Chapter 11:
DefeatedEly's POV
Sa kalagitnaan ng pag-e-emote ko sa ilalim ng puno ay may isang boses akong narinig. Sa mismong harapan ko. Ramdam kong nakatayo siya sa harapan ko.
"Ely? Ikaw ba yan?" pag-uulit nung boses na nasa harapan ko.
Hindi ko kayang iharap ang mukha ko na ganito. Umiiyak.
Hindi dapat, wala dapat makakita na umiiyak ako. Nakakahiya kaya yon.
"Sayo yata 'to, naiwan mo yata, nagkalat sa loob ng gym eh." sambit muli nung boses na nasa harapan ko.
Sure na ako, si Pol 'to.
Shocks naman, bakit siya pa yung napunta dito.
Hindi na ako nag-atubiling sagutin at harapin siya.
Gulong-gulo ang isip ko.
Hindi ko alam kung makakausap ko pa siya dahil dun sa mga narinig ko kanina.
Tsaka bakit ba ako nagkakaganito, dare lang naman 'to diba?
Dare.
Aysh muli ko nanamang naramdaman ang sakit.
Tumakbo nalang ako palayo sa lalaking nasa harapan ko.
Tumakbo ako papunta sa CR para ayusin ang sarili ko.
Nang makapasok ako sa loob ng CR, walang tao sa harap ng mga salamin, nakasara din ang mga cubicle.
Nagmadali na akong ayusin ang itsura ko para makabalik na ako sa classroom.
Hilamos.
Punas sa mukha.
Magpa-cute sa harap ng salamin.
Vuwala! Ayos na ulit.
Palabas na ako sa CR namin na makapigil hininga. Makapigil hininga dahil sa sobrang baho. Masakit sa ilong.
Binagalan ko nalang maglakad dahil alam kong may nagklaklase ng teacher sa room.
Kung makakarating man ako roon, sigurado hindi rin naman ako makikinig. Lalo pa ngayon na nakita ng dalawang mata ko yung ginawa nung babaeng yun kay Pol, dagdag mo pa yung nga sinabi niya.
Bagsak ang balikat, nakayuko, malalaking buntong hininga ang pinapakawalan ko.
Ganiyan ang lagay ko habang naglalakad dito covered walk pabalik sa classroom namin.Nang makarating ako sa classroom, mabuti nalang at walang teacher sa loob.
Pumasok ako sa pintuan, maiingay na boses ng mga kaklase ko ang nananaig, naglakad ako papunta sa likod kung saan ako nakaupo.
Andun si Pol, nakatingin lang saakin na parang gustong magsalita pero hindi ko ito pinansin.
Naupo nalang ako sa upuan ko habang iniisip ang mga nangyari, ang ingay ng paligid pero parang wala lang sakin yun.
Nakatitig lang ako sa kawalan, wala akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid.
Naririnig kong nagsasalita si Irene sa tabi ko pero walang pumapasok sa isip ko. Tumatango tango na lang ako kahit hindi ko alam kung akong mga sinasabi niya saakin.