kong napasaya ko siya dahil dun sa binigay ko. Naalala ko pa habang kumakain ako ng pansit, sinabi niya saakin I love you daw! Uyiiiieeehhh!!
Nagpapatugtog ako ngayon ng love song para damang dama ko na inlove ako.
Iniisip ko parin si Pol, yung bawat boses na nanggagaling sa kaniya, yung sparkling smile niya, yung masayahin niyang mga mata, kinikilig ako sa bawat detalyeng meron sa kaniya.
Abot tenga nanaman ang mga ngiti ko dahil sa kaniya, dahil kay Pol.
Speaking of Pol, nasaan na nga pala yun? Wala pa siya dito sa upuan niya, late nanaman siguro yun ngayon.
Nang nakabalik ako sa ulirat at tinanggal ang earphone na nakalagay sa tenga ko, humarap ako sa mga kaklase ko at laking gulat ko nalang ng silang lahat ay nakatingin saakin.
Focus na focus.
Yung parang first time nilang makakita ng artista, para silang mga istatwa na nakatingin lang saakin.
Problema nitong mga 'to?
Parang mga adik.
Pati si Ms. Anne Lee Rais ay nakatingin na rin pala saakin.
Anak ng.. Bakit hindi ko namalayan na meron na pala kaming teacher?!
Nakatingin silang lahat saakin kanina, eh may pangiti-ngiti pa akong nalalaman.
Nakakahiya!!!
"Hoy, anyari sayo?" tinapik ako ni Irene sa balikat.
"Hala sorry, hindi ko napansin na meron na palang teacher." pagrarason ko na punong-puno ng kahihiyan.
Lupa lamunin mo na ako!!!
Gusto ko lang naman ng MeTime napaka-KJ talaga nitong mga kaklase ko hindi ako pinagbigyan sa moment ko.
"Ms. Bartolome, would you like to share with us who's reason of your smile?" ani Ms. Anne Lee Rais na siyang nagpaingay sa buong silid.
Parang nang-aasar pa ang boses ni Ms. Anne Lee Rais. Alam naman na yata nila dito sa buong classroom kung anong namamagitan saamin ni Pol.
Napatingin ako kay Irene at Glen na kasalukuyang nakangisi saakin ng nakakaloko.