Chapter 10:
ConfessionEly's POV
Tapos na kaming maglinis dito sa punyetang gymnasium na 'to. Bakit ba kasi kami yung pinaglinis nila. Porket ba last section kami ganun na ang trato nila saamin?
Grabe kayo saamin mga Ma'am at Sir ha.
Pabalik na ang mga sutil kong kaklase pabalik sa classroom namin. Nakisabay na akong naglakad kasama sina Irene at Glen.
Habang naglalakad, naririnig ko ang mga bulung bulungan ng mga babae kong kaklase.
"Nakita niyo ba yung babaeng kausap ni Pol kanina?"
"Ang feeling! Bakit ba niya kinakausap si Pol mah beybe"
"Balita ko ex daw niya yun eh."
Ano?! Ex niya? Tsaka teka nga sino yung nagsabing baby niya si Pol. Akin lang si Pol, all mine!
"HINDE!" malakas kong sigaw na nagpatigil saaming lahat sa paglalakad.
Saglit na katahimikan.
Nagtinginan silang lahat saakin, maski sina Irene at Glen ay nagulat dahil sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung kanino ko sinasabi yung sigaw ko.
Kanino nga ba?
"Huy, ayos ka lang?" tanong saakin ni Irene.
"Kanina ka pa mukhang balisa diyan ah." sunod namang sabi ni Glen.
Tumango tango na lang ako.
"M-may nakalimutan l-lang ako sa gymnasium." palusot ko para hindi nila mahalata na may iniisip talaga ako.
Hindi kasi mawala sa isip ko yung babaeng kausap niya kanina. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng selos? Nagseselos ba ako? Iba na yata 'to.
Gusto ko ba siya? Mahal ko na kaya siya?
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Pag nakikita ko siya, bumibilis yung tibok ng puso ko, umiinit yung pisngi ko, at parang siya lang ang gusto kong makita.
"Irene..." pagtatawag ko sa kaniya, "... samahan mo naman ako, punta tayo sa canteen." nakangiting sambit ko.
"Ayok--"
"Libre ko."
"Eleanor my friend, halika na at baka maubusan pa tayo ng bibilhin." nakaakbay pa niyang sabi sakin.
Naglakad pa kami sa ilalim ng napakainit na panahon. Ang sakit sa balat nitong sinag ng araw, para kaming napapaso. Masaklap pa dito, nakalimutan namin magdala ng payong kaya tumakbo nalang kami ng pagkabilis-bilis.
Paunahan 'to oh, nag-contest pa kami ni Irene sa pabilisan ng pagtakbo.
"Ang mahuli panget!" panghahamon ni Irene sakin.
Walang anu-ano ay binilisan ko ng tumakbo at siya na ang hindi na nakahabol pa.
Sige hinahamon mo pa ako ah, runner ako nung elementary uy!
"Hoy, biro lang! Wala namang ganiyanan." sigaw niya na parang talo na siya.
Huminto ako saglit. Pumunta ako sa gilid ng gymnasium para hindi masyadong maarawan, napakabagal pa man din nitong kasama kong tumatakbo.