Chapter 18:
I PromiseEly's POV
Sa mahimbing kong pagtulog, ginising ako ng cellphone kong kanina pa tunog ng tunog.
Hindi naman ako nag-alarm ng maaga ah, isa pa Sabado naman ngayon edi wala kaming pasok.
Bumangon ako sa pagkakahiga, kinuha ko ang cellphone kong kasalukuyang full charged na, kinamot kamot ko pa ang mga mata ko habang tinitingnan ang cellphone kong hindi na tumutunog.
Pagbukas ko, 99 missed calls at 10 unread messages galing kay Pol.
Agad nagising ang buong diwa ko dahil sa nakita.
Anong nangyari dito? Bakit andaming missed calls at mga text? Hindi kaya may nangyari na sa kaniyang hindi maganda?
Agad ko siyang tinawagan.
Can not be reach!!
Inulit kong muli.
Can not be reach parin talaga!
Kinakabahan na ako sa kung anong nangyari sa kaniya.
Baka kung ano ng nangyari dun.
Paulit-ulit ko siyang tinawagan pero hindi parin nagri-ring ang cellphone niya.
Napabangon na ako sa higaan ko dahil sa kaba.
Tinawagan ko ulit siya.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong wala pala akong load.
Tanginang yan. Sobrang taranta na ako kasi hindi niya sinasagot yung tawag ko tapos wala lang pala akong load.
Gandang bungad ng umaga!
Binasa ko yung 10 unread messages galing kay Pol.
From : Apollo
: "Goodmorning, mahal."
: "Kumain ka na ba?"
: "Tulog ka pa ba?"
: "Ah, mukhang tulog nga talaga."
"Gising na daliiii."
"I love youuuuu."
"I love you parin."
"I love you the most."
"Tulog ka na muna kung di ka pa gigising, okay."
"I love you ulit."
Nagising ang buong diwa ko dahil sa dami ng mga text at missed calls niya pero ito lang pala yung sinabi niya.
Kailangan ba talagang abutin ng 99 missed calls.
Grabe ka Pol ha.
Miss mo 'ko no?
Jok! Amfeeling ko ulit no?